Kabanata 21

12.6K 417 13
                                    

Kabanata 21

Okay

" Sana sinabunutan mo na lang!" utas ni Jeni nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa cr. Nangalumbaba ako at napabuntong-hininga.

" Ayaw ko ng gulo, Jeni. At…hindi naman ako pumapatol sa ganoong klaseng tao baka sa huli ako pa ang maagrabyado." suko kong sabi.

" Huh! At sino ba siya para sabihin iyon? Trust me, Raya magtatagal kayo ni Helion. Ano bang alam niya? Kung makapagsalita parang namang espesyal ang mayroon sa pagitan nila ni Helion. " ungot niyang muli at mas lalomg lumalim ang kunot sa noo.

" Hayaan mo na. Wala naman akong pakialam doon." Sabi ko pa. Of course something's bothering me about the words she said. Hindi ko maiwasang maalala ang mga salita niyang iyon lalo na at iyon na lang ang pumuno sa akin kahapon.

If ever Helion will leave me…hindi ko tuloy alam ang gagawin. Wala pa naman kami sa puntong hulog na hulog na siguro, hindi ba? We're both liking each other…attract each other perhaps.

Buong araw kaming hindi nagkita ni Helion pero lagi naman siyang nagtetext. Nahuhuli nga akong magreply dahil hindi ko nararamdaman ang pagvibrate ng cellphone ko.

" Mauna na ko ha? Nandyan na yung sundo ko." paalam sa akin ni Jeni nang nasa labas na kami. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa di kalayuan lang ang kanilang sasakyan.

" Ingat ka ha?" aniya at humalik sa aking pisngi bago tinawid ang distansya ng kanilang sasakyan. I waved her goodbye when the car passed by me.

Naupo ako sa shed at tumipa ng bagong reply kay Helion.

Ako

Nasa practice ka pa?

Ibinaba ko ang aking cellphone matapos magtype ng mensahe. Iniisip ko kung pupuntahan ko ba si Helion o hindi. Isang studio ang madalas nilang pagpractisan na di naman kalayuan sa school. Pagmamay-ari nina Eion.

Helion

Yeah, sorry. Are you still there? I'll pick you up.

Ako

Hindi na. Magpractice ka na lang diyan. I'll be fine on my own.

Tumayo ako pagkatapos ng reply at pumara ng jeep. Isang minuto pa ang lumipas at naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Sinulyapan ko iyon at nakitang tumatawag si Helion. Tinitigan ko lamang iyon bago napabuntong hininga.

Hindi ako madalas na sumasagot ng tawag kapag nasa loob ng sasakyan. Ewan. Nahihiya lang siguro akong sumagot nang sumagot at minsa'y hindi ko pa masyadong naririnig ang nagsasalita.

Hinayaan kong matapos ang pagring ng cellphone ko.Inabot ko ang aking bayad nang makitang malapit na ang jeep sa bistro. Pumara agad ako nang nasa tapat na.

Saktong pagbaba ko ay siya namang pagvibrate ulit ng cellphone ko. This time it was a text message from Helion.

Helion

You did not answer my calls. Were you busy?

Ako

Nope. I just got here at the bistro. Ikaw? Bakit panay ang text mo sa akin?

Not that I don't like him texting me pero baka magalit yung band mates niya kapag wala sa practice ang atensyon niya.

Helion

We're on a break. Can I drop by at the bistro later? I'll take you home.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi bago ako tumipa.

Ako

Okay. I'll wait for you.

Nang pumasok ako ay agad na sinalubong ako ng ngisi ni Ate Joy. Nagtaas ako ng kilay bago ako dumiretso sa loob at nagbihis ng damit.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon