12. His Past

4.5K 135 25
                                    

Mariel

Kanina pa ako nag aabang sa pagdating ng asawa ko. Excited na akong sabihin sa kanya ang magandang balita. Ilang beses ko ding kinabisado ang mga salitang sasabihin ko.

This pregnancy wasn't planned but a baby is God's gift, too bad some doesn't realize that. A baby is a blessing at hindi niya kasalanan kung paano man siya nabuo damay pa nga siya sa kalupitan ng mundo lalo na kung nabuo siya sa maling mga magulang.

I hope my child will soften the heart of my Dad at para huwag na niya akong pilitin magpakasal kay Dave kung mabigyan man ako ng chance na umuwi sa amin.

" Ano ka ba naman Mariel, pumirme ka nga' ako ang nahihilo sayo." Si Ate Icel na napansin ang paglakad ko ng pabalik balik sa pinto. Wala rin silang alam tungkol sa pagbubuntis ko dahil wala pa akong pinagsasabihan.

" Sorry po." maaga ko tinapos ang pagtuturo sa mga bata at nagpatulong sa kanila magluto ng meryenda, I've  been craving for watermelon at asin dahil narin siguro sa pagbubuntis ko.

Mabilis akong lumapit sa pinto ng may marinig akong ugong ng sasakyan sa pagaakalang si Gabriel na ang dumating maging si Ate Icel ay ganoon din.

Pero isang babae ang bumaba, sinamyo pa neto ang hangin bago tinanggal ang suot na shades.

She's beautiful I must say, kaya lang ay parang nasobrahan ang make up niya. Ang handbag na hawak ay mukhang tunay naman ayon sa brand neto, sympre alam ko, I have a number of those and other brands at home.

" Mariel sino siya."  si Ate Icel ang nagbitaw ng salitang gusto ko din itanong. Nakangiting lumapit ito sa amin.

" Hello, goodafternooon. Nandito ba si Gabriel?" tanong neto matapos akong suyurin mula ulo hanggang paa ng mga mata niya.

Simpleng cotton dress lang kasi ang suot ko kasama pa ito sa mga binili ng Mama ni Gabriel.

Saka naman ang pagdating ng isang pang sasakyan na alam kong sakay ang asawa ko. Nabaling dito ang atensyon namin pati na ng babaeng kakarating lang.

" Gabriel! " pareho kaming nagulat ng patakbong sinalubong ng bisita ang asawa ko saka niyakap ng mahigpit.

Ininda ko ang anomang negatibong pumapasok sa isip ko dahil baka isang kamag anak pala ito. Hindi siya niyakap ni Gabriel pabalik.

Kinalas niya ang kamay ng babaeng nakayakap sa kanya saka lumapit sa amin ni Ate Icel.

Nagulat ako ng niyakap niya ako. " I miss you Wifey." kahit  atubili ay niyakap ko din siya. Namiss ko siya pati ang amoy niya. Napansin niya siguro na sinisinghot ko siya.

" Wifey wala pa akong ligo..mamaya mo na ako amoyin." natawa maging si Ate Icel.

" Sino siya Gab? Hindi mo ba ako namiss? " ang bisita iyon..

" What do you want Rafaella? Isa pa anong ginagawa mo dito?" napasinghap ako sa pangalang binanggit ni Gabriel. " This is my wife Mariel." naging matalim ang tingin niya sa'kin.

" No! She's not your wife!" sigaw neto. " Ako lang ang pakakasalan mo. Ako ang mahal mo." dagdag pa niya.

" She is my wife Ella, matagal na tayong tapos. Ate Icel may mga pinamili ako nasa sasakyan pakipasok nalang. " saka niya ako hinili papasok. Nakita ko ang panlulumo sa mukha ni Ella.

" Sino siya? sa wakas ay naisatinig ko.

" Don't mind her."  sagot niya lang saka nag igting ang panga at kuyom ang kamao.

" Ako si Rafaella, ang babaeng mahal niya, ikaw sino ka?" napalingon ako sa babaeng nakasunod na pala samin.

" Tumigil kana! Umalis ka sa bahay ko, you're no longer welcome here." galit na sigaw ni Gab. Namumula na siya.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon