CHAPTER TWENTY-SIX

5.5K 156 34
                                    


TAPOS na ang Umaga sa Pilipinas nang araw na iyon at tumutulong si Samantha sa ibang staff nang may dumating silang bisita.

"Samantha," tawag sa kanya ni Direk Sharee.

Mula nang mangyari ang sa Tacloban, kahit paano ay nag-iba na ang pakikitungo ni Direk Sharee sa kanya. Hindi na siya nito tinatawag ka "Trainee" at hindi na rin siya sinisigawan. Well, natuto na rin naman siya na hindi makikinig sa anumang sinasabi o inuutos ng ibang kasamahan niya, maliban na lang kung kay Direk mismo iyon manggagaling.

"Yes, Direk?" sagot ni Sam. Pero pagbaling niya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang taong kasama nito. "Kuya Jhay-ar!" At mabilis na nilapitan ang binata.

"Hi," bati naman ni Jhay-ar sa kanya nang makalapit siya.

"'Uy, bakit nandito ka? 'Di ba, hindi ka puwede rito, baka mapagalitan ako."

Tumawa nang mahina si Jhay-ar.

Tumikhim si Direk Sharee kaya napabaling dito ang tingin niya. "Sam, show some respect. This isn't how you're supposed to talk with—"

"It's all right, Sharee," marahang awat ni Jhay-ar na itinaas pa ang isang kamay para pigilan si Direk.

Tumahimik naman si Direk Sharee na nakakapanibago dahil kahit sino ay wala pang nakakagawa n'on sa direktor. Bigla siyang nagtaka. Pagkatapos ay napatingin siya kay Jhay-ar. Meron bang hindi sinasabi si Jhay-ar sa kanya?

Pinaraanan ni Jhay-ar ang harapan nito na parang inuunat ang wala namang gusot na damit. "What do you say if we go out and grab some coffee?" yaya nito sa kanya.

"Sounds good to me kaya lang hindi pa puwede kasi may trabaho pa ako."

"You come with him, Sam. Anyway, tapos naman na ang show at kaya na nilang mag-packup," sabad ni Direk Sharee.

Nagtatakang napatingin si Samantha sa direktor. Pero pormal lang ang mukha nito.

"Good," nakangiti namang sabi ni Jhay-ar. "So, let's go?" yaya nito sa kanya.

Kahit nag-aalinlangan ay napilitan sumama si Sam kay Jhay-ar palabas ng studio. Pero habang naglalakad siya papunta sa labasan ay lumilingon siya sa mga naiwan niya sa prod. Sinusundan siya ng tingin ng mga ito, may pormal na ekspresyon. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang sasama kay Kamatayan at lahat ay alam iyon, maliban sa kanya.

Paglabas ng studio ay nakita niya si Lenard na naghihintay sa kanila sa labas. Iginiya sila ng lalaki sa isang itim na Mercedes Benz na nakaparada sa di-kalayuan. Ipinagbukas siya ni Jhay-ar ng pinto sa backseat at napahinto siya.

"O bakit? Tara na," sabi nito.

Hindi siya umalis mula sa kinatatayuan. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi naman niya intensiyong magtunog nagdududa pero hindi niya alam kung bakit parang may hindi sinasabi sa kanya si Jhay-ar at iyon ang ipinagdududa niya.

Ngumiti nang bahagya si Jhay-ar. "Don't worry. Hindi kita kikidnapin. Magkakape lang tayo sa Starbucks."

"Meron kang hindi sinasabi sa akin, eh. Imposibleng gano'n mo na lang kadaling mapapatahimik si Direk Sharee."

Saglit na sumulyap si Jhay-ar sa likuran niya at alam niyang si Lenard ang sinulyapan nito. "I'll tell you everything at Starbucks. So, will you please, get inside the car?" malumanay na sabi nito.

Hindi na siya sumagot pa at lumulan na lang sa sasakyan. Nakarating sila sa pinakamalapit na Starbucks at nang maka-order na ito ng kape, habang siya naman ay Frappuccino ang in-order ay nagsimula nang magsalita si Jhay-ar.

"Ano??!!!" hindi napigilang bulalas ni Sam. Napatingin pa sa kanya ang ibang mga customer na naroon ay napangiwi siya. Nang tingnan naman niya si Jhay-ar ay matamis lang itong nakangiti sa kanya.

Hindi niya akalaing ang iniligtas niya sa holdaper ay walang iba kundi ang CEO ng RVN 8!!

Anak ito ng may-ari ng network. Bumalik sa kanya ang mga pagkakataong nakakasama niya si Jhay-ar. Maging ang pagkakataong nagpunta ito sa studio kanina. Kaya pala ganoon na lang ang tingin ng mga kasama niya sa kanya. At ganoon na lang din kung pasunurin nito si Direk Sharee. At ganoon din nito siya kadaling napapasok sa network.

OMG! Pagkatapos ay kung ano-ano pa ang mga pinagsasasabi niya sa binata tungkol sa pagsintang-pururot niya kay Anthony.

Waaaaahhhh!!! Nakakahiya!!!!

Natakpan ni Samantha ng dalawang kamay ang mukha dahil sa kahihiyan. Damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

Narinig niya ang marahang tawa ni Jhay-ar.

Sa pagkakataong iyon ay nagawa niyang alisin ang kamay at pinukol ng masamang tingin ang binata. "At nagagawa mo pang tumawa riyan. Natutuwa ka sigurong niloloko mo ako, 'no!" pagtataray niya. Pero hindi naman makuhang magalit dito.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Jhay-ar. "Sorry na. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasabihin sa 'yo. Baka kasi mag-iba 'yong turing mo sa akin kapag nalaman mo kung sino ako. Naaalala ko kasi 'yong pagkailang mo nang makita mo ako sa St. Luke's before."

Napabuntong-hininga si Samantha. May punto naman ito. Sigurado siyang iiwasan talaga niya si Jhay-ar dahil mai-intimidate lang siya rito. Pero huli na ang lahat para doon. Dahil magaan na ang loob niya kay Jhay-ar at gusto niya ito. "Sige na, sige na. Ayos lang."

Sa pagkakataong iyon, nawala ang pag-aalala sa mukha ng binata at tila nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay ngumiti. "Salamat. Akala ko magagalit ka, eh."

Ngumiti siya. "Hindi, 'no. Pero 'wag mo nang uulitin 'yon. O, baka may hindi ka pa rin sinasabi sa akin, sabihin mo na ngayon," sabi niya.

Tumitig si Jhay-ar sa kanya, sumeryoso ang mukha na tila may iniisip. Pero hindi niya mawari kung ano iyon. Pagkatapos ay umiling ito. "Wala. Nasabi ko na ang lahat ng kailangan mong malaman."

Tumango siya. "Ah, mabuti naman." Saglit pa silang nagkakuwentuhan at tinanong pa ni Jhay-ar ang tungkol sa trabaho niya, ang trato sa kanya ng mga kasama niya. Sinabi nitong kung nahihirapan siya ay maaari siya nitong ilipat sa ibang department kung saan hindi niya kailangang gumising nang maaga o umuwi nang gabi. Pero sinabi niyang iyon ang gusto niyang buhay at masaya siya dahil nakakasama niya si Anthony. At ayaw rin niyang isipin ng mga taga-RVN 8 na binibigyan siya ng CEO ng special treatment. Ipinagpasalamat din niya sa binata ang lahat ng naitulong nito sa kanya.

Nagpatuloy pa ang pagkukuwentuhan nila hanggang sa dumating si Lenard mula sa isa pang sasakyan at sinabing may kailangang puntahan si Jhay-ar.

Sinabi ni Jhay-ar na ihahatid lang daw muna siya nito. Tumayo na sila at nagtaka siya nang pag-alis nila sa mesa ay kinuha pa ni Lenard ang pinag-inuman nila. Siguro ay itatapon iyon ng lalaki. Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod na kay Jhay-ar.



A/N:

Sinong curious sa katauhan ni Jhay-ar? Taas kamay!! :) 


*** Please feel free to leave a comment.. :) :)

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now