CHAPTER THIRTY-THREE

5.8K 100 0
                                    

"BAKIT n'yo ginagawa 'to, Miss Anna? Ano po ba'ng nagawa kong mali sa inyo? Akala ko po mabait kayo. 'Di ba, kayo pa nga po 'yong nagtatanggol sa akin kay Direk Sharee dati? Kayo rin po ang naging mentor ko, kaya bakit?" sunod-sunod na tanong ni Samantha sa boss ng mga kumidnap sa kanya. Kahit na nakatutok sa kanya ang baril na hawak ni Miss Anna, kahit paano ay hindi lubusan ang takot niya. Alam niyang mabait si Miss Anna at may dahilan lang ito kaya nito ginagawa iyon.

"Hoy, babae, masyado kang maingay. Tumahimik ka riyan!" sita ni Gido sa kanya.

"Hayaan mo na siya. Get out of here. I want to talk to her privately," utos ni Miss Anna sa mga lalaki na kahit tila ayaw ay napilitang sumunod. Mayamaya ay lumuhod sa harap niya si Miss Anna. "Alam mo kung bakit?" mahinang sabi nito. "Dahil pinatay ni Anthony ang kapatid ko!!!!" sigaw nito.

"Pinatay niya? Sinong kapatid?"

"Si Sheena Estrella, ang half-sister ko!"

Namilog ang mga mata ni Samantha. "K-kapatid mo si Sheena?"

"Nagulat ka? Anak ako sa pagkadalaga ng mama ko at nang mag-asawa uli siya, naging anak naman niya si Sheena. I've always wanted to have a sister and when she came into our lives, I felt like she was really a gift from God. At sa totoo lang, gusto kita dahil nakikita ko ang sarili ko sa 'yo. You've been so tough in spite of the obstacles you face. At ginagawa mo ang lahat para matupad mo ang pangarap mo. Ang naging isang pagkakamali mo lang, you fell in love with the wrong guy."

"Bakit naging mali ang mahalin si Anthony? Kahit kailan, hindi nagiging mali ang pagmamahal!"

Umiling si Miss Anna. "Paminsan-minsan, nagiging mali 'yon. Mali na minahal ni Sheena ang isang lalaking katulad ni Anthony! Iniwan niya ang kapatid ko. At walang siyang pakialam kahit na ano ang mangyari kay Sheena." Nakita niyang may namuong luha sa mga mata nito pero pinigilan iyon ni Miss Anna. "Nagpakamatay ang kapatid kong si Sheena dahil kay Anthony! She even left a suicidal note."

"Nagpakamatay si Sheena?"

"Kabisado ko pa ang bawat salitang iniwan ni Sheena. 'Anthony, walang kuwenta ang buhay ko kung wala ka. I don't need it coz you're not in it. There's no sense in living when all I do is breathing... and realizing you're gone. I love you, good-bye,'" sabi ni Miss Anna. Tumingin ito sa kawalan na tila may binabalik-tanaw. "She'd been lurking in her own room since the day she talked to Anthony. When I came to visit her, naabutan kong nag-eempake ang mga kasambahay. Sinisante raw sila ni Sheena. I knew something was wrong dahil hindi kaya ni Sheena na gumawa ng mga bagay nang mag-isa. But when I tried to talk to her, she didn't want to open the door. Ayaw niyang makita ang kahit sino... not even me. Hinayaan ko siya pero kinabukasan, bumalik uli ako. She's not answering so I forced open the door. And then I found her... lying in her bathroom... lifeless." Tumingin ito sa kanya. "She overdosed herself. Nakita ko ang tatlong bote ng iba't ibang klase ng gamot. I even had it examine at lahat ng gamot na iyon ay magkakakontra sa isa't isa. I found her letter in her hand, grasping it like she was getting strength from it. Lukot-lukot na ang papel na iyon at parang doon na inilagay ni Sheena ang lahat ng resolution and convictions niya.

"I was so broken. So devastated. And with that, all I could think about is revenge!"

Bigla na namang sinalakay ng takot si Sam. Parang hindi na ang mabait na si Miss Anna ang kausap niya ngayon.

"After I had her cremated and kept her passing a secret, I tried to think of anything that could hurt Anthony. And then... you came into the picture. Hindi ko alam kung paanong nagsimulang maging malapit kayo sa isa't isa but I know you're my best weapon against him. Ipaparanas ko sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal!!!"

Muling itinutok ni Miss Anna ang baril sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito at tumatawa nang malakas. Parang nawawala na sa sarili si Miss Anna.

"No!!" hiyaw ni Samantha.

"Boss!" biglang pasok ng isang lalaki.

Pareho silang bumaling doon ni Miss Anna.

"Dumating na 'yong bisita n'yo."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Miss Anna. "It seems like your knight in shining armor is here." Ibinaba ni Miss Anna ang baril at naglakad papunta sa pinto.

"Miss Anna, 'wag mong gawin 'to. Hindi matutuwa si Sheena na sinisira mo ang sarili mo dahil sa pagkawala niya."

Huminto si Miss Anna sa paglalakad at bumaling sa kanya. "Hindi na malalaman pa ni Sheena ang ginagawa kong 'to." Pagkatapos ay bumaling ito sa lalaki. "Piringan mo siya. At 'wag mong hahayaang makalapit ang kahit sino sa kanya. Bantayan mo siyang maigi."

"Oo, Boss!" sabi ng lalaki at nawala na si Miss Anna. Piniringan naman ng lalaki ang mga mata niya.

Lumalakas ang kabog ng dibdib ni Samantha dahil naging napakatahimik ng paligid. Natatakot siya para kay Anthony. Kung pumunta roon nang mag-isa ang binata, sigurado siyang wala itong laban sa mga tauhan ni Miss Anna, lalo na kay Miss Anna na may hawak pang baril. Baka pareho lang silang paglamayan doon. Hindi rin niya maaatim ng konsiyensiya kung may nangyaring masama kay Anthony.

Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal dahil isa iyon sa mga bagay na iniregalo ng Diyos sa sangkatauhan—ang kakayahan nating magmahal.

At alam niyang dahil lang din sa pagmamahal kaya nagagawa iyon ni Miss Anna.

Lord, tulungan N'yo po sila.

Napaigtad si Samantha nang makarinig ng malakas na kalabog, na tila sapilitang binuksan ang pinto. Napabaling siya sa pinto kahit na may piring ang kanyang mga mata.

"Diyan ka lang. Titingnan ko lang kung ano 'yon," sabi ng lalaki na para bang magagawa niyang umalis doon gayong nakaupo siya sa sahig at nakatali ang dalawang paa niya at nakatali ang dalawang kamay niya sa dos por dos na poste.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pagkatapos ay nakarinig siya ng tunog ng mga kandado.

Labis na takot ang nararamdaman ni Sam. Paulit-ulit siyang nagdasal na sana ay maging ligtas si Anthony.

Napaigtad si Samantha nang makarinig ng sigawan at sunod-sunod na putukan. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nanginginig na rin siya sa takot.

Diyos ko, Diyos ko, Diyos ko... parang awa N'yo na, iligtas N'yo po si Anthony. Wala pong mangyaring masama sa kanya, please.

Napahagulhol na siya at habol niya ang hininga.

"Parang awa n'yo na, tulong!!!! Tulungan n'yo ako, utang-na-loob!!!" sigaw niya sa abot ng makakaya.

Pagkatapos ay naging tahimik ang lahat.

Natahimik din si Samantha at ang naririnig lang niya ay ang marahas niyang paghinga.

Pagkatapos ay narinig niyang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya roon.

"Anthony? Ikaw ba 'yan?"

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now