CHAPTER THIRTY-TWO

5.7K 109 0
                                    

KANINA pa hindi mapakali si Anthony. Nang yayain niya kahapon si Samantha sa bahay niya, gusto niyang sabihin ang lahat sa dalaga, ang tungkol sa banta ni Sheena sa kanya. Kahit na kasi isang linggo na ang nakalilipas mula nang mag-usap sila ni Sheena at hindi pa rin gumagawa ng kahit anong hakbang ang dalaga ay hindi pa rin siya makampante. At alam niyang nag-aalala na si Samantha sa mga ikinikilos niya.

Mas mapoprotektahan niya si Samantha kung mapapayag niya itong tumira sa bahay niya para mas mabantayan ito. Kaya balak niyang sabihin sa dalaga ang lahat kaya lang ay hindi naman nagpunta si Sam sa bahay niya. Sinabi nitong may gagawin ito nang araw na iyon. Nagawa pa nga siyang tawagan kanina para kumpirmahin kung nasa bahay siya. She sounded excited. Hindi niya alam kung bakit. At hindi niya alam kung anong kutob ang biglang sumalakay sa kanya kaya maaga siyang umalis ng bahay para puntahan si Sam sa bahay nito.

Habang nagmamaneho ay panay ang tawag niya sa cell phone ni Samantha pero hindi nito sinasagot. Naiipit pa siya sa traffic kaya halos wala na siyang magawa kundi mainis. Hindi niya alam kung bakit parang aburido siya nang araw na iyon at matatahimik lang siya kapag nakita niyang ligtas na ang dalaga.

Nang makarating si Anthony sa bahay ni Sam ay nagtaka siyang parang tahimik doon.

"Sam? Sam?" tawag niya pero walang tumugon sa kanya.

"'Uy, hindi ba si Anthony de Dios iyon?"

"Oo nga, ano'ng ginagawa niya sa bahay ni Sam?"

Naririnig niya ang bulong-bulungan sa paligid pero wala siyang pakialam.

Kinalampag niya ang pinto at bintana ng bahay ni Sam at lalong lumalakas ang kaba niya nang ma-realize na wala talagang tao sa bahay ni Sam.

Lumingon siya sa labas at may nakita siyang lalaking dumaan. "Ah, excuse me..." Tumingin naman ang lalaki sa kanya. "Bro, alam mo ba kung saan nagpunta si Sam?"

Tumigas at dumilim ang anyo ng lalaki habang nakatingin sa kanya. At noon niya napagtanto kung sino ito.

"Levi."

Parang hindi na nagulat ang lalaki na kilala niya ito. Maangas siya nitong hinagod ng tingin. "Bakit hindi mo alam kung nasaan siya? Maaga siyang umalis kanina. Pupunta raw sa bahay mo. Hindi ba kayo nagkita?"

"Ano?! Maaga akong umalis sa bahay at naabutan ako ng traffic. Kung pumunta siya roon, hindi niya ako maaabutan."

At doon na talaga kinutuban si Anthony. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Samantha. Pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Nanatiling nakatayo sa harap niya si Levi.

"She's not answering her phone," baling niya sa lalaki.

Bumakas na rin ang pag-aalala ni Levi. Mayamaya ay may humintong itim na Mercedes Benz sa likuran ng kanyang sasakyan. Bumaba roon ang isang lalaking nakauniporme ng driver. Pagkatapos ay binuksan ang pinto sa backseat at lumabas ang isang lalaki.

Nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya alam kung bakit sa pagkakataong iyon ay may kung anong tila galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Sam's not here if you're looking for her," wika ni Anthony kay Mr. Nava.

"Why? Where's she?"

"Hindi ko rin po alam, Sir. I was trying to reach her but she's not answering her phone." Gusto sana niyang itanong kay Mr. Nava kung ano ang ginagawa ng isang gaya nito sa bahay ni Sam. Alam na niya kung bakit nagkakilala ang dalawa. Pero ang isang taong gaya ni Mr. Nava, nakapagtatakang labis nitong pinaglalaanan ng atensiyon si Sam—kahit na sabihin pang si Sam ang nagligtas ng buhay nito.

Mayamaya ay tumunog ang cell phone niya at pareho silang napatingin doon. Sinagot niya iyon.

"Anna, napatawag ka?" pagsagot niya sa tawag ng assistant director nila.

"I've heard nawawala raw si Sam," wika nito sa kabilang linya.

"Yes. She went into my house pero mukhang nagkasalisi kami dahil nandito ako sa bahay niya and she's not here. I kept calling her but—"

Natigilan si Anthony nang may mapagtanto. Wala pa namang nakakaalam na nawawala si Sam pero paanong nakarating iyon kay Anna?

"You know where she is." Hindi iyon isang tanong kundi pang-aakusa.

Sa pagkagulat niya ay tumawa si Anna at kakaiba ang tunog n'on.

"Nasaan si Sam?!" Sa pagkakataong iyon ay lumakas na ang boses ni Anthony at nakita niya sa sulok ng mga mata na gumalaw si Mr. Nava palapit sa kanya. Sumenyas itong pumasok sila sa sasakyan nito dahil unti-unti na ring nagkakaroon ng tao sa paligid. Sumakay sila sa backseat at ini-loudspeaker ang cell phone para marinig din nito ang sasabihin ni Anna.

"What do you want? Gagawin ko kung ano'ng gusto mo. Just tell me she's safe," mayamaya ay sabi ni Anthony.

"Why do you care so much about this girl? I don't see anything precious about her. You left Sheena for this girl." Sa pagkakataong iyon ay naging matalim ang tinig ni Anna at mahihimigan ng galit.

"Mahal ko si Sam at wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sheena and she knows it. Besides, why are you so concerned about Sheena? Ano ba'ng relasyon n'yo sa isa't isa?"

May naririnig siyang kung anong ingay mula sa background at masyado iyong mahina para maunawaan niya kung ano ang ingay na iyon.

"Do you really wanna know?" tila naghahamong sabi ni Anna. "Then you should come here as fast as you could. Oh, and by the way, Sam's besides me. Baka may gusto kang sabihin sa kanya."

"Sam!!"

"Anthony! Anthony!" hinihingal na sabi ni Sam.

Nakita niyang tila nais magsalita ni Mr. Nava pero mukhang mas pinili nitong manahimik na lang.

"Sam! Are you all right? Sinaktan ka ba nila?"

"Anthony!!! 'Wag kang pupunta rito. Papatayin ka nila. Hindi mo sila kaya—" Pero nawala na sa kabilang linya si Sam at si Anna na ang muli ang nagsalita.

"If you want to see her alive, come here as fast as you could." Pagkatapos ay naputol na ang linya. Kasunod n'on ay naka-receive siya ng text message at isang address ang laman n'on.

Bababa na siya ng sasakyan nang pigilan siya ni Mr. Nava. Napatingin siya sa lalaki.

"We have to talk," malumanay na sabi nito pero sa ilalim niyon ay tila isa iyong utos na hindi maaaring hindi sundin.

"But I have to find Sam—"

"We'll find here. Gagamitin natin ang sasakyan ko."

"Sir, with all due respect, personal na buhay na namin 'to ni Sam. I don't think the CEO of RVN 8 has anything to do with this. Kung anuman po ang mangyari sa amin, sisiguruhin ko sa inyo na hindi madadamay ang pinakamamahal n'yong kumpanya. So if you won't mind, Sir, I have a girl to rescue pa." Pagkatapos ay bumaba siya ng sasakyan.

Bumaba rin si Mr. Nava. "The company's the last thing of my concerns. Sam's more important to me than RVN 8."

Mula sa paglalakad patungo sa sasakyan ay huminto siya at binalikan ang lalaki. "Why, Sir? Why do you care so much about her? This isn't about her saving your life, right?"

Tumiim ang titig ni Mr. Nava sa kanya. "Get it the car," sabi nito saka binuksan ang pinto ng driver's seat. Nang hindi siya kumilos ay tumingin ito sa kanya. "I'll tell you everything on our way there."

At noon siya sumakay sa passenger seat.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now