Chapter 1 : Cassandra Novalez, The Bitch

28.9K 545 13
                                    

"What the fudge?"

Napalingon sa akin ang driver nang mabulalas ko ang salitang iyon.

Damn, saan ako dadalhin ng sasakyang ito? Mga nagtataasang puno at bukirin ang nakikita ko. Lubak-lubak pa ang daan, halos walang bahay o...buhay.

"Another chocolate fudge!"

Halos iluwa ko ang aking ulo sa bintana ng kotse. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko ang isang bulto ng tao sa isang napakataas na puno na nadaanan namin. Nakahiga ito sa isang sanga.

"What the hell is he doing?! Teka... T...tao ba yun? O multo? Manong! Teka lang ah, alam mo ba talaga ang daan? What the hell is this place?!"

Natataranta ako sa posibilidad na nawawala kami.

"Ma'am, daan papasok sa Mistletoe po ito. Dito rin kami dumaan nang puntahan namin ng Daddy niyo ang pinsan niyo na tutuluyan ninyo ngayon."

Walang signal!

"Arrrghhh! Tell Daddy uuwi ako ‘pag walang signal!"

"Eh pero, Ma'am, nandito na po tayo."

Tumigil ang sasakyan sa isang park. What?! Wala naman'g mga kabahayan man lang, just an old and lifeless park.

Out of nowhere nakita kong may isang babae ang naglalakad palapit sa ‘min. Parang namumukhaan ko siya.

"Wait, is that Isabel?"

"Siya nga po, Ma'am. Siya ang sundo ninyo, ‘di na po ako tutuloy hanggang sa looban."

Ilang taon na ba noong huli ko siyang makita? Lima? Anim? Not sure. Bumaba ako. Kaagad kong nakita ang recognition at excitement sa kanya.

"Cassandra Novalez. The gothic bitch."

Humagikgik siya at ibinuka ang mga kamay . I'm wearing a black dress na above the knee, isang black din na boots na uso ngayon at mga anik anik tulad ng bracelets na black na may mga itim na pearls na nakasabit at kwintas na may maliit na bungo.

I stared at her. Simple like before, but still beautiful.

"Isabel... ugly, as usual."

Natawa ako at sumimangot lang siya. Nagyakap kami nang mahigpit.

"Welcome to Mistletoe, Cassandra."

"Let's go then, na sa bukana pa lang tayo. Papasok pa ang bahay ko."

Tinulungan niya akong ibaba at kargahin ang mga gamit ko. Isang malaking trolley at traveling bag lang ang dala ko. Na kay Isabel ang traveling bag. Nagpaalam ako sa driver at nag-umpisa na kaming maglakad.

"So, anong gulo na naman itong napasukan mo at mukhang serious offense this time, Cass? Hindi ka "ipapatapon" dito if not."

She glanced at me while walking. I just sighed when she raised an eyebrow.





[2 months ago]

"Mayabang ka talaga, Cassandra. Binalaan ka na nga niya, kinanti mo pa."

I can see deep annoyance on his face. I continued blowing smoke. Mahaba-haba pa ang kasisindi ko lang na sigarilyo. I stared at the eight guys in front of me.

Hinarangan nila ang kotse ko sa isang madilim na parte ng kalsada. I should be feeling fear by now, but nah… I'm not in the mood. I have my gun stuck inside my car anyway.
I smirked.

"So, Jack. Pati pala away ng mga babae, big deal na sa samahan ninyo? Are you sure you guys are famous gangsters? Not gaysters?"

Alpha and The BitchWhere stories live. Discover now