Chapter 7 Her First's

14.9K 388 6
                                    

"Kayo ba ang nagbigay ng sulat?!" nagtatagis bagang kong tanong.

Na-fall ako sa isang trap?

Isa-isa kong tinignan nang masama ang tatlong lalake. Hindi ko sila kilala pero pamilyar ang mga hilatsa ng mukha. Sa'n ko ba sila nakita?

"Nanghihithit kami kanina nang matiyempuhan ka. Kung sweswertehin nga naman."

Tinignan ko ang nagsalita. May hawak siyang sigarilyo. No... Its a paper rolled, shoot…a drug?

Mapupungay at mapula na mata, nakakatakot na aura, ngising tila na uulol. I'm in danger again am I? Totoo nga sigurong kadikit ko ang disgrasya.

May imaginary placard ba sa noo ko na "accident prone area?"

Bwisit kasi na Vander yun! Kingna niya!

"Balita namin amazona ka raw? Ha! Sample nga!" Binuntutan nila ‘yon ng tawa.

"Tabi, padaan."

Sinubukan kong umalis ngunit hinaklit ako ng isa sa braso. Naramdaman ko rin ang matulis na bagay sa tagiliran ko.

Not again.

"Laro muna tayo, Cassandra"

"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" Mahinahon man ngunit ramdam ko na ang kaba. Nakadroga sila, may mga armas, at… wala sa kondisyon ang isip at katawan ko tulad noon para lumaban.

Shit! Hindi na dapat ako nagpunta rito.

Naramdaman ko ang pag baon ng kutsilyo sa tagiliran ko.

"Mga kaibigan kami ni Melvin. Naalala mo pa noong unang araw mo rito?"

Impit akong napaigik sa sakit. Alam kong nagdurugo na ang balat ko, but I won't give them the satisfaction of seeing me in pain.

"Mala-amazona nga! Nagdurugo na hindi man lang umiyak o sumigaw, ‘di natinag ang kingina oh!" namamangha at nang-iinsulto na wika ng isa.

Shit! I can tolerate pain, but the longer I stay here, the more I'm in danger.

"Hiwain natin yung damit pare, mukhang makinis ang balat, e!”

"Don't! Huwag niyo kong gagalawin, dahil ‘pag ako nakawala, mata niyo lang walang latay!" Pagbabanta ko sa mga ito.

Nagtawanan sila, naramdaman ko na lang ang pagpunit sa sando ko,

Doon na rin napunit ang pagtitimpi ko. Hinila ko ang braso ng lalaking nakahawak sa ‘kin at pabalibag siyang sinuntok at tinulak.

Umamba ng suntok ang isa pero nasalo ko ito. Pinilipit ko ang kamay niya hanggang sa dumaing siya sa sakit saka itinulak din, pipihit na sana ako sa harap pero paa ang sumalubong sa ‘kin. Ang lakas sumipa ng gago!

Napahiga ako sa lupa, ang sakit sa sikmura!

"Kingna kayo!"

"Tangina mo rin!" Wala sa sarili akong bumangon at kahit nakaupo ay umatras ako. Sumugod naman ang lalake na may hawak na patalim.

It's a goodbye now, shit!

Napapikit ako.

Pero ilang segundo na ang lumipas ngunit walang nangyayari.

Iminulat ko ang aking mga mata.

Nakahandusay sa lupa ang mga lalaki ngunit may bagong dating na nag-iisang nakatayo. He's breathing heavily as if he ran a miles.

Lumingon siya sakin at nang magtagpo ang aming mga mata ay hindi yata tama ang salitang shocked para ilarawan ang naramdaman ko.

Van? Vander?

Alpha and The BitchWhere stories live. Discover now