CHAPTER SEVEN

6.2K 133 1
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Jhay-ar nang pumasok ang assistant niyang si Lenard at sabihing tuluyan nang nakaalis si Sam. Pinagulong niya ang wheel chair sa bintana at mula roon ay natatanaw niya si Sam na nakatayo sa labasan ng ospital kung saan hinihintay nito ang sasakyang maghahatid dito.

"It's her, right, Sir?" tanong ni Lenard sa kanya.

"Yes. She's the one I've been looking for. At sa ganitong pagkakataon pa kami magkikita. Pathetic," natatawang sabi niya.

"Hindi n'yo po 'yon kasalanan, Sir."

"Yes, I know."

"Susunduin ko na po ba siya?" tanong ni Lenard.

"No!" mabilis niyang sagot at hinarap ang alalay. "It's not time yet. Hindi siya sasama sa akin nang ganito. I need to get her trust first."

"Yes, Sir."

Pinagulong niya ang wheel chair papunta sa kama. Akmang tutulungan siya ni Lenard nang pigilan niya ito. Nang maiayos niya ang sarili sa bahagyang pagkakahiga ay muli niyang binalingan si Lenard. "Tumawag ka sa HR department. Ipahanap mo ang application ni Sam."

"Yes, Sir."

"And Lenard..."

"Sir?"

Humarap siya rito nang bahagya. "Gusto kong makausap ang HR na dapat ay mag-i-interview kay Sam."

"Yes, Sir." Yumukod si Lenard bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon