8. Reckless

5.4K 147 7
                                    

Tinulungan ako ni Ate Icel na ipaghanda si Gabriel ng pagkain pagkagaling kasi nito sa airport ay dumiretso na ito sa bukid at marami daw silang trabaho.

Alam kong pinagbawalan niya ng akong lumakad mag isa papunta sa taniman pero nahihiya ako sa Mama niya baka isipin niyang hindi ko manlang inaasikaso ang anak niya' na ngayon ay asawa ko na.

Ng masiguradong naka pack ng husay ang mga dala kong pagkain ay nagpasama ako kay Ate Icel pumunta sa kwadra at kinuha ang kabayo ng asawa ko na si Dwight . Minsan na akong nagpaturo kay James ang anak ni Mang Teban na tagapag alaga sa ilang kabayong naroon na sakyan iyon at mukhang maamo naman ito.

" Ma'am Mariel sigurado ba kayo na sakyan ang kabayong iyan? Samahan ko nalang kaya kayo maglakad." nag aalalang sabi ni Ate Icel.

" Ayos lang Ate Icel, mabait ho itong si Dwight saka naturuan naman po ako ni James." pero kahit papano ay kabado ako at unang beses ko sasakay ng kabayo na magisa at walang binatilyong nakaalalay.

" Dwight be good to me. Baka gutom na iyong amo mo." hinaplos ko leeg nito at mahigpit na hinawakan ang renda nasa balikat ko naman ang bag ng pagkain.

" Mag ingat ko kayo Ma'am, huwag n'yo nalang siya patakbuhin ng mabilis." bilin ni Ate Icel.

" Pakisabi kina Mama umalis ako at kumain na sila 'sasabay na ako kay Gabriel kumain. Hiya!" umusad na kami ni Dwight.

Sinigurado kong marahan lang ang takbo namin ni Dwight. Nakita ko si Sasha at kumaway ito sa akin.

Pansamantala ay tinigil ko ang pagtuturo sa kanila dahil naging abala ako sa kasal at sa pamilya ni Gabriel na pamilya ko narin.

Masaya ako dahil sa pananatili ko sa Hacienda marami akong nagagawa na alam kong sa bahay ay hinding hindi ko mararanasan. Gaya ngayon ang pagsakay ng kabayo.

" Saka' pagkakaroon ng papable na asawa?" Bulong ng utak ko na ikinangiti ko.

Nagtaka ako ng biglang dumilim ang langit at ngayon pa talaga uulan? Hindi ko marahil napansin na maulap kanina. At sa kamalas malasan bigla nalang kumulog, na ikinagulat namin pareho ni Dwight.

" Easy Dwight..easy." mas hinigpitan ko ang hawak sa renda niya. At sa katangahan ko natural pag may kulog may kasunod na kidlat. Bigla nalang kumaripas ng takbo si Dwight. Lumihis ito sa dapat ay daan papunta kina Gabriel. Masakit na ang mga kamay ko sa higpit ng pagkakahawak sa renda niya halos nakayakap narin ako sa likod niya.

" Oh my! Dwight calm down!" pero dahil sa muling pagkulog ay tuluyan na itong nagwala, pinikit ko ang mga mata ko dahil alam kong titilapon na ako.

Hindi ko alam kong gaano katagal akong nawalan ng malay pero masakit ang katawan ko lalo na ang kaliwang paa ko, feeling ko ay may nabaling buto at kung may anong nakatusok doon. Nilalamig narin ako dahil basa na ako ng ulan. I'm in middle of nowhere at nag uumpisa ng dumilim.

" Gabriel!" Hopeless pero nagbabakasali akong hanapin niya ako. Sana nakauwi na siya. Wala din akong dalang cellphone.

I'm trying to fulfill my duty as a wife tapos ito pa ang nangyari. Hinayaan ko ng dumaloy ang mga luha ko.

" Please help me Gabriel, find me." taimtim na bulong ko. I'm already feeling cold plus gutom na din ako. Hindi ko alam kong saan tumilapon ang dala kong pagkain pati si Dwight hindi ko makita.

" Please Lord don't take me soon, kakasal ko lang po." sinubukan kong tumayo pero matinding sakit ang naramdaman ko sa kaunting galaw ng kaliwang paa ko. Nawawalan na ako ng pag asa...mamatay ako sa lamig o gutom o di kaya sa pamamaga ng paa ko.

Samantalang aligaga ang mga tao sa bahay nila Gabriel lalo na ng dumating ito na hindi kasama ang dalaga.

" Gosh Kuya, bakit ngayon ka lang umuwi? Kasama mo ba si Ate Mariel?" takang napatingin si Gabriel sa kapatid.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now