16. Miguel

5.1K 143 14
                                    

Mariel

After 7 years..

" Nakapaghire na ako ng magiging driver/ body guard ng anak mo. Don't worry about him, sure ako na babantayan niya si Miggy. Sa lunes siya papasok. " kausap niya ang Mama niya habang nag aalmusal.

Her Dad passed away noong pagkapanganak niya kay Miggy, naalala pa niya ang ngiti nito ng unang beses na makita ang apo.

" Thank you Ma, pasensya na kayo at sa inyo ko pa iniasa ang tungkol sa bagay na yan. Marami lang talaga akong inaasikaso  lately." naiwan sa kanya ang pamamahala ng Santillan Realty.

" Good morning Mommy, morning Mamita.." humalik sa pisngi niya ang pitong taong gulang na anak saka naman ito lumapit sa Mama niya.

" Good morning Hijo. Sige na kumain kana, baka malate ka sa school." agad naman itong sumunod sa Mama niya.

" By the way Mum, may PTA meeting kami sa school mamayang 3pm, you need to come." sabay nguya ng anak sa pagkain nito.

" Anak, you know I can't, maraming akong meetings today. Si Mamita nalang ang pupunta sa school mo." binitawan nito ang hawak na kutsara at tinidor na lumikha ng ingay.

" Miguel Bryle!" saway niya dito.

" Hindi na nga po kita nakikita bukod sa breakfast, you don't come in school, si Mamita nalang palagi. Akala tuloy ng mga kaklase ko, ulila ako." kinuha nito ang bag saka patakbong lumabas ng bahay.

" Miggy! " tawag dito ng ina niya, saka ito sinundan. Maya maya ay bumalik narin ang Mama niya.

" Nagtatampo sayo ang anak mo, totoo namang halos wala ka ng oras sa kanya." napabutonghininga siya.

" Ma, alam niyo naman po kung gaano kalaki ang responsibility na iniwan sa'kin ni Daddy. Marami ang umaasa sa'kin at ilang pamilya ang posibleng manganib ang kinabubuhay kapag nagpabaya ako." pero hindi lang iyon ang totoong dahilan.

" Kaya okay lang kahit ang anak mo ang napapabayaan mo? Lumalaki na si Miggy, sana huwag mong hayaang lumayo ang loob niya sayo. Ano ba naman yong pagbigyan mo yong anak mo, paminsan minsan."

Lumalaki na nga ang anak niya at mas lalo itong nagiging kamukha ng ama. Sa tuwing nakikita niya ito hindi niya maiwasang maalala si Gabriel.

Miggy reminds her so much of Gabriel , kahit ang ang simpleng pag ngiti nito ay nakuha sa ama. Ganon daw talaga pag sobrang mong minahal ang ama ng anak mo.

Nasasaktan siya dahil hindi manlang sila nito hinanap. Pero bakit nga naman sila nito hahanapin kung kasama na nito si Ella at baka may sarili narin itong pamilya.

Sa trabaho nalang niya binubuhos ang oras, balang araw ay si Miggy din naman ang makikinabang sa lahat ng ginagawa niya.

" Good morning Ms. Bree.." bati sa kanya ng Secretarya.

" Tin, paki check nga ng schedule ko ng 3pm, nagtatampo na kasi sa'kin ang anak ko. He wants me to attend to his schools PTA meeting."  hindi din siya mapakali na may tampo sa kanya ang anak. Mahal niya si Miggy, minsan nga lang nahihirapan siyang ipakita yon sa bata.

" Sakto Ms. Bree, nag cancelled si Mr. Dalisay ng meeting n'yo at 2:30, pwede kang pumunta sa PTA meeting ni Miggy. " tinawagan niya ang Mama Camille niya at sinabi dito na siya na ang pupunta sa school meeting ng anak. Natuwa naman ang ina sa sinabi niya, tiyak daw na mas ikatutuwa iyon ng apo.

Malaking tulong ang Mama niya sa pagaalaga sa anak. Kapag busy siya sa trabaho ay panatag ang loob niya dahil naroon ang Mama niya para tumugon sa pangangailangan ni Miggy.. Malapit ang mga ito sa isa't isa.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon