CHAPTER ONE

11.4K 153 0
                                    

"THIS isn't gonna work out anymore, Sheena. Please, tanggapin mo na lang," pakiusap ni Anthony. Napapagod na ginulo niya ang buhok. 

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang makipagkalas siya sa dating nobya. Pero isang linggo na rin itong nangungulit sa kanya, na tila ba hindi siya nakipagkalas dito. Palagi na lang itong nagpupunta sa set, kahit saan siya magpunta ay naroon ito. At kahit anong iwas niya ay hindi siya nakakaligtas dito.

"You can't do this to me, Anthony. You can't dump me just like that," sabi naman ni Sheena. Nagsimula nang lumakas ang boses nito.

But I just did... a week ago. "Sheena, please." 

Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan sa magkabilang braso. Kung hindi niya ito patatahimikin ay baka kung ano pang eksena ang gawin nito sa studio. Nagshu-shoot sila para sa isang sports-oriented program kung saan host siya, at naka-break lang sila ngayon. 

Nagulat na lang siya nang bigla na lang dumating roon si Sheena. He had been ignoring her texts and calls at mukhang nagsawa na ito sa mga palusot niya. As much as possible, ayaw na muna niyang makita si Sheena. Ayaw niya itong makausap at sinisikap niyang maging gentleman sa dating girlfriend. Ayaw niyang makapagsalita ng masakit sa dalaga na alam niyang ipagdaramdam na naman nito. And he was soooo fed up of her dramas.

Dapat ay naging artista ito at hanggang sa naging ramp model.

"Why can't we bring back the past? Let's fix this, please? Kung anuman ang nagawa ko, I'm sorry. Please, ayusin natin 'to," pakiusap ni Sheena na nagpaawa pa.

If only he didn't know better. Kung hindi lang sana niya kilalang-kilala si Sheena, baka nakuha pa siya ng puppy eyes nito. Pero hindi na ngayon. Ilang beses na niya itong pinagbigyan sa dalawang taong relasyon nila. Masyado itong selosa, halos lahat ng makakausap niyang babae ay pinagseselosan nito, maging si Jamie na co-anchor niya sa isang news program. 

Bukod doon, masyado ring  demanding. Halos beinte oras siyang nagtatrabaho. Kung minsan, alas-tres na siya ng madaling-araw natatapos sa mga rescue operations niya—na parte ng trabaho niya sa public service. Pagkatapos ay papasok pa siya ng alas-singko ng madaling-araw para sa morning show. 

Pero hindi iyon nauunawaan ni Sheena. Palagi nitong sinasabi na baka mayroon na raw siyang ibang babae at itinatago lang niya sa dalaga. Na napakalabo namang mangyari dahil halos wala na nga siyang oras para sa sarili, 'tapos ay magagawa pa niyang mambabae?

"You never changed. Sa umpisa ka lang naman nagbabago, but after a day or two, you're back to being a nagger and demanding girlfriend. Hindi lang naman sa 'yo umiikot ang buhay ko, Sheena. I have other things to do as well. Hindi ko alam kung bakit hindi mo 'yon maunawaan," sabi ni Anthony. Pagkatapos ay narinig na niya ang direktor na tinawag sila para magsimula na uling magtrabaho.

"Look, Sheena, much as I want to talk to you, you know I can't. Marami pa akong kailangang gawin. So, if you please..." Binitiwan na niya ang dalaga at tinalikuran.

"You can't do this to me, Anthony!" sigaw ni Sheena.

Oh, please God... Please God...

"Pagsisisihan mo 'tong ginawa mo sa akin, Anthony!"

Hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now