Chapter 8 Carried Away

14.8K 399 4
                                    

"Two weeks and 3 days. "
Napabuntong hininga na lang ako. May pa don't go don't go pang nalalaman ang mokong na ‘yun noong tumawag si Daddy samantalang ilang araw nang hindi nagpapakita.  Well hindi ko naman siya hinahanap or what, like duh?

"Hoy!"

"Ay! Palaka!" Nabigla ako nang may tumapik sa balikat ko. "The fudge Isabel! Sasapakin kita sa ears!"

Tumawa lang siya at tumabi sa bench. Nasa school grounds kami for the annual moonlight festival. Dito taunan’g ginaganap iyon, and its weird. I didn't know na meron palang ganitong celebration na nag-eexist.

"Ang ganda, ‘di ba?" Nilingon ko siya na nakatingala sa mga naka sabit na lantern.

Well, its a big yes. Napapalamutian ang buong paligid ng iba’t ibang uri at guhit ng lantern, ganoon din ng buwan. May mga booths na nagbebenta ng mga moon relics at lanterns para sa gaganaping lantern floating mamaya. Maraming food booths na nagbebenta ng moon cakes at sweet goodies bilang pagdaraos sa moonlight festival.

Ang gabing ito ang may pinaka maningning ang bilog na buwan sa buong taon. According to the people, tuwing sumasapit ang gabing ito ay nagbubukas ang dimension na nakapagitan sa langit at lupa, at nagniningning ang buong paligid ng bayan. Ayon naman sa Myth, lumalabas ang Guardian of the night upang saksihan ang kasiyahan na nagaganap sa muli niyang paglabas. It happens once a year kaya bongga ang selebrasyon, which I find it cool. Malawak ang university grounds kung kaya’t kasya lahat ng taong bayan na kasalukuyang naririto.

"It past 6 in the evening. Maya-maya lang ay iilawan na ang mga lanterns. Let's go buy our own, Cass!" she exclaimed.

Hinila ako ni Sabel sa malapit na bilihan. Halos walang daanan sa sobrang dami ng tao. Siksikan at maingay.

"Hey! Cassie!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig and it’s Maica, one of my classmates. Medyo malapit kami sa isa’t isa.

"You came!" she beamed at me.
"Yes," magiliw kong wika. 
"Bumisita ka naman sa section booth natin! Nakakatampo ha, ‘di ka na sumang-ayon sa plano ‘di mo pa bibisitahin!" aniya ngunit mukhang hindi naman siya seryoso sa pagtatampo kuno niya.

Ours is a photo booth. May moon backgrounds doon at ang mga costume displays ay mga weird and scary creatures of the night. Bukod sa magastos, ang dahilan kung bakit ayoko, it may be offensive for the moon festival ngunit nagmukhang horror booth ang naisip nila, e.

"Would it be okay to go, Sabel?" I asked my cousin.

Nginitian ako ng pinsan ko nang malawak and I know there's something in it.
"Go ahead!" Inilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong, “I'll visit the mooncake booth. Ang hot nung cook.”

Niligon ko ang booth at wala sa sariling tumango. Geez, well, hot nga.

"Let's go!"

Nang makarating kami nagulat din ako nang makitang marami ang nakapila at nag-aabang.

"Geez! Patok ang booth in all fairness," I uttered.

Itinuro ni Maica ang mga na sa booth ngayon na kinukunan ng litrato ni Nathanyel, ang class photographer namin. Pinagmasdan namin ang magjowa na naka-costume. Nakasuot ng white lady costume ang babae at nakasuot ng pangil ang lalake. They look cute.

"Ahh…excuse me muna, Cass. Kanina pa ako naiihi, shit. Sasabog na pantog ko," she said.

Pinagmasdan ko lang siya na lakad-takbo ang ginawa palayo.

"Cass! Buti nandito ka!" Humahangos akong nilapitan ni Nathanyel,
Nangunot ang aking noo. "Bakit?"
"Ikaw muna rito, please. Sasagutin ko lang tawag ni Mom. Ang dami kasing nakapila, baka magreklamo sila," aniya. Inalis nito ang DSLR camera sa kanyang leeg.

Alpha and The BitchWhere stories live. Discover now