11. Unexpected

4.4K 139 10
                                    

Mariel

Masama ang gising ko. Feeling ko ang bigat bigat ng katawan ko. Malamig na kasi ang klima at nalalapit na ang pasko, ramdam ko na ang amihan...kaya siguro tamad na tamad akong bumangon. Wala na si Gabriel ng magising ako, maaga na naman itong umalis marami daw silang aanihing gulay.

" Gising ka na pala Mariel, magandang umaga..." si Ate Icel.

" Magandang umaga din Ate. Ang bango naman ng breakfast, ano bang niluto ninyo?"

" Mabango? Eh sinangag lang naman, tuyo saka pritong itlog." bigla akong natakam sa sinangag at tuyo.

" Tara na kumain Ate..si Gab nagbaon ba?" hindi ko na sila inintay at nauna na akong kumuha ng pagkain.

" Oo nagbaon siya ng agahan niya at mamya daw tanghali ay uuwi siya para samahan ka kumain. Ang sweet ng asawa mo sayo neng..anong nga yong uso sa mga kabataan ngayon, ah naalala ko na 'lodi kita. Werpa." at nakikiuso si Ate Icel, enjoy na enjoy ako sa pagkain ko habang daldal siya ng daldal.

" May sinangag pa ba Ate Icel? " nagkatinginan sila ni Lina ang isa pa naming kasama sa bahay..

" Aba'y tila gutom ka yata, pinasobrahan ka ba ng asawa mo kagabi?" Ano daw? " Hala sige ilagay mo na iyang natitira sa plato mo at maghahain pa ako." Ang sarap naman talaga kumain ng sinangag at tuyo sa umaga. Kahit silang dalawa ay halatang enjoy sa almusal namin.

Pagkatapos kumain ay napagpasiyahan ko na mag ayos ng mga gamit sa kwarto namin. Hindi paman ako nangangalahati ay tila hinihila na ako ng antok. Tinignan ko ang orasan.. nine thirty palang naman ng umaga.

" May pinadalang lanzones ang asawa mo kay June, matamis..bumaba kana muna, si Lina nalang ang patapusin mo d'yan sa nililigpit mo. " nawala ang antok ko ng marinig ang sinabi ni Ate Icel.

Nilantakan ko ang lanzones..matamis nga at seedless pati ito..napangiti ako dahil mas nagiging sweet na ang asawa ko sa akin at sobra siyang maalaga. Hanga din ako sa sipag neto sa trabaho.

Wala naman talagang taong magugutom kung marunong lang magtanim at magbungkal ng lupa.

Mas gusto ko padin ang buhay dito sa hacienda kumpara sa kinalakihan ko. May malinis na hangin, sariwang pagkain at malayo sa pulosyon.

Pero marami ang nagtitiis na manirahan sa City kaysa sa probinsya, sa Manila halimbawa. At ang masaklap kapag nakakaranas sila ng hirap ang Presidente at ang gobyerno ang sinisisi nila, pero sila naman tong tamad. Gusto ang madali at hayahay na buhay, gusto ng pera at ginhawa pero kulang naman sa gawa.

Kaya din ako umalis sa amin para matutong tumayo sa sarili ko at hindi umasa sa yaman ng pamilya. I admire my Dad dahil pinagsumikapan niya ang yaman na meron kami, lagi siyang wala dahil busy sa pagpapalago ng negosyo.

Kaya hindi rin pweding masisi ang ibang mayayaman dahil di gaya ng iba na nag aantay lang ng grasya pinagsumikapan nila ang meron sila.

Dahil minsan kung sino pa ang may kaya sa buhay sila pa ang masipag magtrabaho samantalang yong iba, mahirap na nga tamad pa at wagas pa gumastos. Iba din. Pinoy nga daw talaga.

Nasa ganon akong pagiisip ng makaidlip ako sa sala.

" Tignan mo tong batang to, iba ka din talaga Mariel, masandal tulog." kinausap ni Ate Icel ang natutulog na si Mariel.

" Hala' nakatulog na yang si Ate Mariel. Nabusog yan, paano netong mga nakaraang araw parang antakaw niya." pababa si Lina at tinapos na ang nililigpit ni Mariel sa kwarto.

" Hindi kaya?!" halos magkasabay na sabi ng dalawa. Sabay takip nila ng bibig..Tuwang bumalik sila sa kitchen.

Naalimpungatan si Mariel at nakaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo siya sa dating kwarto, pumasok ng banyo at inilabas lahat ng kinain. Pinagpawisan siya ng malamig.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now