CHAPTER TWENTY-SEVEN

5.3K 86 0
                                    

TULALA pa rin si Anthony habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Samantha at ni Mr. Nava na para bang nakikita pa niya ang dalawa roon.

"Hmm...mukhang may kaagaw ka sa puso ni Kitty, ha? At isang pating ang kalaban mo," narinig niyang komento ni Jamie.

Napatingin siya sa babae. Hanggang maaari ay ayaw niyang paapekto sa nakita niya kani-kanina lang na closeness ng dalawa—kahit na sa kaloob-looban niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng selos."

"I don't see him as my competitor, nor a threat," sagot niya.

Nagkibit-balikat lang si Jamie at sumimsim ng kape.

Babawiin na sana niya ang tingin sa pinto nang isang pigura naman ang pumasok mula roon at inilibot ang tingin sa paligid. Nang makita siya ay ngumiti ito nang matamis at maarteng naglakad palapit sa kanya.

Hindi siya kumilos mula sa kinauupuan at hindi rin inalis ang mga mata sa kahuli-hulihang taong nais niyang makita.

"Hi, babe," maarteng bati ni Sheena.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now