Chapter 11

873 22 3
                                    

"Tngna!!" ibinalibag ni Gray ang upuang nasa harapan nito, nalaman niya kasi ang nangyayari kay Ayu, yung tungkol sa mga death threats, lalo na't nakita niya kung gaano natakot si Ayu dahil sa natanggap niya kahapon.

Kasalukuyang nasa student council room sila at pinaguusapan ang tungkol doon, kumpleto sila at nakikisama narin si Jasmine sa kanila.

"Lumaban sila ng patas, huwag na nilang idadamay ulit ang babe ko!" saad naman ni Travis

"Tama si Travis" si Angelo naman ang nag salita habang nag eensayo ito sa pag sasayaw buti nalang ay malaki ang kwarto na iyon kaya may lugar pa kung saan pwede siyang mag practice

"Tigilan mo nga iyan baba, doon ka sa  Practice room mag practice" pag singit ni Francis na ngayon ay nakakunot na ang noo, nag bukas pa ito ng isang kaha ng sigarilyo at tinangkang manigarilyo ngunit pinigilan siya ni Jasmine.

"Sa halip na manigarilyo ka diyan, mag lollipop ka nalang na katulad ng ginagawa ni Ace" inilabas ni Jasmine ang lollipop na binili niya kanina at ibinigay iyon kay Francis, ayaw sana ni Francis kaya lang pinilit siya ni Jasmine kaya kinuha niya rin iyon sa huli.

"Ikaw ba pandak? Higaan ba ang lamesa para dito ka matulog" sagot naman ni Angelo habang nag pupunas ng pawis niya.

"Ace? May idea ka ba tungkol sa history ng grupong Dragon?" tanong nila kay Ace na ngayon ay nakatungo lang

"Why are you asking me? Did you forgot that I also got an accident two years ago"  nag katinginan silang lahat dahil sa sinabi nito, nakalimutan nilang nasangkot nga pala si Ace sa isang aksidente noon.

Nalaman kasi ni Ace ang tungkol sa nangyari kay Cassidey kaya kahit na umuulan ng napakalakas ay binilisan niya ang pag mamaneho para makaabot lang sa ospital na pinagdalhan kay Cassidey, nawalan siya ng preno at nabangga ang kotse niya ng isang dum truck, nawalan siya ng ala-ala noon at ang Dace lang ang nag kwento tungkol sa buhay niya at kay Cassidey.

"Tsk!" tumayo na siya at walang sabi-sabing lumabas

Nang masiguradong wala na si Ace ay nag katinginan ulit ang grupo maliban kay Jasmine na nakatitig kay Francis, may gusto siya kay Francis pero hindi iyon napapansin ni Francis.Palibhasa walang pakealam sa nasa paligid niya.

"Wala ba talaga kayong planong sabihin sa kanya ang totoo?" tanong ni Khalil, pang basag niya sa katahimikang namamagitan sa kanilang lahat"I mean, we've been lying all this time—"

"Wala ni isa sa inyo ang mag sasabi ng katotohanan sa kanya" singit ni Gray"Ipinangako niyo na iyan noon, we will keep it until everything is settled" tumango naman silang lahat.

"Ano ba yung tinatago niyong katotohanan?" tanong naman ni Jasmine na walang ka alam-alam tungkol sa pinag uusapan nila.

"Basta" sabi naman ni Angelo"So ano na ang plano niyo sa Dragon?"

"Still don't know, palagi naman natin sila nakakaharap sa mga underground battle pero ni minsan wala akong narinig tungkol sa death threats na iyan" sagot ni Dexter habang kumakain na naman ng pizza.

"So it means? Maybe Dragon o ibang grupo ang gumagawa nito sa kanya" -Travis

"Posible kayang bumalik ang grupong Black Dia—"- Khalil

"There's no way na babalik sila"- Francis

"Tama si Francis, sa pag kakaalam ko nahuli na sila two years ago" pag sang-ayon ni Gray

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon