Thirteenth

2.1K 58 30
                                    

Jho

I was already preparing for work when she texted me. Ihahatid nya daw ako. I replied right away and to let her know na ready na ko in 15 minutes but I haven't received any reply.

When I'm already done, I checked my phone again and nagtaka ko dahil wala pa rin siyang message. I reached for my bag and keys para daanan na lang sya sa unit nya.

Kumatok muna ko pero walang sumasagot. Good thing I got her spare key at nakapasok sa bahay nya, I noticed a piece of paper on her doorsteps. Similar paper na natatanggap ko. Dinampot ko ito at binasa.

Ngayon

Ito ang simula
para sa ating dalawa

Siguro nga ganito ka kahalaga
Gagawin lahat para maipaglaban ka

Ngayon ang simula
Na hindi ko inakala

Siguro nga ganito kalalim ang pag-ibig
Tatalikuran lahat makuha lang ang iyong titig

Ito ang simula
Ngayon ang simula

Para sa ating dalawa

Mabilis na tumibok ang puso ko matapos basahin ito. Every time na may natatanggap akong ganito ay laging sakto sa pinagdadaanan ko. Are these poems written by Bea?

Hindi kaya she was planning to give this to me pero nahulog nya? Lalo akong nagduda nang maalala ko ang isang tulang ginawa nito, she used my initials as the title of the poem.

Itinago ko muna ang papel and go to her room pero wala sya doon. Pumunta agad ako sa banyo pero kahit anino nito ay hindi ko nakita.

Where the hell are you?

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siya.

I tried to recall if something was off whenever we were together these past few days. Masaya naman kami nitong mga nakaraang araw even malabo pa talaga kung anumang meron kami. I don't want to pressure her, I know she still has lots of issues she needs to handle pero hindi naman ako perpekto. Of course, I want positive results. Somehow, I want assurance na ako ang pipiliin nya.

Tinawagan ko na rin si Jana to check if she knows where Bea is. Iniisip ko tuloy ang OA ko, wala pang isang oras na hindi siya nagrereply nappraning na ko.

"Uuwi rin yun Jho. Baka may binili lang o dinaanan."
Jana tried na pagaanin ang loob ko.

"Sige, Jana thank you. I'll wait for her na lang."

"Yan, ganyan nga Jho. Hintayin mo lang. Matigas minsan si Bea pero knowing her, hindi ka nya hahayaang mahulog nang ganyan kalalim kung wala siyang balak saluhin ka. Kaya maghintay ka lang."

Natawa naman ako na nakahugot pa sya ngayon.

"Oh ayan, tumawa ka rin. Kinabahan ako sayo kanina e."

"Thank you talaga, Jana."

Magpapaalam na sana ako dito nang narinig kong bumukas ang pinto.

"I think she's here na."

"Sabi sayo e! Osya, bye na. Kamusta mo ko sa bff ko ha!"

"Sure thing. Salamat ulit! Bye."

I went out of her room para salabungin sya.

"Where have you been, Bea?"

The door behind her is still open when she looked at me. I felt different from the way she stares at me.

How Right It Is To Love You (JhoBea FF)Where stories live. Discover now