7. Marry Me

5.2K 160 19
                                    

Hindi napilit si Mariel na sumabay sa almusal pinagka abalahan niya ang pagdidilig ng mga halaman. Bakit naman siya sasabay sa mga ito? Ngunit hindi maalis sa isip ang pagtawag sa kanya ni Gabriel ng sweetheart.

" Sweetheart daw?" ulit ulit nya sa sarili.

" Ate Mariel!"

" Ay kabayo!" Nagulat ang dalaga sa pagsulpot ni Lala. Paano busy siya sa kakaisip ng sweetheart.

" I'm sorry Ate nagulat yata kita, kumain kana daw po, tapos na kami, bakit kasi ayaw mo pang sumabay sa amin eh magiging pamilya mo na din kami." nagulat ako sa sinabi ni Lala.

" Anong ibig mong sabihin Lala?" tanong ko sa kanya saka naman sumulpot si Gabriel.

" Iwan mo muna kami Lala. May pag uusapan lang kami ng Ate Mariel mo." anito sa kapatid.

" Mariel 'marry me." gulat na nabitawan ko ang hose na hawak ko. He's asking me to what!?

" Ano!? " kahit dinig ko ang sinabi niya ay nagtanong padin ako.

" Magpapakasal tayo." seryoso niyang sagot. Kung kanina ay tila tinatanong niya pa lang ako ngayon ay tila sigurado siyang magpapakasal ako sa kanya.

" At bakit ko naman gagawin yon? Wala tayong relasyon." nababaliw naba siya? Anong tingin niya sa kasal parang pamamasyal, 'tara pasyal tayo ganern?

" Magbabayad ako kahit magkano." Hindi ko kailangan ng pera mo gusto ko sanang isagot. " Kailangan ko lang isalba ang Hacienda. Gusto ni Grandpa na ibenta ang buong Hacienda at hindi ako papayag na gawin niya yon! Hindi niya itutuloy ang pagbebenta nito kapag nagpakasal ako, natatakot silang tumanda akong magisa dahil sa pag aasikaso ng lugar na to." gaya ng kwento ng kapatid niya.

Pero hindi ko naman akalaing magiging bahagi ako ng solusyon niya. Ako talaga?

" Bakit ako? Marami namang ibang babae dito sa Hacienda, hindi sila magdadalawang isip na tanggapin ang inaalok mo." hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkaka crush sa kanya.

" Minsan na din kitang tinulungan Mariel, ipapaalala ko lang sayo. Hindi ako nagdalawang isip na patuluyin ka dito sa bahay ko. Sana ay matuto kang tumanaw ng utang na loob." hinihingi niyang kapalit ang pakasalan ko siya sa pagpapatira nya sa'kin? Nagtrabaho din naman ako.

" Ang kailangan mo lang naman gawin' magpangap na asawa ko habang nandito ang pamilya ko. Kapag bumalik na sila sa New York pwede na nating ipawalang bisa ang kasal." namulsa ito at tumingin sa malayo. " Dahil sa nakita tayong magkatabing natutulog inakala ni Grandpa na may relasyon tayo." nag init ang pisngi ko. Iniisip ba nila na may nangyari sa'min?

Kasalanan ko din naman yon kung tutuusin, nakatulugan ko ang pagtitig sa kanya. Ano ba tong napasok ko? Umiwas ako na makasal sa taksil kong nobyo pero heto at may panibagong kasal na naman akong kinasasangkutan.

" Isipin mo nalang ang mga batang tinuturuan mo, sila Sasha, Heart at iba pa. Sila ang posibleng maapektuhan kapag natuloy ang pagbenta ng Hacienda." Blackmail Bess? Ginamit talaga ang mga bata, ginalingan.

" Sige' pumapayag ako para sa mga bata." pikit matang tinaggap ko ang alok niya." Para sa mga bata." ulit ko sa sarili ko.

" Wag ako Mariel!" kontra ng tagong bahagi ng utak ko.

" Pero ayoko ng magarbong kasalan Gabriel. Kung pwede ay yong tayo tayo lang." baka makarating pa kay Dad.

" Thank you! Thank you! Hulog ka talaga ng langit." nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako. Hulog daw ako ng langit?

" Ano at tuwang tuwa ka Hijo?" gulat na naitulak ko si Gabriel ng may magsalita.

" Ma! I'm getting married. Mariel said yes!" kinabig niya ako palapit sa kanya.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon