Kabanata 24

12.7K 438 29
                                    

Kabanata 24

Girlfriend

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa akin ni Helion ay nag-enjoy naman ako kahit papaano. Ang nararamdaman kong hiya ay nawala dahil nasa tabi ko si Helion at hindi man lang umaalis. He kept me entertained as well as the others. Kahit ang kaniyang mga kabanda ay tinutukso na siya dahil parang asong sunod nang sunod at todo ang bantay sa akin.

" Are you okay?" tanong niya sa akin nang matigilan ako sa paglalakad. Nakaahon na kami mula sa tubig at naglalakad na pabalik sa cottage nang mapansin niya ang pagtigil ko.

Nilingon ko siya at ngumiti. " I'm hungry." sabi ko at mahinang tumawa. Helion grinned and tugged my hand to his and we walked back to the cottage hand in hand.

Nakahanda na lahat pati na ang inihaw na mga isda na niluto nina Crithos at Rogan nang minsang umalis sila sa pagligo kanina kasama namin.

Jeni was pulling the guys and they had their group pictures together. Sumali kami ni Helion pagkatapos at saka naman kami nagsalo-salo sa pagkain.

" May pupuntahan ba kayo in particular or some activities? The resort offers everything." sabi ni Crithos nang matapos kaming kumain. Napansin ko ang pagsalin ni Helion ng tubig sa aking baso habang nakikinig ako sa mga sinabi ni Jeni kay Crithos na gusto niyang mapuntahan o gawin.

" Cliff diving sounds good, right?" ani Crithos sa aming lahat habang inisa-isa ang mga gusto ng kasama. Tumango ako dahil gusto ko ring gawin iyon. Nang tumingin ako kay Jeni ay pumapalakpak na ang aking kaibigan.

Umihip ang hangin at napayakap ako sa aking sarili. The towel Helion gave me a while ago kept me warm lalo na at medyo hindi na masyadong basa ang aking suot. Napansin nito ang aking pagyakap kaya kinuha niya ang t-shirt niyang suot kanina pagkatapos ay ibinigay niya sa akin.

" Go change. I know you're not comfortable."

" Pero maliligo pa tayo mamaya." protesta ko kahit alam kong ilang salita lang naman ang naiintindihan niya. He turned his eyes to mine and he sighed.

" You'll get rid of that shirt once we're in there. For now, slip this on. " aniya at tipid ang ngiti. Ngumuso ako pagkatapos ay ngumiti. Ang iba naming kasama ay nasa labas at kami lang ang naiwan sa loob kaya naman tumalikod agad si Helion at hinayaan akong isuot ang kaniyang t-shirt.

Nang tumayo ako ay sumakto lang sa kalahati ng aking hita.Nagsuot ako ng shorts at kahit may kahabaan ang t-shirt ay nagawan ko ng paraan na i-tuck in iyon.

" Done." sabi ko at humarap agad si Helion. He smirked upon seeing me and then tugged my hand to his.

" You looked good on my shirt though it looks better without the shorts." aniya at walang ano-ano'y hinampas ko nang nahina ang kaniyang braso. Meanwhile, he just accepted it while laughing at lumabas na kaming dalawa. Ang una naming pupuntahan ay ang fish sanctuary na hindi naman kalayuan sa resort. May sasakyan kaming cart para makarating doon.

Kaya naman laking tuwa ko nang makita kong gaano kaganda ang sanctuary. Iba't ibang klase ng isda ang aking nakita. Some were close to endangered dahil na rin sa ibang mangingisda kaya naman naisipan ng resort na magpatayo ng sanctuary para maparami at maalagaan silang lahat.

We went to the nearest boating site after. May iilang malalaking bangka doon at ang iba ay para sa simpleng pasyal lamang. May nakaharang naman sa ibang parte para sa mga nakaparadang yate. Ang iba doon ay ginagamit ng mga VIP para sa ilang private gatherings o di kaya'y reservations. Nagtagal kami doon dahil sumakay kami sa bangka at naglakbay sa karatig isla. Inabot ng isang oras bago kami nakarating doon.

May ilang tao na roon at may ibang nagse-set up ng tent. There are available activities such as camping, cliff diving, snorkeling and swimming. Ilang sandali lang ang nilakad namin bago kami nakarating sa diving site. Maraming turista ang nandoon at ang ilan ay naliligo na sa dagat matapos mag-dive.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon