6. Visitors

4.7K 161 14
                                    


Tanghali na ng magising si Gabriel ng araw na yon, linggo at wala silang trabaho sa bukid. Naligo muna siya bago bumaba. Nakarinig siya ng pagparada ng sasakyan kaya sa halip na magtungo sa kitchen para kumain ay tinignan muna kung sino ang dumating.

" Kuya!" tiling tawag sa kanya ng dalagitang kakababa lang ng sasakyan.

" Lala?" nagulat siya ng sugurin siya ng yakap ng bunsong kapatid.

" Hijo, namiss ka namin." Ngayon ay ang Mama naman niya ang nasa harapan at niyakap din siya.

" Luke Hijo' nasorpresa ka ba ng biglaang pagsulpot namin?" Ang kanyang Grandpa iyon.

It was indeed a surprise for Gabriel seeing them. Hindi manlang nagpasabi ang mga itong darating.

" Ma' bakit hindi manlang kayo tumawag? Nasundo ko sana kayo sa airport." Malayo layo din ang airport sa lugar nila.

" Gab, it won't be a surprise if you know na darating kami." sabat ng kapatid, anyareh sa kaninang paggalang nito sa kanya.

" Kuya! Isabella, tawagin mo akong Kuya, ayos na kanina eh." ginulo niya ang buhok ng bunsong kapatid. " You seem taller than I remember." magtatatlong taon din niyang hindi nakita ang mga ito.

" Nako' naka takong lang yang kapatid mo Luke, aba'y ayaw paawat akala yata eh siyudad ang pupuntahan." tanging ang kanyang Grandpa ang tumatawag sa kanya ng Luke.

" Nakalimutan na yata ni Isabella na malayo sa City ang Hacienda anak, maliit pa siya nong huling dalaw namin dito." ang kanyang Mama na ngayon ay naikot sa sala nila. " Ang linis ng bahay, kinuha mo ba ng makakasama si Nana Belen?" she must commend Mariel, she's doing a great job, metikulosa ang ina pagdating sa kalinisan.

Saka naman pagpasok ni Mariel, may bitbit itong mga sariwang gulay, na kinuha sa taniman malapit sa Hacienda. Halatang nagulat ito sa dinatnang mga bisita.

" Who is she Gab?" maliksing nilapitan ni Lala si Mariel.. " Hello.." aniya sa dalaga.

" Isabella, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tawagin mo akong Kuya! Siya si Mariel, ang pansamantalang pumalit kay Nana Belen dahil umuwi ito ng Bicol." ngumiti si Mariel sa dalagita.

" Mariel, this is my Mom Beatrice' my Grandfather Alfonso at bunsong kapatid ko si Isabella." Pakilala ni Gabriel sa pamilya.

" Magandang tanghali po." nahihiyang bati ng dalaga.

" Call me Lala Ate Mariel. Are you sure you're a maid? coz you're too pretty to be one." inabot ni Isabella ang kamay sa dalaga, pinahid niya muna ang kamay bago tinangap iyon.

" Salamat Lala. Maiwan ko po muna kayo, ipaghahanda ko kayo ng lunch." nagtungo na ang dalaga sa kitchen.

Mag aalas dose ng natapos si Mariel sa pag aayos ng table. Sinigang na hipon ang niluto niya at may pritong isda. May kilawin din na paborito ni Gabriel. Nagprito din siya ng pork chop sakaling hindi kumakain si Lala ng isda. Sariwa ang hipon at isda na kakahatid lang ng katiwala ni Gabriel mula sa maliit na palaisdaan sa Hacienda. Hindi alam ng dalaga kong kumakain ba ng mga iyon ang mga bagong dating.

" Sabayan mo na kami Mariel." alok ng Mama ni Gabriel sa dalaga.

" Mamaya nalang ho ako Ma'am Beatrice. Ipaghahanda ko lang po kayo ng maiinom." sabay ng pagtalikod ng dalaga ang mumunting dasal na sana ay kumain ang mga ito ng niluto niya.

Samantalang namangha ang mga bisita sa sarap ng pagkain. Panay ang dagdag ng matanda ng kanin.

" Masarap magluto ang batang iyon Hijo." Papuri ng kanyang abuelo sa dalaga.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon