3. Payback

5.4K 175 28
                                    

Bree' s POV

Tatlong araw na ako dito sa Hacienda at ito ang araw na aalis si Nana Belen. Marami na din siyang naihabilin sa akin. Sa loob ng tatlong araw ni hindi ko nakitang ngumiti si Gabby, napagdesesyonan ko na yon ang itawag sa kanya..Daig nya pa kasi ang babae na parang araw araw merong dalaw. Makasimangot wagas.

"Mariel nasayo naman ang numero ng telepono ko anak ha..Tawagan mo nalang ako pag may mga tanong ka. Habaan mo sana at lawakan ang pasensya mo kay Gabgab." Mukhang alam ni Nana na mapapasubo ako..

"Opo Nana, maraming salamat po..Mag iingat po kayo sa byahe." Inihatid ko si Nana hanggang sa may labasan kung saan nag aantay si Gabby. As usual naka pokerface na naman ito..Kumaway pa ako bago sila umalis...

Nagpunta ako sa likod bahay para itapon ang laman ng trash can sa kitchen. Nakita ko si Bite..na parang maamong Tuta na nakatingin sa akin..Mabait na siya sa akin gawa ng ako ang pinabibigay ni Nana ng pagkain niya..

Oras na ng pagkain nila ni Smile, si Smile ang tutang napulot ko..Smile ang binigay kong pangalan para asarin si Gabriel. Sadya ko itong tinatawag lalo na kapag nasa paligid si Gabriel., andamot ngumiti. Akala mo ikina gwapo niya ang pagbusangot..

We'll his handsome aminin mo? Kontra ng utak ko.

Handsome nga suplado naman.

Hinanda ko na ang pagkain ng dalawang aso...pero bago ko ibigay ang kay Bite nilagyan ko ito ng lason. Charrrooot lang. Nilagyan ko ng sleeping pills, naka puslit ako mula sa mga gamot ni Nana. Iniinom niya lang daw iyon pag hirap siyang matulog.

Hindi porket mabait na siya sa akin ay nakalimutan ko na ang paghabol niya sa amin ni Smile. Pati iyong paborito kong burger eh naitapon ko dahil sa kanya. Mabuti nalang at wala akong sakit sa puso malamang natigok na ako sa sobrang kaba.

Binigay ko na ang pagkain nila.

"Sa susunod kasi Bite, wag kang nanakot, at baka higit pa dyan ang abutin mo. "

Parang naintindihan ako neto kasi tumingin ito sa akin., nahabag ako at balak na sanang bawiin ang ginawa kong kalukohan pero daig pa niya si Flash naubos niya agad ang pagkain niya..Iba din.

Iniwan ko nalang siya doon sa labas.,mukhang wala pa namang epekto iyong gamot. Saka magigising din siya alam ko kasi kalahati lang man ang nilagay ko.

Nalibang ako sa paglilinis. Nasa green room na ako. Ang magandang kwartong pinakita sakin ni Gabriel. Nagtataka padin ako kong kanino ang kwartong ito..Wala man lang kasing pictures na naka display..Iniisip ko nalang sa kapatid niya siguro ang kwartong ito.

Alam ko na napaka epesyal niya para ipalinis to araw araw..

Dahil maaga ako nagising kanina, inabutan ako ng antok at sa lahat ng lugar sa bahay sa green room pa talaga ako naka idlip.

Gabriel's POV

Nakabalik na ako mula sa pagkakahatid ko kay Nana Belen. Nagtaka ako na tila tahimik ang buong bahay, mag aalas nuebe palang naman ng umaga. Hinanap ko si Mariel sa kusina pero wala siya, nakita ko si Bite na tila tulog na tulog at hindi man lamang ako napansing dumating, mabuti pa si Smile sinalubong ako at kakawag kawag ang buntot..

"Nasan ba ang amo mo Smile?: Weirdo ang babaeng yon sa lahat naman ng pangalan sa mundo Smile pa talaga..naasar pa naman ako at parang sinasadya nyang laging tawagin ang alaga niya pag nasa paligid ako.

Napansin kong nakabukas ang isang kwarto..marahil naglilinis ito. At mukhang tama nga ako may mga gamit panlinis sa may pintuan..pumasok ako para tignan siya at nakakapagtaka ang katahimikan.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon