17. Danger

4.9K 142 6
                                    

Inaantay kong matapos ang klase ni Miggy, ano mang oras ay lalabas na ito, masaya ako dahil kahit papaano ay nakakasama ko na ang anak ko. Mabait siyang bata at masasabi kong maayos ang pagpapalaki sa kanya ni Mariel.

Nag umpisa ng magsilabasan ang ibang estudyante, senyales na tapos narin ang klase ng anak ko. Hinagilap ko siya sa mga papalabas na mga bata ng mapansin ko ang lalaking kakababa lang ng itim na Van. Tila may hinahanap ito sa mga batang nagsisilabasan.

Hindi maganda ang kutob ko. " Tatay Luke!" naagaw ni Miggy ang atensiyon ko. Agad ko siyang sinalubong at kinuha ang bag niya. Binalik ko naman ang tingin sa lalaki kanina at masama ang tingin nito sa amin ni Miggy.

" Let's go Miggy." Agad kong pinasok sa sasakyan ang anak ko at kinabitan ng seatbelt.

" Matutuwa si Mommy sa news ko, Tatay Luke, ako ang napili na mag represent ng school namin sa quizbee sa byernes." napangiti siya sa sinabi ng anak.

" That's good news indeed Miggy, matutuwa nga ang Mommy Mariel mo niyan." panay ang tingin ko side mirror dahil napansin kong sinusundan kami ng itim na Van.

" Mommy Bree, Tatay Luke. Hindi madalas gamitin ni Mommy ang second name niya." hindi ko namalayan na Mariel ang pala ang nasabi ko na pangalan ng ina niya. " How did you know, my Mommy's second name Tatay?" kasi yon ang pakilala niya sa'kin anak. Gusto ko sanang isagot.

" Your Lola told me." palusot ko nalang. Dapat ay mag ingat ako sa mga isasagot ko sa kanya. He's a bright kid.

" You mean Mamita. Why are you wearing glasses po pala, Tatay?" napapansin nito lahat.

" Medyo malabo kasi ang isang mata ko, Miggy." pagsisinungaling ko. Pero isa iyon sa disguise ko para hindi makilala, kung sakaling magkita kami ni Mariel. I also let my mustache grow sa upper lip, pinahaba ko rin ang buhok ko at itinali.

" I want to have mustache like you too, Tatay." mabuti nalang at abala ito sa mga tanong sakin, hindi niya napansin na nag iba ako ng daan. Naiwala ko ang nakasunod sa'min.

Maayos kaming nakarating sa bahay nila Mariel, agad kong kinausap ang mga guard pagkapasok ni Miggy. Sinabi ko sa mga ito na magmanman at magbantay ng mabuti dahil may napansin akong itim na Van na sumusunod sa amin.

Pumasok din ako ng kusina at kinausap ang katulong nila para itanong kung nasaan ang Mama ni Mariel at kung pwede ko itong makausap. Agad naman itong pinuntahan ng katulong.

" Gusto mo daw akong makausap, Luke? " pinapunta ako nito sa may garden. Marami itong mga inaalagaang bulaklak.

" Ma'am, may napansin po akong kahinahinalang itim na Van na sumusunod sa amin kanina mula sa school ni Miggy." I need to know kung may dapat akong ikabahala sa kaligtasan nila, lalo na ng anak ko.

" Luke ang totoo niyan, kaya ikaw ang kinuha kong bilang driver ni Miggy dahil narin sa background mo, alam kong maipapagtatangol mo siya at mapoprotektahan sa mga gustong manakit sa kanya. Matanda na ako, hindi na ako natatakot para sa buhay ko, ang inaalala ko nalang ay ang anak ko at si Miggy. Mahirap magbintang pero isang tao lang naman ang galit sa amin ng anak ko." sinabi nito sa akin ang tungkol sa Mommy Betina ni Mariel.

Ito lang ang may motibo para saktan sila. Iniisip nilang gumaganti ito sa pagpapalayas sa kanya ng ama ni Mariel.

Sa kahilingan ni Ma'am Camilla ay lumipat ako sa bahay nila, isa sa mga bakanteng kwarto na malapit sa kusina ang pinagamit nito sa'kin. Pabor iyon sa akin dahil mas mababantayan ko sila.

Sa ayos at itsura ko ay malayong makilala ako ni Mariel kung sakali mang magkita kami. Tapos na kami maghapunan ay wala pa ito.

" Nay Abby, wala ho bang ibang nakatira dito bukod kay Miggy at Ma'am Camilla?" kunyari ay hindi ko alam na dito nakatira si Mariel.

Kismet (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang