23. Welcome Back

5.7K 159 3
                                    

Breanna Mariel

MALAPIT na kami sa Hacienda Esmeralda, hindi ako makapaniwalang, nakabalik akong muli sa lugar na ito.

Sa lugar kung saan ko nakilala ang lalaking pinakamamahal ko at kung saan nabuo ang anak namin. Akala ko noon ay hindi na ulit ako makakatapak sa lugar na ito.

Pinagbuksan ako ni Gabriel ng pintuan ng sasakyan.

" Mariel!? Ikaw nga! " napatakip si Ate  Icel sa bibig at tila hindi makapaniwala.

" Ako nga po ito, Ate Icel. Natutuwa po akong nagkita tayong muli." nilapitan ko siya at niyakap.

" Mas lalo kang gumanda Mariel at yong anak ninyo, nako napaka gwapong bata, manang mana sa inyong dalawa." pareho kaming napalingon sa humangos na si Miggy.

" Daddy? Mommy? " nagpalipat lipat ang tingin nito sa'min ni Gabriel.

" Hello Son, namiss kita anak." tuwang yumakap naman ito sa akin.
" Nagbehave ka ba? Hindi mo pinahirapan sila Mamita mo?" pinangigilan ko ang pisngi niya.

" Opo Mommy, ang saya po dito sa Hacienda, marami po akong mga bagong kaibigan, saka marami pong kabayo dito, tinuruan po nila akong sumakay sa kabayo. Ang saya po dito sa Hacienda ninyo Daddy." baling nito sa ama.

" Hacienda natin anak, balang araw sa iyo din mapupunta ang lugar na ito, yon ay kung gusto mo lang naman. Payakap nga muna si Daddy. " tuwang yumakap naman ito sa ama.

" Tinupad n'yo po ang promise n'yo Daddy, kasama n'yo si Mommy. Yehey!, kompleto na ang Family natin." hinila ako nito palapit kay Gabriel at niyakap kami pareho.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. At tuwang sinalubong ako ni Mama ng mahigpit na yakap.

" Bree, salamat sa Diyos at ligtas ka anak, ligtas kayo." niyakap din ako ni Nay Abby.

" Salamat at nakabalik na kayo dito, mapapanatag na kaming lahat." maluha luha ang dalawang matanda.

" Wala na po tayong dapat alalahanin, nakausap ko na po si Mommy Betina at nagkapatawaran na po kami. " ekwenento ko sa kanila ang naging pag uusap namin ng kinigisnan kong ina.

" Magandang balita iyan anak. Sana ay matahimik na tayong lahat. Hindi ko alam na may anak pala si Betina sa dati niyang kasintahan, umaasa din akong magkaayos kami, may pinagsamahan din naman kami noon." tiwala akong magiging maayos na ang lahat.

" Mommy, dito na po ba tayo titira?" lumapit sakin si Miggy.

" Gusto mo ba dito anak?" Ayos lang naman sa'kin kung dito na kami titira, mahal ko ang lugar na ito at ganitong buhay naman talaga ang gusto ko, ang inaalala ko lang ay ang negosyong naiwan ni Dad.

" Yes Mommy, gusto ko po dito, para kasama natin si Daddy. Bati na po kayo ni Daddy, diba?" nagsusumamo ang mata ng anak ko.

Niyakap ko siya, napakarami kong pagkukulang sa kanya. Inuna kung indahin ang sakit na nararamdaman ko sa pagaakalang hindi ako minahal ni Gabriel, kaya napabayaan ko siya.

" Kung yan ang gusto mo anak." matagal na niyang gustong makasama ang ama kaya hindi ko ipagkakait sa kanya ang makapiling ang Daddy niya.

" Kapag bakasyon dito tayo sa Hacienda Miggy, pero dahil may pasok ka pa, babalik muna tayo sa Manila." napatingin kami kay Gabriel. " Malayo ang eskwelahan dito anak, isa pa crowded na masyado ang mga paaralan dito. Maganda yong school na pinapasukan mo sa Manila." malungkot na tumango ito sa ama.

" Hindi ko rin pala kayo makakasama palagi Daddy?" tila iiyak na ito.

" Sino naman ang may sabi niyan? Syempre sasamahan ko kayo ni Mommy mo pabalik ng Manila. Hindi na tayo magkakahiwalay pa ulit, anak." agad nitong nilapitan ang ama saka niyakap ng mahigpit.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon