Kabanata 5

18.3K 620 43
                                    

Kabanata 5

Stay

Palakas nang palakas ang tibok ng aking puso habang naglalakad.Mahigpit kong hinawakan ang tray upang hindi mapansin ang panginginig ko. Pero bakit nga ba ako kinakabahan sa paglapit lang sa kanya?

Nakagat ko ang aking labi nang mapatingin siya sa akin. Nang malapit na ako sa kanya ay umayos siya ng upo at ginawang drum ang mesa. Pakiramdam ko tuloy ay naiinip siya dahil sa mabagal kong paglalakad.

Huminga ako nang malalim at bahagyang binilisan ang paglalakad. Nang maibaba ko na ang kanyang tray ay isa-isa kong inilagay sa harap niya ang kanyang inorder. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil kinakabahan ako. Magtama pa lang ang aming mga mata ay tila kinakapos na ako sa paghinga. Ano pa nga bang hindi magagawa ng isang to?

Nang matapos ako ay iniyakap ko ang tray at tuluyan nang tumingin sa kanya. Mukha namang wala siyang reklamo sa inihatid ko.

"May kailangan ka pa?" tanong ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at bahagyang ngumuso tila nagpipigil ng ngiti. Awtomatiko ring nagtaas ako ng kilay dahil sa ginawa niya.

Umiling siya pagkatapos. Napabuntong-hininga ako bago kinuha ang numerong ibinigay ko kanina bago ko pa makalimutan.

Umatras ako at agad na tumalikod. Bumalik ako kung saan ang pwesto ko kanina. Wala na doon si Ate Joy at siguro'y tumulong na rin sa kitchen. May ilan pang pumila matapos lumisan yung ibang kumakain.

Panaka-naka'y sumusulyap ako sa kanya na tahimik lang ding kumakain. Minsa'y nagtatama ang mga mata namin ngunit ako na ang unang umiiwas. Baka kung ano pa ang isipan niya dahil lang sa titig kong iyon.

Nakita kong nilapitan siya ng isa sa aming waitress . Napansin kong tapos naman siyang kumain at kinakausap na ngayon si Ara. Nakita ko ang pag-iiba sa ekspresyon niya habang nagsasalita si Ara kaya naman umayos ako ng tayo. Nakita kong nagkakasalubong na rin ang kilay niya kaya agad na akong lumapit sa table niya.

"May problema ba dito, Ara?" tanong ko sa seryosong tono. Nilingon ako ni Ara na tila nagulat dahil sa bigla kong pagdating. Nilingon ko ang lalaki na ngayon ay nakatingin na din sa akin. Pinukol ko siya ng seryosong tingin bago ibinalik iyon kay Ara.

"Ako na dito, Ara. Bumalik ka na sa pwesto mo." sabi ko at binalewala ang pagkawala ng maganda niyang awra. Bago niya ako tinalikuran ay nakita ko pa ang pag-irap niya sa akin.

Magkaedaran kami ni Ara ngunit sa inasta niya ngayon ay paran gusto ko ng ilabas ang tinitiis kong inis sa kanya. Kung hindi lang siya ipinasok ni Tita ay malamang ako na ang nagpaalis sa kanya dito. Marami na akong narinig tungkol sa kanya mula sa iba pang kasamahan namin dito. Likas na ata kay Ara ang lumapit sa mga lalaking alam niyang may makukuha siya. Sinubukan ko na ring pakiusapan si Tita tungkol sa ginagawa ni Ara ngunit likas na mabait yata ang tiyahin ko. Aniya'y may naipangako na siya kay Ara noon na hindi niya kayang baliin.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "May problema ba?" malumanay ang boses na tanong ko sa kanya.

Ngayon ay hindi na salubong ang kilay niya ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"She's been bugging me. Is she always like that?" tanong niya sa boses na naiinis.

Itinikom ko ang aking bibig at tinitigan siya habang naiinis. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti sapagka't ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tila naramdaman niya yata iyon kaya masama ang titig niya sa akin.

"Sorry…" paumanhin ko at tipid na ngumiti.

"Ganun talaga siya. Ahm…magbabayad ka na ba? Tutal tapos ka namang kumain." sabi ko na lang at tiningnan ang kanyang mesa na ngayon ay plato at basong wala nang laman.

"Can I stay for a while? " bigla niyang sabi na ikinagulat ko.

"Huh?"

"I'm going to stay here for a while." sabi niya at isinandal pa ang likod sa upuan. Nagsalubong ang aking kilay nang iminuwestra niya ang mesa na parang sinasabing kailangan ko ng linisin iyon.

Nagsalubong aking ngipin bago inis itong inirapan. Ewan ko sa lalaking ito! Bumalik ako sa counter at kumuha ng tray pagkatapos ay bumalik sa kanya para linisin ang mesa. Iniwan ko ang bill na kailangan niya pang bayaran pagkatapos ay taas kilay ko siyang tiningnan nang malinis ko na ang mesa.

"I'll pay once you get back here again." aniya. Umirap ako ulit bago tumalikod dala ang tray. Nakita ko pang pangiti-ngiti si Ate Joy mula sa maliit na bintana ng kitchen. Kumindat pa ito pagkatapos ay nagtaas-baba ng kilay.

Ngumuso ako bago ko iniabot ang tray sa kanya. "Kumusta?" tanong niya habang pangiti-ngiti. Peke akong ngumiti bago ako naglakad pabalik sa table niya.

"That's 175 all in all, right?" tanong niya nang makabalik ako.

"Ba't ako tinatanong mo eh ikaw may hawak ng bill?" pagtataray ko. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya at ang kanyang pagnguso. Natunghayan ko tuloy ang mapupula niyang labi.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Kita ko namang naglabas siya ng wallet. Nang mapatingin ako sa table ay saktong 175 ang inilagay niya at nagdagdag siya ng limang piso.

Kumunot ang aking noo at napatingin sa kanya. "That's for the last time." tanging sabi niya. Tumango lamang ako bago ko kinuha ang pera.

"Thank you…" sabi ko bago tumalikod. Bago pa ako makapaglakad palayo ay napatigil na ako at napalingon ulit sa kanya.

Nakatayo na siya ngayon at nakapamulsa ngunit ang mga mata'y nasa akin. "See you at school…" sabi niya at tumalikod.

Pinagmasdan ko lang siyang maglakad at lumabas ng bistro. Ang iba'y napapalingon pa sa kanya habang naglalakad siya. Nakita ko namang may humintong itim na sasakyan sa harap niya at agad siyang pumasok.

Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang perang ibinigay niya. Hindi ko alam na napangiti na ako nang matitigan ko ang limang piso. Dito kami nagsimulang dalawa. Nakakatawa talagang isipin na hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa akin ang pangyayaring iyon. Ang pangyayari kung saan nagiba ang takbo ng buhay ko.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon