Chapter 15

740 27 5
                                    

August 22, 2017

Mag isang naka-upo si Khalil sa bench, iniisip niya kung paano nga ba malulutasan ang problema nila sa Dragon, lalong lalo na sa BL, ni katiting na impormasyon ay wala silang ka alam-alam tungkol doon.

Isinandal niya ang likod niya sa may sandalan at napatingin sa kalangitan, napangiti siya ng maalala ang mga memories nilang mag kakaibigan noon, masaya at walang nag aaway, yan ang nakikita niya. Hindi naman sila isang gang na palaging nakikipag basagulo sa tabi-tabi noon pero nag bago iyon dahil sa isang pang yayaring hindi naman dapat nangyari.

Napangiti siya ng may tumabi sa kanya, it was Jhanica, wearing her sweetest smile again. Sumandal rin siya at napatingin sa kalangitan.

"Look! It looks like a boat" napatingin siya sa itinuturo ni Jhanica, tama nga siya, parang isang bangka ang kalangitang tinitignan nila."Hmm. About nga pala sa nangyari noon—"

"Just forget about that, hindi ka naman mapapahamak" she stop him by kissing his cheek, nabigla pa si Khalil dahil doon.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin, what I mean is about the kiss? Did you really meant it?" napatitig si Khalil sa kanyang mga mata, parang mata ito ng isang Anghel.

"O-oo, I mean it, I t-think I already l-love you" seryosong sabi niya habang nakatitig parin sa mga mata ni Jhanica, mas lalong napangiti ang dalaga dahil sa kanyang narinig

"well....I love you too!" awkward man pero niyakap niya parin si Khalil, sa una palang, may gusto na talaga siya kay Khalil, nung unang pag kikita nila sa restaurant noon ay hindi iyon ang unang pag kakataon na nakita ni Jhanica si Khalil, actually, may isa pang part time job si Khalil, yun ay ang pagiging cashier sa isang Supermarket, bumili ng makakain noon si Jhanica at doon niya nagustuhan si Khalil.

"S-so?"

"I know what you're thinking mister, hmm. Manligaw ka muna haha, ano yun? Ganun ganun nalang?" napaiwas na siya ng tingin at awkward na napatawa.

"Ok if that's what you want, I will court you my princess"  then he kiss her forehead.

Samantalang si Francis ay nasa bar na naman, wala siyang kasama at lumalagok na naman siya ng napakaraming alak, gabi-gabi nalang siyang lasing at nababahala narin ang kanyang mga kaibigan, ni hindi nila magawang patigilin dahil kilala nila ito. Kung gusto niya ay gusto niya, walang makakapigil.

"Bro tama na"  sabi ni Angelo at sinubukang agawin kay Francis yung baso pero hindi niya nagawa."Naka-anim ka na oh"

"Don't disturb me Angelo, baka mabasag ko yang baba mo" napasimangot si Angelo dahil sa sinabi niya, kahit lasing ay nagagawa parin niyang asarin si Angelo.

"Musta?" tanong ng kadadating lang na si Travis "Yo baba! Nasaan si Francine?"

"Pwede ba, hindi kayo inaano ng baba ko, tsk!" inis na sabi niya at umalis na, napailing nalang si Travis at umupo sa tabi ni Francis.

"Bro—"

"Umalis ka nga dito pandak"

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa katangkaran mo, naku! Lasing ka na talaga"

"I don't give a sh*t" ibinaba niya na ang baso at tumayo na

"Uuwi ka na? Kararating ko palang ah" hindi siya pinansin si Francis, lumabas na siya, medyo pagewang gewang pa ang pag lalakad niya dahil sa kalasingan.

Wala siyang dalang kotse dahil nasiraan siya kahapon kaya napilitan siyang mag lakad nalang, habang naglalakad ay inilabas niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Brienica, nabalitaan niya kasing nakauwi ng pilipinas ito at may kasamang lalake.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon