CHAPTER TWENTY-FOUR

6.1K 144 8
                                    


"I MADE hot tea for us. I hope you're drinking this," wika ni Anthony nang maabutan ni Samantha ang binata sa kitchen counter na nagsasalin ng mainit na green tea sa dalawang tasa.

"Salamat," sabi ni Samantha. Kalalabas lang niya noon ng banyo at pinatutuyo ng tuwalya ang buhok. Bagong ligo na rin si Anthony at mukhang naligo rin ito sa banyo sa kuwarto nito habang naliligo siya.

Lumapit si Anthony sa kanya at nalanghap niya ang pinaghalong cologne at sabong pampaligo mula sa binata.

Ah, ang bango. Puwede kaya kitang singhutin?

Iniabot ni Anthony sa kanya ang isang tasa ng tsaa. Pagkatapos ay niyaya siya sa sala.

Hindi napagbigyan ng langit ang hiling ni Samantha na manatili sila ni Anthony na magkahalikan habang-buhay. Dahil mayamaya lang ay tumigil din si Anthony sa paghalik sa kanya at ibinaba na siya sa lupa. Pagkatapos ay nagyaya nang umuwi. Ang akala niya ay ihahatid siya nito sa sakayan pero nagulat siya nang dalhin siya ni Anthony sa bahay nito. Sinabi nitong kailangan niyang magpalit ng damit dahil baka sipunin siya. Nang makarating sila sa bahay nito ay agad nitong inihanda ang pampaligo niya at ipinaghanda rin siya ng bihisan.

Pinahiram siya ni Anthony ng T-shirt at shorts nito na sa tingin daw nito ay medyo kakasya sa kanya. At kahit naman hindi iyon kasya, kay Anthony de Dios iyon! Kahit ano'ng mangyari isusuot niya iyon.

"Okay lang ba sa 'yo na patilain muna natin 'yong ulan bago kita ihatid sa inyo?" mayamaya ay tanong ni Anthony.

Okay lang ba sa 'yo na huwag mo na lang akong ihatid sa amin? "Oo naman," sabi niya saka sumimsim ng tsaa. Pagkatapos ay bumaling siya sa bintana. Sana huwag nang tumila ang ulan.

Nanatili sa labas ang mga mata ni Samantha at sinikap na pakiramdaman na lang si Anthony mula sa likuran. Parang tumitindig ang balahibo niya. Ni hindi niya magawang tingnan ang binata. Nahihiya siya. Mula kaninang matapos ang halik na iyon ay umakto si Anthony na parang hindi nangyari iyon. Na bahagya niyang ikinaginhawa dahil hindi na nito kailangang banggitin kung na-disappoint ba niya ito o ano. Hindi rin naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin kapag binanggit ni Anthony ang halik na namagitan sa kanila. Ayaw rin niyang harapang masaktan at malamang wala lang iyon para dito.

Pero naiilang na siya sa katahimikan sa pagitan nila kaya pumihit siya para kausapin si Anthony, bahala na kung ano ang sasabihin niya. Pero pagpihit niya ay nagulat siya nang muntik na siyang bumunggo sa dibdib nito. Nasa likuran lang pala niya si Anthony.

Kumabog ang dibdib ni Samantha dahil pakiramdam niya magkadikit na ang mga katawan nila sa isa't isa.

Nang mag-angat siya ng tingin kay Anthony ay matiim itong nakatingin sa kanya. Saglit pa silang nanatili sa ganoong posisyon bago siya nagbaba ng tingin at muling bumaling sa bintana.

"Hmm... Ano'ng oras kaya titila 'yong ulan?" pag-iiba niya sa usapan.

Matagal bago siya nakarinig ng sagot mula kay Anthony. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Hindi ko alam. But you can stay here as long as you want," sabi nito na lumayo ang tinig.

Nang sulyapan niya ang binata ay naglalakad na si Anthony patungo sa itim na piano na nasa isang sulok. Umupo ito sa stool na naroon at itinaas ang cover n'on. Dati na niyang alam na marunong tumugtog ng piano, gitara, at drums si Anthony. Minsan na rin niya itong napanood na tumugtog ng piano sa isang music-oriented program nang mag-guest ito roon. Pero ngayon pa lang niya maririnig tumugtog nang personal si Anthony.

Sa pagkakataong iyon ay humarap na nang tuluyan si Samantha sa gawi ni Anthony, sumandal sa pader at pinanood ang binata.

Parang hinahagod ng musika ang kanyang kaluluwa nang magsimulang tumipa ng tiklada si Anthony at pamilyar sa kanya ang awiting tinutugtog nito.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now