10. Happiness

4.8K 137 2
                                    

Naging maayos ang pagsasama nila Gab at Mariel. They we're a perfect couple lalo na sa mata ng mga taga Hacienda.

Mabuting asawa si Gab at inaalagaan si Mariel, katunayan ay magaling na ang paa nito at natanggal na din ang cast. Kagagaling lang nila sa Doktor at tumigil muna sa isang restaurant para kumain bago bumalik sa Hacienda.

Masaya silang kumakain ng dalhan sila ng dessert. Napansin iyon ni Mariel kanina at tinitigan subalit nagbago ang isip niya ng makita ang presyo. Sa panahon ngayon ay mas nais na lamang niya ibigay ang sobrang pera sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata sa Hacienda kaysa ang gumastos sa kung ano ano.
 
" Sorry Miss pero hindi kami nag order niyan." kausap ni Mariel sa waitress.

" Ma'am pinabigay po sa inyo ng anak ni Mayor." tinuro nito ang kabilang table na may apat na lalaking nakaupo.

" Pakibalik mo na yan sa kanya. Kaya naming bumili n'yan." masungit na sabi ni Gab.

" Pakisabi salamat nalang." dagdag ng dalaga. Umalis naman agad ang waitress dala ang cake.

" Gab, you don't have to be rude." saway niya sa asawa.

" No wifey, mukhang type ka ni Sebastian, anak siya ng Mayor dito." nakasimangot na tinignan nito ang kabilang table.

" Pero asawa mo na ako. You don't have to worry." Kahit papaano ay natuwa si Mariel sa  pagiging possessive ng asawa. Pero hanggang ngayon hindi parin nito naririnig mula sa kanya ang tatlong salitang matagal ng inaasam na marinig ng dalaga.

Pinagpatuloy na nila ang pagkain. Muling ay may naglapag ng dessert sa table ng mag asawa and this time yong isa sa apat na lalaki sa kabilang table.

" Gabriel pare..para ang sweets na ito sa magandang kasama mo. Ipakilala mo naman ako." Nakita ni Mariel ang  pagkuyom ng kamao ng asawa.

" Sebastian, akala ko ay sa Manila ka na namamalagi?..This beautiful woman by the way is my wife Mariel." may pagmamalaking pakilala niya sa asawa.

" No way!? Totoo ba Miss?" baling niya sa dalaga.

" Yes..he is my husband and we are married." sabay taas niya ng kamay na may wedding ring.

" Anong meron sayo Pare at palaging sayo napupunta ang magagandang chicks sa bayang ito. Una si Ella tapos ngayon itong si Mariel. Anyway maiwan ko na kayo, enjoy your lunch." Hinatid ng tanaw ni Mariel ang kaalis lang na binata.

Gwapo ito at halatang may kaya sa buhay pero mas gwapo padin ang asawa niya naisip ng dalaga.

" Sino si Ella?" naisipan niyang itanong sa asawa.

" Let's not talk about her. Kumain nalang tayo. " seryosong sagot ni Gabriel.

Pero hindi naalis sa isip ni Mariel ang pangalang iyon. Iniisip niya na bahagi si Ella ng  nakaraan ng asawa at tila may nagtutulak sa kanyang alamin kung sino siya.






Mariel's POV


Nakauwi na kami ng bahay ay hindi padin maalis sa isip ko si Ella. Lalo na at kapansin pansin ang biglang pananahimik ng asawa ko.

" Magpahinga ka muna. I'll be back before dinner." umalis na ito.

Pinuntahan ko si Lala sa kwarto upang tanungin kung kilala niya si Ella.

" Hi Ate, it's good to see you finally walking again." nakangiting bungad nito sa kanya.

" Thank you.." umupo ako sa tabi niya, nakadapa ito sa kama at nakaharap sa laptop. " La, may kilala ka bang Ella?" bigla itong bumangon at naupo sa tabi ko.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon