9. Lablab

5.1K 166 16
                                    

Warning! Slight SPG! Some scenes are not suitable for very young audiences parental guidance is a must, young fellas...



Mariel' s POV

" Take me."

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nasabi ko iyon pero I know I have this growing attraction towards Gabriel.

Natigilan siya sa sinabi ko at pinagdikit ang mga noo namin. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Mariel. Go back to sleep." Hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko at hinapit sa dibdib niya. " Believe me, I wanted too but this isn't the right time Wifey."

I felt rejected but I admire him for having such control. I know he's turned on but he still refused to take me. I closed my eyes feeling his warmth next to me.

I woke up the next day hugging a soft fabric smelt like my husband. Unan niya pala. I get up slowly dragging my left leg at hindi ako pweding magreklamo dahil ako na may ang may kagustuhang sakyan si Dwight. Napangiti ako ng makita ang isang Rose sa table next to our bed with a note..

Goodmorning beautiful,

Wifey, have your breakfast and don't forget your medicine.

Poging Hubby ☺

Natawa ako sa Poging Hubby. I smelt the rose and smiled like a teenager na binigyan ng bulaklak ng crush niya.

" Goodmorning Ate, naks may Rose." Kinuha niya ang note pagkatapos niya mailapag ang dala niyang tray na may breakfast. " Hahahaha, ang baduy ng Kuya ko, buti nalang he's good looking naman talaga' diba Ate Mariel?" sabay kindat niya sa akin.

Ngumiti lang ako at nag umpisang inumin ang coffee na kasama sa dala niyang breakfast.

" Magkakapamangkin na ba ako Ate?" naubo ako sa tanong niya. Paano mangyayari yon eh, ang Kuya niya nagpaka santo kagabi. " Joke lang Ate, you're red. Haha!" tukso niya pa.

Gusto niya manatili at samahan ako pero hindi ako pumayag, it's my fault kaya premyo ko ang manatili sa kwarto. There's no way I could go down with one foot plus the fact na more than ten steps ang hagdan pababa.

I reached for my phone at naisipan ko na tawagan si Nanay Abby... I missed her. Naka ilang lang bago siya sumagot.

" Hello?" isang salita palang pero ramdam ko na ang pangungulila sa pagaalaga niya lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

" Bree? Ikaw ba yan anak?" tinawag niya ako sa palayaw ko. " Bree, alam kong ikaw yan, sana ay nasa mabuti ka, wag kang magalala ayos naman ako pero wala na ako sa bahay ninyo. Ikaw lang naman ang dahilan kaya ako nanatili doon." napaiyak ako.

" Nanay bakit kayo umalis? Babalik naman po ako, hindi pa nga lang sa ngayon." narinig ko siyang napasigaw ng magsalita ako.

" Bata ka sinasabi ko na nga ba' ikaw yan. Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Nakakain ka ba ng maayos?" napangiti ako habang lumuluha. Ang Mommy ko kaya inaalala din ako tulad ng Nanay Abby?

" Ayos lang po ako Nanay, maayos po ang kalagayan ko, wag po kayong mag alala sa akin." gusto ko sanang ipaalam sa kanya na may asawa na ako pero baka ulanin lang ako ng tanong at sermon.

" Bata ka, anong wag magalala pero mabuti naman at ayos ka d'yan. Hinahanap ka ng Daddy mo, galit na galit iyon. Kinakabahan ako para sayo bata ka." Inaasahan ko na yon knowing Dad. " Ang Mommy mo ay hindi manlamang umuwi kahit nabalitaan niyang umalis ka." malungkot at masakit malaman na balewala ako Kay Mommy.

Binilinan ko si Nanay na huwag babangitin kahit kanino ang pagtawag ko, alam ko pinapabantayan siya ni Dad. Dahil malapit ako sa kanya. Hindi ko din sinabi kung nasan ako para mas makasiguradong hindi ako matutunton ni Dad.

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now