19. Safety

5K 144 9
                                    

Narinig ko mula kay Nay Abby na aalis si Mariel papuntang Baguio, may business conference daw itong pupuntahan. Aalis ito kahit alam niyang masama ang loob ng anak namin sa kanya.

Papunta akong likod bahay ng mapadaan ako sa may swimming pool ng bahay nila, naroon ito at kausap si Ma'am Camilla.

" Aalis kana naman Bree, masama ang loob sayo ni Miggy, hindi ba pwedeng unahin mo nalang munang ayusin ang relasyon ninyong mag ina?" wala talaga itong pakialam sa anak namin.

" Ma, lilipas din po ang tampo ni Miggy, mabuti na nga yong hindi niya ako nakikita."  hindi manlang nito magawang amuin ang anak namin.

" Paano naman kasi nangako ka na pupunta tapos  dumating ka kung saan tapos na yong contest niya, natural magtatampo talaga yong anak mo. Lumalaki na si Miggy, hindi mo na siya madadaan sa lambing o mga laruan." matalino si Miggy at alam nito na hindi siya ang priority ng ina.

" Ma, mahal ko po ang anak ko, hindi  ko lang po maiwasang maalala ang ama niya sa tuwing nakikita ko siya at nagtatanong narin po siya tungkol kay Gabriel. Hindi ko gustong masaktan ang anak ko, kapag nalaman niyang may ibang pamilya ang Daddy niya." naniniwala talaga siyang may iba akong pamilya.

" Hindi ka naman sigurado kung totoo yang sinasabi mo, ang sabi mo nga ikaw ang lumayo sa kanya." alam pala ng Mama nito ang tungkol sa amin.

" Hindi po akong pwedeng magkamali sa nakita ko nang gabing iyon, may nangyari sa kanila. Hindi niya manlang po naisip ang mararamdaman ko." Nakita niya ang ginawang kapangasahan ni Ella kaya siya umalis.

Hindi ko maalala ang nangyari ng gabing iyon o kung may nangyari ba talaga? I'm drunk, nilasing ako ni Ella at wala akong matandaan.

Naiintindihan na niya ngayon kung bakit ito umalis ng walang paalam.

" Kasalanan ko naman po, ni minsan hindi sinabi ni Gabriel na mahal niya ako, umasa lang po siguro ako sa wala. Pero wala po akong pinagsisihan lalo na at dumating si Miggy sa buhay ko, ang inaalala ko lang po ay kung papano niya tatangapin ang tungkol sa ama niya." pinahid nito ang mga luha. Mariel is hurting at kasalanan ko dahil hindi ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Mahal ko siya.

" Anak, matalino si Miggy, maiintindihan ka niya kung ipapaliwanag mo ang lahat sa kanya ng mabuti."  niyakap ni Ma'am Camilla ang anak.

" Dapat po sigurong pagisipan ko na ang alok ni William. " muli nitong pinahid ang mga luha ng bumitaw sa yakap ng ina niya. " Kailangan ni Miggy ng ama at handa naman siyang tanggapin ang anak ko. Kung ako lang po, wala na akong balak makipag relasyon pero kung para sa ikakabuti ni Miggy gagawin ko.  Dati ko na po siyang tinangihan pero kinausap niya po ako ulit noong isang araw, hindi parin daw po siya sumusuko." may ibang gustong magpaka ama sa anak ko at ni sa panaginip ay hindi ako makakapayag na mangyari yon.

"Si William Valencia, na inaanak ng Daddy mo?"  tumango ito sa sinabi ng ina. " Anak, huwag kang magpadalos dalos, hindi natin alam kung tatangapin ni Miggy yang iniisip mo."

Mukhang kailangan na niyang magpakilala sa anak. Hindi pwedeng may umagaw sa pwesto ko bilang ama niya.

Umalis na ako mula sa pinagkukublian. At mabuti nalang dahil kamuntikan na akong mahuli ni Miggy. Nasalubong ko ito at may hawak na Bola.

" Tatay Luke, maglaro na po tayo ng basketball, diba po tuturuan niyo ako?" ginulo niya ang buhok ng anak. Hindi siya papayag na iba ang kikilalanin nitong ama. Bibigyan niya ito ng isang buong pamilya, kasama si Mariel.

" Sure Miggy, magpapalit lang ako ng rubber shoes." sumunod ito sa kanya nang pumasok siya ng bahay.

" Miggy apo, nariyan ka lang pala, magpaalam kana sa Mommy mo, isang linggo siyang mawawala dahil pupunta siya ng Baguio."  kumapit ito sa laylayan ng damit ko gamit ang isang kamay at nagkubli sa likod ng mga hita ko.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now