CHAPTER THIRTY-SEVEN

6.5K 119 1
                                    

HALOS hindi maalisan ni Anthony ng tingin si Samantha habang nag-eere sila ng morning show. Hindi pa rin siya makapaniwala na bumalik na nga ang dalaga—at hinalikan pa siya nito! Mula nang iligtas nila ito ni Jhay-ar ay hindi na niya ito muling nakita pa.

At naaalala pa niya ang nangyari noon habang nagmamaneho si Jhay-ar.

"I want you to stay away from her," sabi ni Jhay-ar habang nakatutok ang mga mata sa pagmamaneho.

"You what?" di-makapaniwalang tanong niya.

Alam ba ni Mr. Nava kung ano ang sinasabi nito?

"Sam is my long-lost sister. Nobody knows about it at matagal kong hinanap ang kapatid ko. Ako ang nagpasok sa kanya sa Umaga sa Pilipinas, not because she saved my life, but because I want to give her want she really deserves. To get everything she wanted. Gusto niyang makatrabaho ka. Gusto niyang magkalapit kayo. Gusto niyang mapansin mo siya. I gave her that. But look where it took her? Nasa panganib ngayon ang buhay ng kapatid ko dahil sa 'yo. At it's partially my fault."

"Walang may kagustuhan ng nangyayaring ito. Hindi ko kagustuhan 'to."

"Alam ko 'yon. Pero paano kung mas malala rito ang mangyari? Nang dahil sa 'yo? Na hindi mo rin naman kagustuhan? Yes, you want to protect her. Pero hanggang saan mo siya kayang protektahan? She's still young at marami pa siyang magagawa sa buhay niya. Kailangan pa niyang makilala ang tunay niyang pamilya. And with you on the way, hindi mangyayari 'yon. Dahil ikaw ang mundo ng kapatid ko!"

Saglit na sumulyap si Mr. Nava sa kanya at bumusina nang malakas sa sasakyang nasa harap nila. Tila doon nito ibinubuhos ang inis sa kanya. Nag-overtake ito at dahil sa biglaang pag-swerve ay bahagya siyang nawala sa pagkakaupo. Kailangan pa niyang kumapit sa hand rail para masuportahan ang sarili. Noon lang niya napagtanto na napakabilis pala ng takbo nila at nagagawa pa nilang makapag-usap.

"Mahal ko si Sam at handa akong gawin ang lahat para sa kanya. I can even give my life for her," determinadong sabi ni Anthony.

"Pero naunahan ka na niya, Anthony. Handa rin siyang ibigay ang buhay niya para sa 'yo at hindi ko 'yon gusto."

Noon napagtanto ni Anthony na tama nga si Jhay-ar. Kanina nang kausap niya sa telepono si Sam, imbes na humingi ito ng tulong na iligtas ito, sinabi pa nitong huwag siyang pupunta roon dahil mapapahamak siya. Kahit na si Sam na ang nakidnap at maaaring anumang sandali ay patayin ng mga tauhan ni Anna, mas inalala pa rin nito ang kalagayan niya. And what did he do in return? Nadamay si Sam sa magulong buhay na meron siya. Dahil lang sa kanyang nakaraan.

Nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Anthony nang biglang pumreno si Jhay-ar. Muntik pa siyang masubsob sa dashboard. Naroon na sila sa location. Hindi agad bumaba ng sasakyan si Jhay-ar at bumaling ito sa kanya.

"Once we've rescued Sam, please, stay away from her. 'Wag ka nang magpapakita sa kanya. I can offer you every program on every timeslot. I can raise your talent fee. But please, forget your love for her. I want her to be safe and she's more important to me than anything else in this world." Pagkatapos ay lumabas na ito ng sasakyan at nakipag-usap sa mga pulis na dumating din doon kasunod nila.

"How could I do that when like you, she's more important to me than any program on every timeslot... or my talent fee. She's my life," mahinang sabi niya.

Pero tinupad ni Anthony ang pangako niya kay Jhay-ar. Nang matapos ang sitwaysong iyon ay kumalat nga ang balitang patay na si Sheena. Nasa mental institution na rin si Anna at bumalik sa normal ang kanyang buhay—pero hindi na gaya ng dati.

Pagkatapos kasi ng insidenteng iyon, pagkatapos ng sex video ay kumalat naman ang balitaang nagpakamatay si Sheena dahil natuklasan nitong bakla siya. Marami ang nangutya kay Anthony, pero tiniis niya iyon. Hindi siya magpapaapekto alinman sa mga iyon. Isa pa, wala na rin naman siyang pakialam. Pakiramdam kasi niya ay humihinga lang siya pero hindi talaga siya nabubuhay. Marami siyang iniligtas na buhay sa loob ng limang taong nakalipas. Pero ang sarili niyang buhay ay tila nasasadlak na.

Napahimas si Anthony sa tagiliran niya. Naghilom na ang sugat doon na dulot ng pagkakabaril sa kanya ni Anna. Kinompronta niya ito at sinabing pakawalan na si Sam at huwag idamay sa galit nito sa kanya sa pagpapakamatay ng kapatid nito.

Pero sa halip na makinig ay nagwala lang si Anna at nabaril siya. Agad siyang isinugod sa ospital at hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makita si Sam.

Sa ikatlong araw niya sa ospital ay dinalaw siya ni Jhay-ar. Humingi ito ng tawad sa mga nasabi sa kanya at hiniling sa kanya na bigyan ng oras si Sam para makasama nito ang ama.

Sinabi ni Anthony na nagawa na niya ang dapat niyang gawin para kay Sam. Naisip niyang hindi nga siya ang karapat-dapat para sa dalaga.

Pero sa mga lumipas na taon, si Sam pa rin naman ang nasa isip niya at ni minsan ay hindi niya naisip na tumingin sa ibang babae.

At ngayong muli niyang nakita si Sam, ngayon lang naisip ni Anthony kung paano niya natagalan ang limang taong wala ang dalaga. Kailangang bumalik sa kanya ni Sam. Dahil kung mawawala itong muli, baka sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga niya kakayaning mabuhay.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now