Chapter 16

13.6K 301 3
                                    

"What a nice way to ruin the day, jackass."
Ngumisi lang si Kuya at binato ako ng kung ano. Mabilis ko naman iyong sinalo sa ere nang hindi siya nililingon.

Naghahanda ako para sa pagtitipon mamaya. Hindi ko alam na naghanda si Daddy ng isang pekeng pagtitipon para sa pekeng anak niya. After being my real self, I was able to remember most of my memories in the past. Hindi ako anak ni Daddy.  But Mommy and him had a relationship. Nagkamalay ako at the age of 4 and I do remember him seeing us in the old house. Charlie himself is not my real brother. But he is, for me. Walang magbabago sa kung ano ang kinamulatan ko. From America, nang makabalik ako ay hindi ko inakala na magkakaroon ng pagtitipon sa aking pag-uwi. A show-off maybe. Alam ng lahat ang pag-alis ko sa poder ni Daddy. And after winning, the election he's been doing all the good and fatherly things to make his name sounds better.

Bumalik ako ng bahay a week ago. I just have to go back to where I should. I can't live like an unpack werewolf and a hungry vampire. I have to live like a normal human being. At inasahan ko naman ang dalawang araw na sermon mula kay Charlie. Daddy just told him to let me be dahil malaki na ako.

Muling nanumbalik sa aking repleksiyon ang aking isip.  I’m wearing a red velvet long gown. It’s almost bare in the chest because of the v-shape down to my abdomen. Wala lang. The old Cassandra loves black and using monochrome wardrobes. But that’s the old me. So hindi na ako nagsusuot ng iisang klase lamang ng damit o kulay man.

I grow mature in all aspect and I love it. Everyone does.

"Hindi kita nakilala." May lamlam sa mga mata ni Charlie. "Something changed. What happened sister?"

Hindi man sabihin ng labi niya, naririnig ko sa isip niya ang kanyang nga katanungan.

"People grow. People die. People change, Charlie. At may iba gumaganda." Nginisihan ko siya at natawa lamang siya.
Tinignan ko ang maliit na kahon na ibinato niya kanina. "Ano to?"

"A gift. Pinag-alala mo ako nang umalis ka nang walang paalam. Kahit alam mo ng hindi tayo mag…kapatid. I'm still happy you came back, Cass. I love you. It’s a welcome back gift."

Malamya at sinsero ang mga mata at ngiti niya so I bit back the warmth growing beneath me. I'm a monster now. No touch of human. Hindi ako dapat maging emosyonal. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at tumambad ang isang maliit na kwintas na may maliit na pendant. Its a full moon.

"Hindi ko na nakita na suot mo ang bigay ko noon. I replaced it with a new one."

My hands trembled a little. I looked at him. Wala siyang iniisip ngayon but I can sense it. He knew something.

"Thank you Charlie."

Dahan-dahan siyang lumapit at isinuot iyon sa akin. Habang pinapanood ko siya sa salamin, I just knew… siguro nag-imbestiga siya sa pag kawala ko. He must know something.  Or everything.

"Alam mo." It’s a statement. 

Tinignan lang niya ako. At tumango.  "I know this day would come. Tara na. Nag-aabang na ang mga bisita. Oras na para magpakaplastic."

Natawa ako pero hindi maalis sa aking isipan ang sinabi niya. So all along, alam niyang iba ako sa kaniya? Sa kanila?

"How?" Naka-abrisette ako sa kanya at naglalakad kami papuntang hagdanan. I noticed the red carpet from the pathway down the stairs.

"Mom told me to take care of you because you're different. And I must always remind you that nevertheless, you're still my baby sister. I love you and you will not do anything that would harm you and people around you."

We stared at each other.

Nabasag lamang iyon nang marinig namin ang masigarbong palakpakan mula sa ibaba ng mahabang hagdanan. There are many people wearing beautiful dresses and suits. Some are familiar faces pero mas marami ang hindi.

Alpha and The BitchWhere stories live. Discover now