1.Perfect Life?

13.5K 278 31
                                    

Breanna Mariel Guevara Santillan, masiyahin, mayaman, maganda, matalino, may pagka clumsy pero lumaking mabait sa kabila ng kinagisnang karangyaan.
Siya ang nag iisang tagapagmana ng mga Santillan. Ang isa sa tanyag na pangalan sa mining industry.

Akala niya ay nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang babae para mahalin at erespeto pero nagkamali siya..ang lalaking pinakamamahal na inaakalang makakasama niya habang buhay nahuli niyang nasa kalinga ng iba...

"Mga hayop kayo! mga walang hiya! walang utang na loob lalo kana Jennifer Rodriguez...itinuring kitang ka dugo!"

Even in her dreams she was devastated and hurt..,paulit ulit sa isip niya ang tagpong dinatnan niya sa condo ng nobyo.

The man she loved and the woman she considered a sister are both naked and having indecent act. God knows kung ano pang kahalayan ang ginawa nila...

Sa lahat ng taong pweding manakit sa kanya ay ang mga tao pang inakala niyang hinding hindi siya magagawang saktan..

In this world full of uncertainties,
She was always sure of him. Her Prince. In this world where people always leave,
She thought that he was going to stay.
She didn't know that she could be so certain yet be so wrong in her whole life. The man she imagine having a family and kids was having sex with the woman whom she adore as a sibling..

The worst part was, her Dad was not bothered about it.

"Lalaki ang nobyo mo natural sa kanya ang magkaroon ng pangangailangan. Hija wala namang nawala sa kanya. Tuloy ang engagement ninyo."

She couldn't even believe sa sinabi ng sariling Ama dahil ipinagtapat niya dito ang nasaksihan sa condo ng nobyo. Sa halip makisimpatya ito sa kanya ay tila ba nais pa ng kanyang amang ipahiwatig na siya ang may pagkukulang.. Pero alam nyang gustong gusto ito ng ama dahil bukod sa matalino at magaling sa negosyo galing pa sa prominenting pamilya, kaya hindi siya magtataka kung balewala dito ang kabastusan ng nobyo..She was right all along na antayin muna silang makasal bago niya ibaba ang bandera nalugi sana siya. Ano yon Ty nalang...

She always thought that Dave Anthony was a good man and will never break her heart but she was wrong..akala niya ay kilala na niya ito dahil magkababata sila.

Inayos ni Bree ang kaunting gamit na dadalhin niya sa gagawing pag alis..isang backpack na may katamtamang laki. Pinagkasya niya dito ang dalawang pares ng Jeans at Tshirt. At tiglilimang piraso ng panloob..Bumili din siya ng di kamahalang android phone pero pagkadami daming cellcard. Hindi niya alam pero iniisip niya baka walang mabilhan sa pupuntahan niya.

Aalis siya pansamantala sa mundong kinalakihan at tutungo sa hindi pa niya alam kung saan. Ayaw niya mag abroad her Dad could trace her destination sa airport knowing na marami itong connection. Her Mom was busy in her social life ni hindi nga neto alam na may pinagdadaanan siya. Kaya naisip niyang lumayo at hanapin ang sarili, ang totoong siya at hindi ang hinubog bilang siya..

Marahan siyang bumaba at tinungo ang silid ng kanyang Nanay Abby, ang taong halos nagpalaki sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit lumaki siyang mabait at mapagkumbaba. Halos ito na ang naging Ina inahan niya..ang nagpakita ng pagmamahal sa kanya ng isang ina. Hindi na ito nakapag asawa dahil ayaw niyang magpa iwan sa tuwing magpapa alam itong uuwi ng probinsiya..

"Nay, sana maunawaan ninyo ako at mapatawad sa pag alis ko."

Hinagkan niya ito sa noo ng marahan para hindi ito magising..Iniwan niya ang isang maikling liham..

Nanay,

Patawarin niyo po ako dahil alam ko na mag aalala kayo sa pag alis ko..pero sa ngayon kailangan ko pong gawin to. Kayo na po ang bahalang magsabi kay Dad at kung pwede lang hayaan niya na muna ako..Mamimiss ko po kayo Nanay..wag po kayong mag alala sa akin Nay..Kaya ko na po ang sarili ko. Iloveyou. Please Take care.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now