Chapter 22

597 25 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang insidenteng iyon, gising narin si Francine at kasalukuyang nag papagaling, si Beatrice naman ay hindi na nag papakita sa kanila, actually, hindi naman talaga galit si Angelo, kusang lumabas lang iyon sa kanya dahil lang sa inis.

"nakita mo na ba si Bea?" tanong ni Khalil ng makaupo ito sa tabi ni Angelo

"I can't contact her, kinakabahan na ako Khalil"

"Ikaw naman kasi, dapat binigyan mo siya ng pag kakataong mag explain" napabuntong hininga siya at napatingin sa cellphone niya, kitang kita niya ang ngiti ni Bea sa wallpaper niya.

"How can I find her? Tatlong araw na siyang nawawala, nag aalala na ako bro"

"pinuntahan mo na ba siya sa bahay nila?"

"Hindi pa "

"Ay tanga, puntahan mo na siya doon habang maaga"

"Makatanga ka naman" tumayo na siya at lumabas ng HQ nila.

Tinungo ni Angelo ang bahay ng dalaga, nakailang door bell rin siya bago pinagbuksan ng maid at pinapasok.

"Nasaan siya?"

"Sir nasa kwarto niya po, tatlong araw na po siyang hindi lumalabas—"

"Sht!" agad siyang umakyat ng second floor at kinatok ang pintuan"Bea buksan mo naman ito, si Angelo ito" wala siyang naririnig na ingay mula sa loob kaya agad niyang sinipa ang pintuan, buti nalang ay nabuksan niya ito agad.

Nadatnan niya si Bea na nakatalukbong ng kumot, nilapitan niya ito at tumabi sa kanya.

"Bea sorry" hindi umimik ang dalaga kaya napilitan siyang tanggalin ang kumot"What the hell happened to you?" hindi siya sinagot nito, sobrang putla ni Bea at dry pa ang labi nito

"g-gelo?" hinawakan ni Gelo ang noo nito

"May lagnat ka, bakit hindi mo sinasabi—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang niyakap ni Bea, umiiyak ang dalaga"huwag kang umiyak"

"S-sorry! Hindi ko naman sinasadya" hinawakan ni Angelo at ulo niya at niyakap siya pabalik"Let me explain"

"Okay then I should hear your explanation" humiwalay sila sa yakap at hinawakan naman ni Angelo nag pisnge niya"I'm sorry kung hindi kita hinayaang mag paliwanag, confuse lang ako at hindi ko iyon sinasadya" pinunasan ni Angelo ang luhang tumulo sa pisnge niya.

"Someone wants to kill all of you especially Ayu, he threatened me about it at kapag hindi ko susundin ang ipapagawa nila ay madadamay ka, please Angelo, hindi ko kaya kapag nawala ka—"

"Ssh! I understand now, huwag kang mag alala nandito naman ako at saka pangako, proprotektahan kita, hindi ko na hahayaang makalapit pa sila sayo" marahang napangiti si Angelo at hinalikan ang noo ng dalaga"Mag pahinga ka muna, kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?"

"Huwag na Angelo baka patayin mo lang ako sa luto mo" natawa si Bea ng mahina, hindi kasi marunong si Angelo sa pag luluto kaya malamang mapapatay talaga siya nito.

"Sobra ka naman" naka'pout na saad niya"Huwag kang mag pout humahaba lalo yang baba mo"

"Bastos na bata"

"Hindi ako bata"

"Gawa tayo ng bata"

"Mukha mo"

***

Katatapos lang ng flag ceremony at nag kita-kita sila Ayu sa student council room, walang nag sasalita ni isa sa kanila, si Francis ayun busy sa pag cellphone niya, si Khalil at Dexter naman ay may sariling mundo, habang si Ayu ay kasalukuyang nakikipag chat kay Jeremy.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon