Kabanata 43

13K 434 43
                                    

Kabanata 43

Ransom

Napatitig ako kay Tita nang yakapin niya si Helion. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganito. Her smile was radiating and filled with sweetness. Hindi katulad noong magkasama kami o di kaya'y kasama niya ang mga kaibigan niya. Hindi ko rin alam pero nalungkot din ako sa parteng hindi buo ang saya ni Tita habang magkasama kaming dalawa. Talagang napamahal siya kay Helion and she treats him as her own son. At ngayon, seeing them both embracing each others arms, I was beyond happy. Buo na ang pamilya ko. Ito na ang pamilya ko.

"You've grown tall and more handsome!" humalakhak si Tita. " Siguro ay alagang-alaga ka doon sa kung saan ka man nagpunta."

Humalukipkip ako at tumitig kay Helion na ngumisi lamang at tumango. Ngunit nakita ko ang pangungulila sa kaniyang mga mata bago niya ibinaling ang tingin sa akin. I was startled, hindi ko kasi inaakalang lilingon siya sa aking pwesto.

" I was just preparing myself in meeting Raya, again Tita." Aniya pa at titig na titig sa akin. Umawang ang aking labi at pinamulahan ako nang mukha lalo pa at tinawanan lamang ni Tita ang sinabi ni Helion. Inakayan ni Helion si Tita at humarap silang pareho sa akin. Ngumuso ako bago lumapit at kumapit sa kabilang braso ni Tita.

" Tita ako ang pamangkin mo! Dapat ako yung niyayakap mo!" ungot ko.

Binalingan ako ng tingin ni Tita at tinaasan ng kilay. " Bakit? Umalis ka ba?"

Suminghap ako at narinig na lamang ang mahinang tawa ni Helion. Binalingan ko siya ng tingin at inirapan. And here I thought, I would have a hard time dealing with Tita.Ngunit nagkamali pala ako dahil ito na pala ang hinihintay niya.

I thought she wants Heath for me. Tinutukso lang ba ako ni Tita noon o pinapakisamahan lang si Heath? Kasi nararamdaman kong sinusubukan lamang ako ni Tita noon. But I've never noticed it. Akala ko ay kaya niya iyon sinasabi upang matigil ako sa pagiging focus sa trabaho ngunit sa nakikita ko..ngayon ko lang naintindihan kung bakit niya iyon ginagawa. She wanted to see my reaction. She wanted to see the changes. And whenever I said no and reasoned that work comes first, alam niya ng may iba pang dahilan kung bakit hindi ko nagugustuhan si Heath bilang isang lalaki.

" Baby, you okay?"

Napapitlag ako nang hawakan ni Helion ang aking balikat. Lumingon ako sa kaniya at wala sa sariling tumango. I must've spaced out. Hinawakan ko na lang ang kamay niyang nasa aking balikat at pinagsalikop na lamang ito. I felt his warmth against his calloused hand. Kahit na kanina pa magkahawak ang aming kamay, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya sa aking tabi.

" Do you think Heath will understand?" I suddenly asked. Nalulungkot ako para kay Heath. I don't even know what to feel. Pakiramdam ko kasi masama ako dahil hindi ko man lang napansin iyon. Heath was very protective of me. Hindi bilang isang kaibigan o bilang kapatid.

I felt that he likes me more than just a sister. Kung ganoon nga ba iyon. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko dahil hindi ko nabigyang pansin ang nararamdaman niyang iyon. But will he understand this whole thing? Matatanggap niya ba ang aking desisyon na mas piliin ang kung anong ninanais ko noon pa man?

Helion pursed his lips. I watched him as he weighed his stare at me. " Eventually, baby. Eventually."

Bumuntong hininga ako at sumandal sa kaniyang balikat. Tinitigan ko si Tita na ngayon ay nag-aayos ng hapag sa garden at nakikipagtawanan sa mga kasambahay. She had prepared so many food for the three of us. Isinama niya na rin siguro ang mga kasamahan namin dito sa bahay.

"You think so?" I queried. Kinagat ko ang aking labi at nilingon siya. Hindi na ako nagulat na sa akin na naman siya nakatitig na tila pinagmamasdan ang bawat reaksyon ko.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon