15. Anger

5K 139 8
                                    

Gabriel

Halos naikot na niya ang buong Hacienda pero hindi niya parin makita ang asawa. Bumalik siya ng bahay para magpahinga saglit ng may madatnang sasakyan.

Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang pinsang si Marcus at may kasamang dalawang bata.

" Anong meron at nagsisibalikan ang mga taong basta nalang umalis three years ago?" the other day ay ang dating kasintahan ngayon naman ang pinsan.

" I'm sorry Gab sa pagsulpot dito ng walang pasabi but my children needs their mother." ano naman ang kinalaman niya sa Nanay ng mga anak nito? " I know she's here."

" Teka lang Marcus, ano bang pinagsasabi mo?" litong tanong niya dito.

" Si Ella, I know she's here, ikaw lang naman ang pwede niyang balikan dito sa Pilipinas."  mukhang tama nga ang balibalita noon na ito ang tumangay sa dating kasintahan niya.

" Anlakas ng loob mong tumungtong sa pamamahay ko at pagbintangan ako! Baka nakakalimutan mo Marcus, malaki ang kasalanan mo sa'kin!" sigaw niya dito na ikinagulat ng mga anak nito na nagsimulang umiyak.

" Gab, alam ko namang malaki ang kasalanan ko sayo pero kasal na kami ni Ella, may mga anak  at kailangan nila ang Mama nila." pinapatahan nito ang dalawang anak.

" Wala na dito ang babaeng yon! Pinalayas ko siya, ginulo niya ang nanahimik naming buhay ng asawa ko. Kung bakit kasi hindi mo pa itinali sa tabi mo para hindi nakakaperwisyo ng buhay ng ibang tao. Nandoon siya sa bahay ng Tiyahin niya." tinawag niya si Ate Icel at sinabing tulungan ang pinsan at mga anak nito.

May karapatan naman ito sa Hacienda dahil pamilya niya ito. At iniisip niya ang mga bata. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng galit kay Ella, nagawa nitong iwan ang mga maliliit na anak. Tama lang na iniwan siya nito noon, hindi ang tulad nito ang karapat dapat sa pagmamahal niya.

Karma narin siguro ng pinsan niya ang sakit ng ulo na dala ni Ella dito dahil sa ginawa nito sa kanya noon.

Narinig niyang ibinilin ni Marcus ang mga anak kay Ate Icel. Pupuntahan marahil nito ang asawa. Pagkaalis nito ay sinilip niya ang mga anak nito na binabantayan ni Ate Icel, mag tatatlong taong gulang na marahil ang panganay nito at wala pang isang taon ang bunso.

Napatingin siya sa baby na hawak ni Ate Icel, naisip niya ang ipinagbubuntis ni Mariel. Hindi siya papayag na hindi makilala ng anak.

Pumunta niya ng library at tinawagan niya ang Ninong nila sa kasal, humingi siya ng tulong kung may kakilala itong private investigator at hindi naman siya nabigo. Medyo may kamahalan ang bayad sa taong nakausap pero wala siyang pakialam basta mahanap niya si Mariel.

Kinabukasan ay nakipagkita siya dito at ibinigay ang mga impormasyong kailangan nito pati narin ang picture ng asawa. Nagbigay din siya ng paunang bayad dito. Nangako naman itong hahanapin ang asawa siya at babalitaan siya agad.

Kung pwede lang ay ayaw niyang umuwi ng bahay, lalo lang siyang nangungulila kay Mariel. Namimiss na niya ang mga ngiti nito at pagaasikaso sa kanya. Ramdam niyang mahal siya ni Mariel at mahal niya narin ito. Ang pagkakamali niya ay hindi niya ito nasabi agad sa asawa.

Nadatnan na naman niyang ang dating kasintahan sa bahay. Inaasahan na niya iyon dahil naroon ang asawa nito ang pinsan niya. Akala siguro nito ay may pagtingin parin siya dito.

" Gab, mabuti naman at nandito kana. Please mag usap naman tayo. Patawarin mo na ako sa nagawa ko noon, magsimula nalang tayong muli." hindi siya makapaniwala sa naririnig niya dito.

" Pwede ba Ella? Wag na tayong maglukuhan, intindihin mo nalang ang mga anak mo at ang asawa mo. Tigilan mo na ako." lumapit ito sa kanya at humawak sa braso niya.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now