22. Hope

5.4K 155 11
                                    

Breanna Mariel

NASA biyahe kami ni Gabriel papunta sa bahay ng isang taong inaasahan kong makakapagpabago sa isip ni Mommy Betina.

I called someone from the office para pumalit sa'kin sa conference. Mas mahalagang unahin ko ang kaligtasan ng pamilya ko. Ayokong lumaki sa takot ang anak namin.

Napatingin ako kay Gabriel, hindi parin ako makapaniwalang nandito siya at kasama ko. Mahal niya ako simula pa noon, nasayang ang ilang taon na dapat ay magkasama kami dahil sa isang malaking akala.

" What 's wrong Wifey?" nakagat ko ang labi ko.

Bakit parang ang gwapo niya lalo? O baka sadyang namiss ko lang talaga siya. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mga nangyari kaninang umaga. Tinanghali na tuloy kami.

Medyo traffic kaya patigil tigil kami, lumapit ako sa kanya saka ikinulong sa mga palad ko ang mukha niya.

" What are you doing Wifey?"

" Namiss ko lang si Miggy. " saka ko mabilis na hinalikan ang lips niya. Napangisi siya. Bumaba naman ang kamay ko sa braso niya at pinisil iyon.

" Bakit matigas na to? May pandesal kana, dati naman wala to..." sabi ko matapos haplusin naman ang biceps niya.

" Stop it Wifey, I'm driving." nakangiting hinuli niya ang kamay ko saka dinala sa labi. " I love you." aniya.

Ang sarap marinig na sinasabi niyang mahal niya ako bagay na pinakakaasam kong marinig sa kanya mula pa noon. " Mahal din kita, Hubby. Nagbehave ka ba habang hinahanap mo kami? Baka naman nambabae ka? " sa itsura niya kasi malamang maraming nagkagusto sa kanya.

" I will never look into another woman the way I looked at you, when Ella left me, akala ko hindi na ulit ako magiging masaya, hindi na ulit ako magmamahal, narealized ko na Ella and I was'nt really destined to be together when you came. Napadpad ka sa lugar namin by chance that seems like it was meant to be, kismet lead you to me." ang cheesy ng asawa ko. Pero naniniwala din ako sa tadhana ang nagdala sa'kin sa Hacienda.

" Si Smile yata si tadhana Hubby, siya ang dahilan kung bakit naiwan ako ng Bus noon." naalala ko pa kung paano ko siya hinabol tapos hinabol naman kami ni Bite, ang aso ni Gabriel.

" Bakit nga pala Smile ang ipinangalan mo doon sa asong yon?" napangiti ako.

" Sinadya ko talaga yon para sayo, ang damot mo kasing ngumiti, lagi kang nakasimangot." I chuckled..

" I love hearing your laughter, gusto ko masaya ka lagi." dinala niya na naman sa labi ang kaliwang kamay ko. Adik din siya sa halik.

" It's been a while na nakatawa ako ng ganito, kahit anong tanggi ko sa sarili ko, sobra ang pangungulila ko sayo. Naiwan ang puso ko sayo sa Hacienda, na maging si Miggy nabalewala ko, sa kagustuhang makalimutan ka." umusad na muli ang sasakyan namin.

" I'm here now Wifey, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo ulit." kahit ako, baka hindi na ako makausad kapag nagkahiwalay pa kami.

" Kaya kailangan natin makausap ang anak ni Mommy Betina, siya nalang ang pag asa kong mabago kung ano man ang balak pang gawin sa'min ni Mommy." baka sakaling ang anak nito ang magpabago sa isip niya.
" Sinadya kong ipahanap ang mga kamag anak ni Mommy at hindi naman ako nabigo dahil nalaman ko na may anak pala siyang iniwan sa dati niyang kasintahan. Si Edison, anak na nagawa niyang talikuran dahil sa pera. Noong una, ayaw makipagtulungan sa akin ni Edison, galit ito sa inang umabandona sa kanila ng Tatay niya. Minsan na daw itong nagpunta sa bahay para humingi ng tulong noong nagsakit ang Tatay niya pero pinalayas lamang siya ni Mommy at sinabihang ipapakulong siya kapag bumalik pa." hindi ako makapaniwalang maging sa sarili niyang anak ay malupit si Mommy.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now