14. Home

4.7K 154 3
                                    


Mariel

Sa tulong ni Ate Icel ay nagpunta sila ng bayan, walang may ibang alam ng plano niya kundi ito.

" Nako malilintikan ako kay Gabriel kapag nalaman niyang ako ang naghatid sayo para iwan siya."

" Huwag po kayong mag alala hindi naman po yon magagalit na umalis ako, lalo na at nandoon na ang babaeng mahal niya." baka matuwa pa ang mga iyon na umalis siya.

" Saan ka naman pupunta Mariel? Mag iingat ka, alalahanin mo yang batang dinadala mo." bilin nito sa kanya.

Sumakay na siya ng Bus pabalik ng Manila. Pagdating ng Alabang ay lumipat siya ng Taxi at nagpahatid sa loob mismo ng subdivision nila.

Wala na siyang pakialam sa galit ng ama, tatangapin na lamang niya ito alang alang sa batang dinadala niya. Hindi na siya pwedeng magpalaboy laboy dahil buntis siya at posibleng manganib ang buhay ng anak.

Inipon niya lahat ng lakas ng loob at saka nagdoorbel, agad naman lumapit ang guard at nakilala siya.

" Ma'am Bree? Kayo ba talaga yan? Nako sandali po, pasok kayo." Bree yon ang tawag sa kanya mula pa pagkabata at hindi Mariel. Brianna Mariel ang buo niyang pangalan.

Agad siyang pinapasok nito. " Ang tagal n'yo din pong nawala Ma'am." nginitian niya lang ito.

Ganoon parin ang ayos ng bahay na kinalakihan niya. Larawan nito ang karangyaang meron sila.

" Anak? Bree? Ikaw nga." mahigpit siyang niyakap ng kanyang Nanay Abby. Nagtataka man kung bakit narito na ulit ito sa mansyon ay niyakap niya rin ito ng mahigpit.

" Nay, kailan pa ho kayo bumalik dito?" natutuwa siyang kahit papaano ay may kakampi siya.

" Nako mabuti nalang at bumalik kana bata ka, kailangan ka ng Daddy mo." hinila siya nito paakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila. " May sakit ang Daddy mo at sabi ng Doctor baka hindi na siya abutan ng tatlong buwan."

Agad niyang tinakbo ang kwarto ng ama. Noong umalis siya ay malakas pa ito ngunit habang papalapit siya dito ay nakita niya ang malaking ipinayat nito. Ang dating matapang na mukha ay wala na.

" Daddy.." maaring mahigpit ito sa kanya ngumit alam niyang mahal siya ng ama. Niyakap niya ito, maaring may mga nagawa itong pagkakamali pero hindi niya hiniling na magkasakit ito.

" Bree.." umangat ang tingin niya dito.

" Dad, I'm sorry. " iyon ang unang naisip niya.

" Anak, bumalik ka. Salamat at nandito ka na. Patawarin mo ako, naghangad ako ng sobra sobra at pati ikaw ay idinamay ko. Ninais kong ipakasal ka kay Dave dahil alam kong mas lalago ang negosyo natin kapag nakasal kayo. Patawarin mo ako anak. Tignan mo ang Daddy mo, ito na marahil ang karma ko." umiling siya dito.

" Dad please, don't say that. Pumunta tayo ng ibang bansa, we will find the best Doctors para gumaling kayo." aanhin niya ang sobra sobra nilang yaman kung hindi ito maipapagamot.

" Nagawa ko na ang lahat Anak at tanggap ko na hanggang dito nalang ako. Aantayin  ko nalang ang araw na kunin na ako ng lumikha." hindi siya sanay na nakikitang ganito ang ama, helpless at mahina.

" Si Mommy' Dad? Nasaan siya? " kahit ba may sakit ang ama niya ay wala itong pakialam.

" She's not your Mother." maang na napatingin  siya sa ama.

" Dad? Anong ibig n'yong sabihin? Hindi n'yo ako anak?"

" Anak kita pero hindi ang Mommy mo ang totoo mong ina. Tawagin mo siya Manang Abby." utos nito sa Nanay Abby niya. " Kinuha ka niya sa totoo mong ina, kakapanganak mo palang ay inilayo ka na niya para angkinin bilang anak niya. " may kasamang babae ang Nanay Abby niya na halos kaedad lang ng Mommy niya.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now