18. Hurt

4.8K 164 15
                                    

Luke Gabriel

Ngayon ang quizbee ni Miggy at excited ako para sa anak ko. Nakita ko ang pagsisipag niya sa pagrereview at alam kong mananalo siya.

" Excited ka na ba?" papunta na kami sa school niya. Wala silang pasok buong umaga dahil 1pm ang start ng contest.

" Opo, Tatay. Darating po kaya si Mommy? Sayang may appoinment si Mamita sa Doctor niya." sana ay dumating si Mariel para suportahan siya

" Diba, sabi naman ng Mommy mo, pupunta siya? Darating yon. Saka manonood din naman ako." masaya ako dahil may chance na akong makasama siya sa mga pagkakataong tulad nito.

Pero malapit na magsimula ang contest ay wala parin si Mariel. Hindi ako nakatiis, tinawagan ko na siya..,

" Hello? Bakit napatawag ka? May problema ba kay Miggy?" mukhang iritable siya.

" Inaantay po kasi kayo ni Miggy, Ma'am, ngayon po yong quizbee niya." nakalimot yata ito.

" Shit! Nag uumpisa na ba? Papunta na ako." Saka ito nawala sa linya.

Naikuyom ko ang kamao ko, bakas sa mukha ng anak ko ang lungkot.

" Miggy, galingan mo, hahabol daw ang Mommy mo. " nagliwanag kahit papano ang mukha nito.

" Sana po kasi, nandito nalang ang Daddy ko, kaso wala siya. Ang sabi ni Mommy nasa malayo siya." kung alam mo lang anak, nandito ako.

" Okay lang yan, Miggy. Magkikita din kayo ng Daddy mo, galingan mo nalang, kahit naman nasa malayo siya, sigurado ako na proud siya sayo." ginulo ko ang buhok niya.

Nagsimula at natapos nalang ang contest pero wala parin si Mariel. Nanalo pa naman ang anak namin at kailangan na may magsabit ng medal nito.

Malungkot ang mukha ni Miggy habang palinga linga, nagbabakasaling dumating ang Mommy niya. Sa ikatlong pagtawag kay Mariel ay  ako nalang ang lumapit, ibinigay naman nila sakin ang Medal.

" Salamat po, Tatay Luke." ngumiti sakin ang anak ko pero bakas sa mga mata niya ang lungkot.

" Ginalingan mo naman, anak. Tinalo mo tuloy silang lahat." biro ko sa kanya.

" Hindi ko po kaya masyadong ginalingan, Tatay Luke." hawak nito ang medal at nakatingin labasan.

Naghintay pa kami ng kalahating oras baka sakaling dumating si Mariel pero wala ni anino nito. Malungkot na pinanood ni Miggy ang ibang contestant na kasama ang mga magulang and I felt bad for my son.

" Let 's go Miggy, sa bahay mo nalang hintayin ang Mommy mo." mabilis nitong pinahid ang mga luha bago tumingin sa'kin.

" Tara na po.." naawa ako sa anak ko. Binuhat ko siya at niyakap.

" It's okay, nandito ang Tatay Luke." tuluyan na itong umiyak habang nakayakap sakin.

" Minsan, iniisip ko po, hindi talaga ako mahal ni Mommy. Mas mahalaga pa sa kanya ang work niya sa office. Sana nandito nalang ang Daddy ko. " sabay hikbi nito. Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.

Bakit pa siya inilayo sa'kin ni Mariel kung wala din naman itong oras para sa bata.

" Shhhhhh, tahan na, intindihin mo nalang ang Mommy mo. Saka dapat ang mga lalaki, hindi umiiyak ng ganyan, Miggy. " nakarating na kami sa sasakyan at maayos na siyang nakaupo.

" Bawal po ba umiyak ang mga Boys, Tatay Luke?" pinahiran nito ang mukha.

" Hindi naman sa bawal, kaya lang tayong mga lalaki, dapat matibay ang loob natin.  Lalo kana, you need to protect your Mom and Mamita kasi diba, ikaw lang ang Boy sa inyo, kaya dapat strong ka." Mabagal ang pagpapatakbo ko ng sasakyan upang malaman ko kung may sumusunod na naman sa amin.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now