13. Lies

4.9K 140 16
                                    


Mariel

Kaya pala lagi siyang nakakaramdam ng pagkahilo lately at matakaw sa pagkain dahil may buhay na sa sinapupunan niya.

Sumama ang pakiramdam niya kagabi at natutuwa naman siya na inalagaan siya na asawa kahit pagod ito galing sa byahe.

" Good morning Wifey. " nakangiting bati nito sa kanya.

Sigurado siyang magiging cute ang baby niya dahil gwapo ang Tatay nito. " Goodmorning.." nakangiting sagot niya dito.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo?"  hinaplos nito ang mukha niya na tila umabot sa puso niya. Bakas sa mga mata nito ang pagaalala.

" Oo, hindi na ako nahihilo."

" Sasamahan kita sa Doktor para magpacheck up." bumangon na ito. Sumunod rin siya pero agad na napatakbo siya sa banyo ng makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura.

Pinagpawisan siya ng malamig, naging alerto naman si Gabriel at hinagod ang likod niya. Ito na yata ang tinatawag nilang morning sickness.

" Stay in bed, I'll ask Ate Icel to bring breakfast for you, magpatulong kana din sa kanya maghanda kung hindi mo kaya kumilos mag isa, sasaglit lang ako sa bukid." bilin nito sa kanya.

Naligo na ito at saka bumaba. Naalala niya na may bisita nga pala sila. Gising na kaya ito?

" Good morning Mariel, ito na ang agahan mo, may sakit ka ba? Sabi ng asawa mo tulungan kita maghanda pagkatapos mo kumain at pupunta kayo ng Doktor." napangiti niya dito.

" Wala po akong sakit Ate Icel, magpapatingin ho kami para masigurado kung buntis nga ako." namilog ang mga mata nito.

" Talaga? Sabi na nga ba at buntis ka. Nahahalata kasi namin na matakaw ka at antukin. Sa wakas magkakababy narin ang bahay na ito, masaya ako para sa inyong mag asawa."

" Salamat po. Ate Icel yong bisita?"

" Ay nako! Sino ba yong babaeng yon?, kung umasta eh Donya, kadarating lang dito kung makautos wagas!" bakas sa mukha ang pagkainis nito.

" Kaibigan po siya ni Gabriel Ate Icel pagpasensiyahan n'yo nalang." wag naman sanang gulo ang dala niya.

" Nako, ayon at nangingialam sa kusina, magluluto daw samantalang tapos na kami magluto. Hala sige kumain kana, babalik nalang ako maya maya para tulungan ka mag ayos, wag kang kilos ng kilos at baka mahilo ka." natutuwa siya dahil para itong Nanay Abby niya.

Pagkatapos kumain ay pinakiramdaman niya ang sarili, hindi naman na siya nahihilo kaya naligo na siya magisa at nagbihis. Nahihiya siya na pati pagaasikaso sa sarili ay magpapatulong pa siya.

Bitbit ang tray ay bumaba siya sa kusina. Naabutan niyang nagtataray ang bisita. Nakuyo naman si Lina at Ate Icel dito.

" Ang sabi ko alisin n'yo sa lamesa yong mga niluto nyo, itapon n'yo sa basurahan o di kayo lamunin n'yo total mga patay gutom naman kayo. Yong niluto ko ang ihain n'yo para makakain kami kapag bumalik na si Gabriel." nagulat siya sa mga lumabas sa bibig nito. It was to harsh, akala niya pa naman mabait ito.

Agad naman siyang sinalubong ni Ate Icel ng mamataan at kinuha ang tray na hawak niya.

" Kaya mo naman palang bumaba nagpahatid hatid kapa ng pagkain, anong drama mo?" singhal nito sa kanya.

" Lina sige na, sundin n'yo nalang ang gusto niya. Kapag dumating si Gabriel nasa may Garden lang ako." humakbang na ako patalikod pero may kamay na pumigil sa braso ko.

" Kapag kinakausap kita wag kang bastos! " napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Sumasakit ang ulo niya sa bunganga nito. Hindi niya tuloy alam kung ano ang minahal ni Gabriel dito.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now