Chapter 211

850K 28.8K 30.7K
                                    

A/N: Marami akong changes na ginagawa sa iba't-ibang chapter. Baguhan pa ko ng sinusulat ko ang AMNSE kaya marami pa kong hindi alam na ina-appropriate pala. So please bear with me, I'm trying my best to change those parts as fast as I can.

Birthday gift

Jay-jay's POV

Yung natitigan ko bigla yung mapa ng mundo. Ga-tuldok lang ang pilipinas, samantalang ga-pantal naman ang new york. Ang layo!

Kabilang bahagi na ng mundo!

Saan kaya dyan si Papa? Kung sasama ako, gano kami katagal sa New York? Panu yung pag-aaral ko? Panu na si Lola? Panu na yung mga maiiwan ko dito? Panu kung hindi na kami bumalik? Panu kung... Panu kung... Panu kung...

Panu kung... Ang dami kong tanung!

Nalukot ko ng wala sa oras yung mapa. Hindi ko kasi maintindihan yug nararamdaman ko. Para bang nae-excite ako na natatakot. Halo-halo tapos sasamahan pa na parang may paro-paro sa tyan ko.

Hindi ako mapa-kali sa kinauupuan ko. Malaking bahagi ko ang nagsasabi na sumama ako. Syempre! Makikita ko na si Papa. Pero may isang bahagi ko ang nagsasabi na hindi ako pwedeng sumama.

Tsk! Kainis naman ih!

Ang isa pang iniisip ko, si Kuya Angelo. Alam kong hindi sya papayag. Hindi rin papayag sila Tita Gema at Mama. Pero malinaw sakin ang sinabi ni Percy.

'Itatakas kita kung hindi ka nila payagan. Basta sasama ka sakin.' -Percy

Tatakas kami? Jusme.... Baka kung saan nalang kami pulutin non. Para kaming mag-syotang magtatanan. Hindi ko yata kaya yon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Ay dumating na text message. Galing kanino? Galing sa GagongBaliw na panay ang padala ng text message sakin.

Eto na naman sya! Kulit!

From: GagongBaliw
Message: my life, my wife...

Napakunot ang noo ko. Kakaiba kasi talaga ang pakiramdam ko sa nagtetext na to. Kailangan ko atang hiramin ang sosyaling instinct ni David. Gusto ko na kasi talagang malaman kung sino tong hudas na to.

Nang masapak na sa muka.

Halos madurog ang screen ng cellphone ko sa pagt-type ng message sa Gunggong na panay ang text sakin. Matamis ang naging sagot ko sa kanya.

To:  GagongBaliw
Message: Tangina mo!

Oh diba? Ang sweet ng reply ko!

Tignan ko lang kung hindi umusok ang ilong nya sa galit. Kahit sino naman magagalit kapag minura ka sa text ng wala ka mang ginagawang masama.

At nang tumunog ang cellphone ko. Nakangiti pa kong basahin ang message nya.

From: GagongBaliw
Message: ILoveYouToo!

Laglag ang panga ko habang napapa-kurap-kurap ang mata. Gusto kong ipukpok ang cellphone ko sa pader dahil sa inis----pero sayang, kakapalit lang nito.

Gustong-gusto ko na talagang makaharap ang animal na to. Kahit isang beses lang. Ipapadama ko lang sa kanya ang tamis ng kamao ko.

May ideyang pumasok sa isip ko. Hindi ko nga lang alam kung gagana.

To: GagongBaliw
Message: Meet tyo... Gs2 kita mkita.

Sana lang talaga kumagat ang punyeta. Muling tumunog ang cellphone ko, indikasyon ng pagsagot nya.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon