Kabanata 39

12.7K 443 58
                                    

Kabanata 39

Dinner

I told him to never come back at the restaurant but he was just too stubborn! Akala ko noong napagsabihan ko ng ‘wag na siyang babalik ay tutuparin niya dahil alam kong gagawain niya iyon ngunit nagkamali pala ako. The next day, he was there again but with the band members. Kahit ang aking mga empleyado ay nagulat dahil doon sila kumain. Kumpleto silang lahat, kahit na si Rogan ay nandoon din at nagulat na ako ang may-ari ng restaurant.

“ The food was good, Raya. I’ll tell the fans about your restaurant...” ani Nile sa akin nang matapos sila at bumalik ako para sana kumustahin sila. Kahit papaano ay nabawasan ang ilang ko kay Helion kahit na alam kong panay ang tingin niya sa akin bawat balik ko sa table nila. It was an exclusive one. Ipinakiusap sa akin ni Crithos dahil ayaw niyang pagkaguluhan sila ng mga tao. It was the original band’s reunion kasama na si Atticus, their new band member.

“ Thank you pero hindi mo na dapat gawin iyon. Casa Gomez has been recognized by many people so I think there’s no need for that.” Sabi ko at ngumiti. Nile just grinned before nodding Bumaling siya sa katabing si Atticus na kanina pa pala nagmamasid sa aming dalawa. I saw him smirked, hindi ko alam kung para saan.

Hindi nila ako kinulit na makisama sa kanilang table kahit sandali lang, unlike Helion. Nagpapasalamat na rin ako na hanggang titig lamang siya at hindi ako tinatawag dahil kapag nangyari iyon ay baka hindi ako makapagtimpi at palabasin ko siya. I was just being casual because I was friends with the other band members. At saka si Crithos ay naging mabait ang approach sa akin kaya ginawa ko lang ang nararapat.

Mahigit tatlong araw na pabalaik-balik sa restaurant si Helion. Kung sinu-sinong empleyado ko ang tinatawag upang papuntahin ako sa pwesto niya ngunit ang palagi kong excuse ay marami akong ginagawa at hindi ko siya priority. Totoo naman. Minsan iniisip ko kung saan siya nakakakuha ng kakapalan ng mukha upang ipatawag ako matapos ko siyang iwan.

He was just so persistent! Ngayong araw ay mas maaga siya sa karaniwang oras niyang pagpunta. Ang nakakagulat lang ay may ipinahatid na bouquet ng bulaklak sa aking opisina at may maikling note.

I want to see you, please.

The note says. Umirap ako bago itinabi ang bulaklak na maganda sanang idisplay kung hindi lang ako inis sa nagbigay. He could wait for all he want pero hindi ko siya pagbibigyan. Nagsasayang siya ng oras at pera. At saka, wala ba siyang trabaho? Wala ba siyang dapat puntahan?

Inabala ko ang aking sarili sa opisina. Iniiwasang lumabas upang hindi ko siya makita. Ang ibang empleyado nga ay tinutukso ako dahil sobrang sweet daw ni Helion para palagi akong punatahan. Napapairap na lamang ako doon. If they only knew the whole story, makakayanan pa kaya nilang tuksuin ako?

Napahilot ako sa aking sentido nang matapos sa ginagawang paglista ng bagong recipe. Kabilang iyon sa ginagawa kong cookbook na hinihingi ni Jeni. Manipis lamang iyon. Just a collection of new dishes that I would like on the menu book of my restaurant in Tagaytay. Sa susunod na linggo ay dadalaw ako doon. I’ll be staying for a week, maybe? Baka sapat na iyon para maiwasan muna si Helion.

Umayos ako ng upo nang may kumatok sa aking pinto. Nang magbigay ako ng permiso upang magpapasok ay bumungad sa akin si Monica na aking sous chef.

“ Yes, may problema ba?”

Umiling ito ngunit ang ekspresyon ay mukhang kinakabahan at nahihiya. “ Sorry, Chef pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po umaalis ang manliligaw niyo.” Aniya.

Napapikit ako at napahilot ulit sa sentido. “ Hindi ko siya manliligaw at please, hayaan niyo siyang maghintay. Nakakain na ba siya?” I asked not minding what I have done.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon