4. Talon

5K 156 14
                                    


Napansin ni Mariel na hindi na masyadong nagsusunget si Gabriel simula ng mangyari ang pagtatangka sa kanya ni Berto. Mas mahinahon na ito. Bagay na ikinatutuwa niya. Marahil ay nakonsensya ito sa pagsusungit sa kanya ng araw na yon.

Likas itong matulungin sa mga taga Hacienda, nagbigay pa nga ito ng tulong ng minsang magkasakit ang anak ng isa sa mga tauhan niya. At kahit suplado ito hindi niya maiwasang humanga.

She admire the man's kind generosity sa mga tao sa Hacienda. Yon nga lang may mga beses na panaka naka itong nagsusunget.

Wala namang gaanong gawain sa Hacienda ang dalaga pagsapit ng hapon kaya napagpasyahan niyang turuan magbasa ang mga bata sa lugar na yon. Kung siya lang ang masusunod nais niyang maging Teacher pero hindi iyon pwede sa kanyang ama. Ito ang ang halos nasusunod buong buhay niya.

Mahilig siya sa mga bata dahil siguro lumaki siyang mag isa at walang kapatid. At malambot ang puso niya sa mga munting anghel, lalo na sa mga nakakaranas ng kahirapan sa mura nilang edad. Kahit mahigpit ang ama sa kanya ma swerte parin siya dahil lumaki siyang sagana sa maraming bagay. Natutuwa siya dahil halos kasundo niya ang mga bata sa Hacienda , liban sa isa...

"Heart, sinabihan mo naba ulit si Sasha na pwede siyang sumali sa atin kung gusto niya?" Tanong ni Mariel sa isa sa kanila.

"Opo Ate Mariel pero' ayaw niya po. Wag ko na daw po siyang pilitin." Kakaiba ang batang iyon, palagi naman nakatanaw sa amin pero ayaw naman sumali.

Nakita niya ito sa di kalayuan, minsan ay sinusulyapan niya kami tapos ay titingin sa malayo at tila nalulungkot. Di kaya nag aadik siya?

Agad? Kontra ng utak ko..

Nga naman parang ang bata pa niya para don, isa pa babae siya.

"Teka Heart, ako na ang kakausap, hindi mo naman yata ginalingan. Tapusin n'yo na muna iyang pinapasulat ko." Baka makinig sa akin.

"Nako' Ate Mariel tiyak susungitan ka lang ni Sasha. Hayaan mo na siya." Babala sa akin ni Heart.

Pero susubukan ko lang naman. Baka madala ng charm ko. Yes, I do have this talent of charming people around me. Nilapitan ko siya.

"Hi Sasha, ang ganda ng pangalan niya' fairness. Ako nga pala si Ate Mariel." Ngumiti ako sa kanya.

"Alam ko!" Masungit na sagot niya.

"Alam mo ang pangalan ko?" Ulit ulit lang? kastigo ko sa sarili ko, pero kaya mo yan Mariel go. Encouraged ng utak ko.

"Oo bukambibig ka ng mga bata dito. Ikaw' bakit mo alam ang pangalan ko? Siguro sinabi nong echoserang si Heart." Ang sunget nga mga Bess. Kamag anak ni Gabriel.

"Ah eh, tinanong ko kasi kay Heart kung' anong pangalan mo. Ayaw mo bang sumali sa amin? Nag iisa ka lang kasi dito." Tinignan niya ako ng masama.

"Hindi na, sigurado magsasawa ka din at aalis ka din. Iiwan mo din kami kagaya niya." Teka' ano daw? Ang lalim ng hugot ng batang to. At sino yong niya?

"Sasha, hindi ko alam kung bakit naisip mo yan pero alam mo sa buhay natin, may mga tao talagang darating, mga taong mapapalapit tayo, mapapamahal sa atin pero hindi natin habang buhay makakasama, ang ilan sa kanila' aalis at kahit ayaw natin' wala tayong magagawa. Magpasalamat nalang tayo na kahit saglit, kahit minsan lang naging bahagi tayo ng buhay nila." malungkot siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Kahit nangako siyang hindi aalis?" tanong niya.

"May mga pangako talagang hindi natutupad Sasha, pero hindi dahilan yon' para hindi natin ituloy ang buhay." Ngumiti ako sa kanya.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon