Kabanata 31

11.6K 361 65
                                    

Kabanata 31

Masaya

Huminto ako sa harap ng mga kabanda ni Helion. Napabuntong-hininga ako bago napahilamos ng mukha dahil sa inis.

“Hindi niyo alam kung nasaan siya? Ano? Itinatago niyo?” inis kong sabi sa kanila. I stared at each and anyone of them. Kahit si Crithos na maraming alam ay nanahimik at hindi alam ang sasabihin. Nakayuko lamang ito at walang balak na ibsan ang pag-aalala ko.

Rogan whom I thought was the serious one was also silent too.  Walang balak ang ni isa sa kanila na sumagot sa tanong ko. Nag-init ang sulok ng aking mata at hindi na alam ang gagawin.

Isang buwan.

Ganoon kahaba na ang bakasyon ni Helion sa Greece! Akala ko ay nakabalik na siya matapos ang isang linggong pananatili doon. Naghintay ako ng ilang araw para macontact siya ulit pero wala. He disappeared like a free bubble up in the air! Sinuyod ko ang madalas na puntahan ng barkada nila. Even at school I would always approach them just to ask about his whereabouts. Sa bawat tanong ay puro “baka” lang ang aking naririnig.

Naabutan ko silang nagpapractice sa studio na inilaan sa kanila ng Polaris. Dito ko silang lahat natipon para tanungin ngunit wala pa rin akong nakuha. Napaiyak na lamang ako at napaupo.

“W-wala ba talaga?” suminghot ako at suminghap. Tumayo si Crithos at inis na sinipa ang stand ng mic na nasa tabi. Napapitlag ako at natulala. He was furious. Kahit na nakikita ko siyang masiyahin ay ngayon ko lang naramdaman ang galit niya

“I’m sorry Raya. Ako na ang humihingi ng patawad sa kaibigan namin. Fuck. Should I tell her, huh? Dapat ko na bang sabihin?” aniya at nakatingin sa mga kabanda at naghihintay ng sagot. Rogan nodded slowly. Kahit sina Nile ay tumango na rin at sumang-ayon.

Umayos ako ng upo at napatakip ng bibig. “P-please, Crithos. Please...” pagmamakaawa ko.

Naiyak na ako nang sobra nang umiling-iling siya at nilapitan ako. He wrapped his arms around me like an armour. Napahagulgol ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko na parang hindi na ako makahinga. I don’t know why it hurts so much. Sa sobrang sakit ay parang gusto ko na lang na magpahinga muna at pumikit.

“Please, Crithos! S-sabihin mo na!” sigaw ko.

“I’m sorry, Raya. I...I can’t. I think I am not the right person to tell you that.”

Hindi na ako nagpumilit pang malaman ang totoo. I chose to just ignore the pain. Panay pa rin naman ang tingin ko sa posibleng social media sites na kung saan ay makikita ko siya. Kahit na ang business world ng Greece ay sinuyod ko na at nagbabakasakaling makita ko doon ang pangalan niya.

Baliw na ng siguro ako para hanapin pa siya at pakinggan ang paliwanag niya. He left me without even saying goodbye. Iniwan niya akong walang kaalam-alam sa pangyayari. I did not bother his friends anymore. As much as possible ay iniiwasan ko na ring makihalubilo sa kanila. I heard that they were still pursuing their goal to be in the showbiz world as a band.
Nang matapos ang huling semester ko ay siya namang pagdebut nila nang wala si Helion. Pero wala nga ba?

I know they are still communicating. Kahit na gusto kong makialam ay pinigilan ko na ang sarili ko. Sapat na ang alam kong humihinga pa rin siya. Hindi ko naman alam kung nakabalik pa ba siya sa Pilipinas. Kahit na si Seyra na madalas kong nakikita noon ay hindi ko na mahagilap matapos ang isang buwan. Maybe what she said was true. Iiwan pa rin ako ni Helion kahit papiliin ko siya o di kaya’y kumbinsihing manatili.

Yun naman palagi eh. Sinasanay tayo ng mga tao sa paligid natin at nang sanay na sanay na tayong nandiyan sila ay bigla silang mang-iiwan sa ere. When he left, I just held on to the memories we had together. Sa kasamaang palad ay nakaabot kami ng dalawang buwan. Sa mga buwan na iyon ay natutunan kong mahulog at magmahal. That wasn’t so bad. Ang masama nga lang ay sobra akong nahulog at lumagapak nang todo.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon