CHAPTER SIXTEEN

6K 119 2
                                    

"HERE, have some coffee," sabi ni Anthony na inabutan siya ng tasa ng kape.

Nag-angat ng tingin si Samantha sa binata at ngumiti nang matipid. "Ako po dapat ang gumagawa nito sa inyo."

"You're welcome," sabi nito. At umupo sa tabi niya.

Naroon siya ngayon malapit sa pinto ng barracks at nakabalot ng kumot. Nakapagpalit na siya ng tuyong damit pero dahil nababad siya sa tubig baha ay nilalamig pa rin siya. Ang bata namang iniligtas niya—na hanggang ngayon ay wala pa ring malay—ay inaalagaan na ng researcher nilang si Miss Dina. Ginamot din nito ang paa ni Dave na nagkaroon ng kaunting galos dahil sa pagkakaipit sa drainage.

"How are you feeling?" tanong ni Anthony sa kanya.

"M-medyo ayos na po. Salamat," sabi niya saka sumimsim ng kape.

Ah, si Anthony ba ang nagtimpla ng kape? Nakasuwerte naman niya. Kung pwede lang ay magpapalunod na lang siya lagi para lang maipagtimpla siya ng kape ni Anthony.

"You shouldn't have done that. Hindi ka naman pala marunong lumangoy, basta ka na lang susuong doon," panenermon ni Anthony sa kanya.

Napayuko si Samantha. "Sorry," mahinang sabi niya. Mukhang kahit saan siya mapunta ay perhuwisyo talaga siya. Mukhang tama si Direk Sharee, salot nga yata siya.

"You've made us all worried, you know. Lalo na ako."

Napaangat siya ng tingin kay Anthony. "T-talaga? Nag-alala ka sa akin?" Kinilig siya sa ideyang nag-alala si Anthony para sa kanya.

"But of course. Ayokong merong mapapahamak sa team ko."

Hmp! Hindi naman pala dahil sa akin, kundi dahil sa miyembro lang ako ng team niya.

"But you know, I admire you. Not everyone will do the same thing that you did."

Ngumisi siya. "It's an occupational hazard."

Ngumiti ito nang matipid. "And I never thought you have that as well."

Yumuko siya at napatingin sa pito na nakasukbit sa leeg niya. Nang mag-angat siya ng tingin kay Anthony at nakatingin din ito sa pito niya.

Hinawakan niya iyon. "Naaalala ko no'ng sinabi mo na kailangan ng pito in case of emergency para makakuha ng atensiyon."

Ngumiti nang may pagmamalaki si Anthony. "So, you've taken notes of my emergency reminders."

"Siyempre naman, lodi kita, eh."

"Good. Pero 'wag mo na uling gagawin 'yon. Ang susuong sa ganoong peligro nang hindi muna nag-iisip. You're just lucky na nandito kami at may nakarinig ng pito mo. Malay mo, in other instances, walang ibang tao sa paligid and you might lose your life with your impulsiveness."

"Hindi naman ako mamamatay agad," sabi niya kahit naisip na niya iyon. Pagkatapos ay sinalubong niya ang nagtatakang tingin ni Anthony at ngumisi. "Kasi, mamahalin mo pa ako!"

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito at nang makahuma ay tumawa nang mahina. "Maybe the flood came into your head. Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas." Tumayo na ito.

"Uhm... Sir Anthony."

Bumaling ito sa kanya. "Hmm?"

"Salamat sa pagliligtas n'yo sa akin kanina. Maraming salamat talaga."

Ngumiti ito nang matipid. "I thought you want to get used to calling me 'Anthony'?" makahulugang sabi nito at tumalikod na.

Naiwan siya roong tulala at nagtataka. Ano raw?

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now