Kabanata 8

18K 570 36
                                    

Kabanata 8

Bother

Napakagat-labi ako habang pinagmamasdan ang gate ng aming university. Hindi gaanong matao ang gate na aming pinasukan sapagka't malapit ito sa parking area ng school karamihang mga sasakyan ay huli na kung pumasok.

Huminto ang sasakyan sa isang parking space. Nawala ang lamig ng aircon kaya naman medyo nawala rin ang panlalamig ng aking mga kamay.

"Just stay here, Geo." aniya sa driver na sana'y baba na. Nakatingin ako sa rear view mirror kaya naman nakita ko ang pagtango ng driver nito.

Naramdaman ko ang pagkawala ng presensya niya sa aking tabi kaya naman lumingon ako para makita siyang nasa labas na at binuksan ang pinto.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang sabay kaming pumunta ng school ngayon. Wala naman akong choice kundi sumabay sa kanya dahil nakakahiya at pinagtitinginan na kami kanina. Gusto kong tumanggi ngunit nakakahiya rin sa kanya sapagka't pinuntahan pa talaga niya ako.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Dahan-dahan akong umusod papunta sa kanya hanggang sa nakalabas ako ng sasakyan. Gumilid siya upang ako ay makadaan pagkatapos ay dinungaw niya ang driver sa loob.

"I'll take it from here,Geo. You can go now." aniya at sinarado na ang pinto.

"T-teka!" pigil ko kaya nama'y ako'y kanyang nilingon gamit ang nagtatanong na mata. Napalunok ako bago ngiwing ngumiti.

"I just want to thank your driver?…" nahihiya kong sabi. Nakita kong bahagyang kumunot ang kanyang noo pagkatapos ay nilingon ang sasakyan.

"No need." aniya at sumenyas na pwede na itong umalis.

Napalabi ako habang pinagmamasdan ang sasakyang umaatras na at umaambang aalis. Nilingon ko siya nang tuluyan nang nakaalis ang kaniyang sasakyan. Nakatayo lamang siya at tila hinihintay akong kumilos na rin.

"Thank you sa pagsundo, hindi naman talaga kailangan." sabi ko at tipid na ngumiti. Isang tango ang iginawad niya sa akin ngunit nandoon pa rin ang tigas sa kanyang titig.

Akmang magsasalita ako ulit nang humakbang siya patungo sa akin kaya awtomatiko akong napaatras at napayuko. Sobrang ganda ng kanyang tikas at tila hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natataranta ako na ewan kapag kaharap ko siya.

"You'll start teaching me after class. What time are you available?" tanong niya sa seryosong tono. Mula sa kanyang makikintab na sapatos ay umangat ang tingin ko sa kanyang mukha.

Ang pares ng berde niyang mga mata ang una kong nasilayan. Puno iyon ng determinasyon habang nakatitig sa akin.

"Uh hindi kasi fixed ang sched ko. I…I need to visit my grandmother in the hospital after class."

"We can go there later if we're done. As for your work with the bistro, I can talk to the owner." aniya at masinsinan akong tinitigan.

"Huh? Hindi! Okay lang naman! Actually hindi mo kailangang kausapin ang may-ari. Ako na lang ang kakausap " sabi ko at napakagat labi pagkatapos. Nakita kong lumipat ang tingin niya sa aking labi kaya naman ipinirmi ko iyon.

"I'll talk to him or is it a her? From now on, you're just going to teach me. I'll even double your salary." aniya.

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Ako na ang kakausap kay Tita tutal siya naman ang may-ari ng bistro. Okay lang sa akin na 'wag mo na akong bayaran. I owe you so I need to pay for my debt." sabi ko pa.

"I'll just talk to your aunt." aniya at tinaasan ako ng kilay. Pinigilan kong 'wag mainis sa lalaking ito. Kinagat ko ang aking dila bago siya tinitigan.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon