Chapter 5

977 35 0
                                    

Vacant time nila kaya naman ay naisipan ng mga estudyanteng gawin nalang ang oras na iyon para sa pageensayo sa nalalapit na activity, hindi man gusto ni Ayu na kasali siya sa paligsahan ay wala narin naman na siyang magagawa dahil grades niya rin ang nakasalalay dito.

Nag si labasan na ang kanilang mga kaklase at naiwan naman sa loob si Ayu at Ace. Inayos na ni Ayu yung bag niya at handa na siyang umalis pero agad na nag salita si Ace.

"Music room" simpleng sabi nito at nag lakad na palabas ng classroom, napabuntong hininga nalang si Ayu na sumunod sa kanya.

Sa bawat estudyanteng nadadaanan nila ay napapatili ang mga ito, ganun kasi ka gwapo itong si Ace, lahat ng babae o maging mga beki ay tinitilian siya, lahat na ata na inlove sa lalakeng ito.

"Sus akala ko may artista na"  bulong niya, napatingin pa siya sa isang babae na mukhang kinikilig, nahuli nito kaya napairap nalang si Ayu.

Pumasok na sila sa music room at kinuha agad ni Ace ang gitarang nakadisplay doon at nag simulang itono ito. Samantalang si Ayu naman ay napaupo nalang sa harapan niya at pinagmasdan ito.

'gwapo nga talaga' isip-isip niya habang nakatitig kay Ace.

"So what song are we going to sing?" doon lang nag iwas ng tingin si Ayu, hindi niya na kasing namalayan na nakatitig na pala siya dito.

"I don't know, ikaw itong nag suggest na singing ang gawin natin"  masungit na saad ni Ayu at inirapan pa ito.

"Do you know the song' everything has changed'?" napatango lang si Ayu, nag simula naring mag strum ng guitar si Ace at nakipag sabayan na si Ayu.

"All I knew this morning when I woke
Is I know something now, know something now I didn't before
And all I've seen since eighteen hours ago is green eyes and freckles
And your smile in the back of my mind making me feel like
I just want to know you better, know you better, know you better now
I just want to know you better, know you better, know you better now
I just want to know you better, know you better, know you better now
I just want to know you, know you, know you" napatigil si Ace sa pag tugtog at tinitigan si Ayu, mag kaboses kasi sila ni Cassidey kapag kumakanta at hindi niya mapigilan na isipin na si Cassidey at Ayu ay iisa."Why did you stop?"

"Ah let's just practice separately" ibinaba na ni Ace yung guitara at nag lakad na palabas, naiwan si Ayu na nag tataka dahil sa kilos ni Ace.

"Problema nun? Aha! Siguro na  impress siya sa boses ko, hindi niya kinaya" sabi nito na tila ba ay nag bubuhat ng sariling bangko.

"Ayu?" napatingin siya sa pintuan at nakita niya si Jeremy"Kanina pa kita hinahanap"

"Bakit ba?" tumayo narin si Ayu at nilapitan si Jeremy, mukha kasing sobrang problemado ito.

"Si Gray nakipag away sa Cafeteria"  agad na napatakbo si Ayu, sumunod naman sa kanya si Jeremy.

Nang makarating sila sa cafeteria ay nadatnan niya si Gray na kasalukuyang nakikipag suntukan sa isang estudyante, kung hindi nag kakamali si Ayu, ito ay isa sa mga bumully kay Jeremy.

Bago pa man mabasag ni Gray ang bungo ng lalakeng iyon ay lumapit na si Ayu para patigilin sila.

"Gray! Ano ba! Tama na" pilit niyang pinaghihiwalay yung dalawa kaya naman ay hindi na siya nag paligoy ligoy pa, itinulak niya palayo si Gray at binigyan ng isang sipa sa mukha yung kalaban nito, ayun knock out."Oopps! Sorry"

"Ayu? What the hell you're doing?" tinaasan siya ng isang kilay ni Ayu.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko, bakit ka nakikipag away na naman?" umiling lang siya"Imposible namang wala kang dahilan—"

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon