CHAPTER TWENTY-ONE

5.7K 108 3
                                    

MAYAMAYA ay bumalik si Anthony na may dalang pagkain para sa kanila ni Sam. Nagulat ang dalaga nang makita siya at tinanong kung bakit pa siya naroon. Pero hindi gaya kanina na apektadong-apektado siya sa tahasang pagtatanong ng dalaga, nakaisip siya ng mautak na sagot.

"Ang dami kasing tao sa pantry. So I thought I could eat my lunch here. Here, have some," aniyang inilapit kay Sam ang isang styro na may lamang pagkain.

"No, thanks. Baka sa 'yo lang kulang pa 'yan," tanggi nito.

"Ano ka ba. 'Wag ka nang mahiya. Ikaw naman. I actually bought this for you."

Napatitig si Samantha sa pagkain at kulang na lang ay maglaway ito. "Talaga bang para sa akin 'yan?" tanong nitong hindi inaalis ang mga mata sa pagkain.

"Oo nga. Kulit."

Pero hindi pa man tapos si Anthony sa sinasabi ay kinuha na ni Samantha ang styro at sinimulang kumain kasabay ng pagsasabi ng "salamat."

Hindi tuloy niya maiwasang lalong ma-amuse sa dalaga. Gutom na pala, hindi pa nagsasabi. Kunsabagay, sa ilang linggong nagtatrabaho si Sam sa kanila, kahit noong nasa Tacloban pa sila, ni hindi niya ito naringgan na nagreklamo. Mukhang sanay sa tiisan at gagawin ang lahat ng ipagawa rito sa abot ng makakaya nito. Which made him admire her more.

Naging masaya ang tanghalian nila at nagkaroon sila ng pagkakataong magkakuwentuhan. Surely, Samantha can make the mood light. Kuwela ito sa lahat ng kuwentuhan at napaka-genuine pa.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now