CHAPTER NINETEEN

5.9K 130 3
                                    

"AND WITH that startled look you have, you looked guilty," akusa ni Anthony na may matipid na ngiti sa mga labi. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya.

Iiihhh!!!! Ang guwapo talaga niya!!!

Pero pinigilan ni Samantha na magpakita ng kilig. Masama pa rin ang loob niya sa binata dahil sa pang-i-snob nito sa kanya.

Umismid siya at ibinalik ang tingin sa notebook na nasa harap. "Guilty ka riyan. Nanggulat ka kaya. Kaya I look startled."

Sa pagkagulat niya ay tumawa nang mahina si Anthony.

Marahas siyang napatingin sa binata. Ano'ng nangyayari sa isang 'to? Kanina lang, halos parang hindi ako nag-e-exist. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin. 'Tapos ngayon, kung makatawa akala mo balak akong akitin.

"Why are you still here? Kanina pa tapos 'yong Umaga sa Pilipinas, 'di ba? Meron ka pa bang ibang show na ipi-PA?" tanong ni Anthony.

Tinapik niya ng ball pen ang notebook. "Ginagawa ko kasi 'to."

Parang naging interesado si Anthony na umayos ng tayo at bahagyang dumukwang sa kanya. "And that is...?"

"Daily journal ko, about the every day news and my opinion on them. Araw-araw ko kasi 'tong sinusulatan. Pero mula nang magpunta tayo sa Tacloban, hindi ko na 'to nasulatan. Hindi ko dinala kasi baka mawala."

Tumango-tango si Anthony pagkatapos ay umupo sa tabi niya. "Can I see it?" tanong nitong inilahad ang kamay sa kanya.

Bahagya niyang inilayo ang notebook. "Bakit mo naman 'to titingnan? Journal nga 'to, 'di ba? Ibig sabihin parang diary. Secret."

"Yes I know. But I wanna know what you have written in there. Baka makatulong ako sa ibang bagay na hindi mo pa naisusulat diyan."

Lumabi siya. "Puwede mo 'tong basahin, pero 'wag mong pagtatawanan, ha?"

Nakangiting tumango ito. Kahit nagdadalawang-isip pa ay iniabot niya kay Anthony ang notebook at binasa nito iyon.

Dahil doon, nagkaroon si Samantha ng pagkakataon na matitigan nang malapitan si Anthony. Nakasalamin pa rin ito at may tumutubo nang stubble sa baba at ibabang bahagi ng pisngi. Pero napakaguwapo pa rin. At napakakinis ng mukha. Para ngang gusto niyang padaanin ang kamay sa mukha nito. Alam niyang mag-aagawan ang gaspang ng stubble nito at ang kinis ng kutis sa kanyang palad. At habang labis na nakatuon ang atensiyon ni Anthony sa notebook, parang napaka-intelligent nitong tingnan. Parang lahat ng bagay na nakikita ay nabibigyan nito ng lalim. At napakalalim at lawak din nitong mag-isip.

Napabuntong-hininga si Samantha. Kung puwede lang, ayos lang titigan niyang buong maghapon at magdamag si Anthony nang walang tulugan.

Noon naman tumingin si Anthony sa kanya kaya nagising siya sa pangangarap. "You really wrote this?" parang di-makapaniwalang tanong nito.

Kinuha ni Samantha ang notebook at inilagay sa bag. "Oo, alam ko hindi maganda 'yong pagkakasulat. Pero beginner pa lang ako, siyempre nagpa-practice pa lang."

"No, it's not it. Para ngang professional na ang pagkakasulat mo niyan. I felt like I was reading a news article on a spreadsheet. Why don't you try working with Manila Bulletin or Daily Inquirer?"

Naniningkit ang mga mata niya nang tingnan si Anthony. "Seryoso ka? Broadcasting ang natapos ko, hindi Journalism."

"Even so. You have the talent in creative writing. You can use your knowledge and ability in critical thinking and analytical reasoning. Say for example, your opinion about pork barrel—"

"Eh, teka. Ayoko nga kasi do'n. Kung balak kong maging isang news writer, eh, di sana do'n nga ako nag-apply. Pero dito ko gusto."

"Dito?"

"Dito. Sa tabi mo. Kaya ako nag-Broadcasting para maging kagaya mo. Para sa susunod, ako na ang tatawagin mong 'partner.' Tayong dalawa ang magiging news anchor ng news program. Gusto kitang makatrabaho, Anthony. Kaya nga ako nagsusumikap ng ganito, eh. Gusto kong makasama ka. At kahit hindi mo sineseryoso 'yong sinabi ko sa 'yo na magiging girlfriend mo ako at ako na ang huli, na sisikapin kong paglapitin ang estado nating dalawa, gagawin ko pa rin 'yon. Patutunayan ko sa 'yong ako ang tipo ng taong dapat sineseryoso! Saka hindi mo naman ako kailangang ipagtabuyan." Pagkatapos ay padaskol na siyang tumayo.

Naiinis na siya kay Anthony. Dalawang araw na siya nitong hindi pinapansin, 'tapos, kung kailang kinausap siya nito, sasabihin lang nito na mag-apply siya sa iba? Lahat ba talaga ng tao ay isinusuka siya? Na pati si Anthony ay uudyukan siyang mag-apply sa iba para lang mawala siya sa landas nito? Bakit? Kailan ba niya ito kinulit? Ni hindi nga niya nilapitan noong alam niyang iniiwasan siya nito. Nirerespeto niya ang desisyon ni Anthony. At ayaw niyang magmadali. Basta gagawin muna niya ang lahat ng kaya niya para matupad ang ipinangako niya. 'Tapos...

Napuno ng luha ang mga mata ni Samantha. Napasinghot siya at yumuko. Naglakad na siya papunta sa pinto pero pinigilan siya ni Anthony sa braso.

"Wait! Sorry if I express myself wrongly. It's not what I meant. Hindi kita ipinagtatabuyan."

Napatingin siya sa binata. "Hindi?"

Umiling ito. "No. Kaya please, sit down. 'Wag kang umalis. I don't want you to misunderstand me," pakiusap ni Anthony.

Umupo naman siya. At nang bitiwan ni Anthony ang braso niya, noon lang niya napansin na kahit nang makaupo pala siya ay nanatiling hawak ni Anthony ang braso niya.

"Naisip ko lang na masasayang ang talent mo sa pagsusulat kung mananatili ka lang PA. Pero hindi ibig sabihin n'on, ipinagtatabuyan kita. I'm just giving you advice on what to do if you really want to pursue your career. You have a bigger chance of being discovered and having your own program than competing here as PA."

Nagdududang tiningnan niya si Anthony.

"What?" inosenteng tanong nito.

"Ibig bang sabihin niyan, sineryoso mo talaga 'yong sinabi ko sa 'yo na sisikapin kong pantayan ka o higitan pa para bumagay ka sa akin? Kasi balak mo pa akong tulungan na gumawa ng stepping stone ko, eh." Parang gusto niyang kiligin sa naisip.

"Uhm... I think I should stick to the 'pinagbubuyan' part na lang," nakangising sabi ni Anthony.

Tiningnan niya ito nang masama at sinimangutan.

And with that, ang lakas ng naging tawa ni Anthony.

"'Kala mo riyan, sige 'wag mo akong seryosuhin, makikita mo," banta niya.

"What? Wala naman akong sinasabing kahit ano, ah. 'Wag ka nang magtampo. Ikaw naman." Pagkatapos ay marahan siya nitong tinapik sa balikat.

Ow! Close? May patapik-tapik na rin siya ngayon.

"Anyway, ikaw, bakit ka nga pala nandito pa? Hindi ba mamayang gabi pa 'yong susunod na news-oriented program mo?" tanong ni Samantha.




N/A

Pasensya na po kung ngayon na lang ako nakapag-update ulit. Medyo busy po kasi at isinisingit lang ito. 

Anyway, maraming salamat po sa pagtangkilik n'yo sa mga gawa. To demand an update on this novel means you really enjoyed reading this. Sisikapin ko pong matapos ito ASAP. Maraming, maraming, maraming salamat po. 

PS. Please, don't hesitate to leave a comment. Thank you. :) 

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon