Kabanata 1

27.6K 773 118
                                    

Kabanata 1

Not sorry

"Ano ba naman yan,Raya! Ayusin mo yang galaw mo!" Sigaw sa akin ni Erika nang magkamali na naman ako sa steps ng galaw. 'Yan tuloy at pinagtitinginan na naman kami ng kamyembro namin.

Kasalukuyan kaming nagpapractice para sa sayaw namin. Ito kasi ang naatasang project sa amin at kailangan naming makasayaw sa susunod na linggo.

Inis na inis na ang mukha ni Erika habang nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako at pinagalitan ang sarili ko. I can't do the turn well. Masyadong mabilis at pakiramdam ko ay nadadagdagan ang hapdi sa aking paa dulot ng aking sugat na idinulot ng aksidente kong pagkakatapak sa mga bubog noong isang araw.

"Sorry." Mahina kong sinabi at bahagyang nag-angat ng tingin. Masama ang tingin sa akin ni Erika pati na rin ang mga kaibigan niya. Yung iba naman naming kagrupo ay parang wala namang pakialam.

"From the top!" Galit na singhal ni Erika at umirap sa akin. Napabuntong-hininga ako saka bumalik sa aking pwesto.

Nagsimula ulit ang music ng aming sasayawin. Kahit sumasakit na ang paa ko ay sinubukan ko pa ring ayusin ang aking mga galaw. So far so good. Iniiwasan ko na lang ang tinging masama ni Erika kapag napapalingon ako dito.

Sa totoo lang ay takot talaga ako kay Erika. Maliban sa suplada ito, ay masyado itong bossy at mapagmataas. Sikat din ito dahil isa siya sa mga nanalo noong nakaraang campus search for King and Queen.

Nang matapos ang aming practice ay inirapan ulit ako ni Erika pagkatapos ay umalis na kasama ng mga kaibigan niya. Pagod na sumalampak ako ng upo sa bleachers.Kahel na ang kulay ng langit at naglilipana na rin ang mg ibon. Rinig ko na rin ang ibang mga boses ng mga estudyante sa malapitan. Maraming nagtungong bleachers at nakinuod sa iba pang nagpapractice ng kung ano-ano.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at ilong. Binalingan ko ang aking bag pagkatapos ay kinuha ang mineral water sa bulsa nito. Tinungga ko ang kaunting laman nun hanggang sa nakaramdam na ako ng satispaksyon.

Tumayo ako at napaigik nang maramdaman ko ang sakit sa aking talampakan. Kung minamalas ka nga naman oh. Bakit ba hindi aki tumitingin sa dinadaanan ko noong isang araw? Edi hindi sana ako nasasaktan ngayon.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko at napapatigil rin kapag nakakaramdam ako ng kirot. Sumandal ako sa puno at huminga nang malalim.

Nagsimula ulit akong maglakad. Magaan ang bawat hakbang ko para hindi sumakit at makauwi na ako. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos sa bistro ngayon dahil sa kalagayan ko. Pinagalitan pa nga ako ng Tiya dahil panay ang lakad ko kahapon sa loob ng bahay.

Nginitian ko ang guard na nagbabantay ng gate. Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha nito nang mapansin ang bagal bagal kong maglakad. Laking pasalamat ko na lang at nakarating ako ng waiting shed dahil may mauupuan ako doon.

Nang makaupo ako ay hinubad ko ang aking sapatos at napangiwi nang makitang nagdurugo ulit ang sugat ko. Kinuha ko sa bag ang betadine at pangdressing. Tinanggal ko ang lumang dressing na may mantsa ng dugo at nagpatong ng panibago. Hindi ko muna isinuot ang aking sapatos para makahinga ang nasasakal kong paa.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos. Nang luminga ako sa paligid ay wala pa ring sasakyang narating. Sa kabilang daan naman ay puro high school ang nakita kong naglalakad.

Naramdaman kong may tumabi sa akin sa shed kaya naman napalingon ako dito. Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Mula sa kanyang buhok na magulo, matangos na ilong at maputing kompleksyon ay hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking ito. Lalong-lalo na at may iniwan itong remembrance sa akin.

Nilingon ako nito at hindi na ako nag-iwas ng tingin. Para sa ano pa't nahuli niya lang rin naman ako. Nagsalubong ang tingin naming dalawa. Ngayon, nasilayan ko na naman ulit ang magandang pares ng berde niyang mata.

"Ti mia peismatiki gynaika." rinig kong sabi niya sa matigas na lengwahe. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya at bahagyang nagsalubong ang kilay.

" Minumura mo ba ako, kuya?" tanong ko dito. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa paa kong walang sapin. Nahiya ako kaya naman bahagya ko itong itinago sa ilalim ng sementong inuupuan naming dalawa.

Nilingon ko ito na ngayon ay nanatiling nakatitig sa sapatos ko. Kitang-kita ko ang mumunting alikabok na kumapit dahil sa lupang dinaanan ko kanina.

"You look familiar..." sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Tumango ako kahit ayaw ko namang sabihing naging pamilyar ako dahil lang doon sa insedenteng kinasangkutan naming dalawa sa bistro.

"Yeah?" komento niya.

"Sa bistro. Yung five pesos mo," bulong ko. Hindi ko alam kung nakakaintindi siya ng tagalog.

"Oh that. I remember you now. You're the waitress, am I right?" Tumango ulit ako sa tanong niya. Iba ang hatid ng boses niya sa akin. Magandang pakinggan dahil may kabilugan at bahagyang namamaos. Parang isang malamig na ihip ng hangin ang dala ng boses niya sa akin.

"I am not sorry for that though." Mahina ang sinabi niya ngunit rinig ko pa rin kaya naman bahagya akong nainis. Dapat lang naman na magsorry siya!

"At bakit naman?" Bahagyang tumaas ang boses ko. Nilingon  niya ako at pinukol nang malamig na tingin. Parang umatras yata ang lahat ng isusumbat ko dito dahil sa titig niya.

"You still got the twenty pesos right? I am quite sure that you saw a five peso coin somewhere. I've paid my bills," aniya at tumayo. Aangal pa sana ako ulit ngunit nagulat ako nang umuklo siya sa harapan ko at kinuha ang aking sapatos. Napapiksi ako nang hawakan niya ang paa ko at marahan niyang ipinasok iyon sa sapatos.

Napaawang ang labi ko sa gulat. Nang magtaas siya ng tingin sa akin ay pinamulahan ako. Nabitawan niya ang paa ko nang iniwas ko ito sa kanya. I pursed my lips and felt myself blushed.

"Y-you don't have to do that," mahina kong sabi, nag-iinit pa rin ang pisngi. Nilingon ko siya ngunit ang nakita ko na lang ay ang bulto niyang tumatawid na sa daan.

Napalunok ako at akmang sisigaw na nang may tumigil na jeep sa harapan ko. Saglit akong natulala bago nabalik sa katinuan at agad na kinuha ang aking bag pagkatapos ay sumakay na ng jeep.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon