CHAPTER TWENTY-TWO

5.6K 102 0
                                    

NANG tumayo si Anthony ay saglit na nahiling ni Samantha na sana ay huwag muna itong umalis. Naging masaya ang kuwentuhan nila after lunch, ayaw pa niyang matapos iyon. Hindi kasi niya alam kung kailan iyon mauulit pa.

"I hope you don't mind if we turn on the TV. May matchup kasi ngayon ang local football team," sabi ni Anthony na naglakad papunta sa TV na nasa pader sa harap nila.

"Sure," sabi niyang nakahinga nang maluwag. Hindi pa pala siya balak iwan ni Anthony. At mukhang balak pa nitong magtagal dahil nanonood pa ito ng TV. "Wow, hindi ko akalaing makakapasok 'yang San Lorenzo Strikers sa finals," komento niya nang makita ang dalawang team na naglalaro. Binalingan niya si Anthony. "'Di ba, no'ng last Championship, laglag agad sila."

She was a fan of football since forever at wala siyang pinalalagpas ng laban ng mga ito on Philippine TV na hindi niya napapanood. Pero nitong nakalipas na mga buwan ay hindi na siya nakakapanood dahil namatay nga ang kanyang ina at kinailangan niyang magtrabaho.

"Mahilig ka rin sa football?" gulat na tanong ni Anthony.

"Nakakagulat ba 'yon?"

"Quite. Since football here in the Philippines is not as popular as basketball or volleyball. And I know most of the girls in our country only like basketball because of its hunk players."

"Kung gano'n, na-misjudge mo ako, Sir Anthony. Dahil hindi po ako kasali sa most of the girls na tinutukoy mo. Bata pa lang ako, mahilig na ako sa football. Madalas ko silang panoorin sa TV. I can even name the football legends here in the Philippines. Iyon nga lang, hindi na ako updated sa football recently dahil namatay nga ang nanay ko."

Tumango-tango si Anthony pagkatapos ay napailing.

"Bakit?" inosenteng tanong niya.

"Wala lang. You really never fail to amuse me."

Ngumisi siya. "Mabuti naman. Kasi gusto ko talagang i-amuse ka for the rest of your life. Para naman malaman mong hindi ka na makakakilala ng babaeng gaya ko."

"I know right."

Ngumisi siya at bumaling na sa TV. "Pero sa totoo lang, hindi pa ako nakakapanood ng live na laro ng football. Kahit kasi sa school namin, hindi ko natitiyempuhan 'yong mga estudyanteng naglalaro n'on."

"Really?"

"Yup. And if given a chance, gusto ko talagang makanood ng live na laro ng football."

"I can give you that chance you know."

Napabaling si Sam sa binata. "Ibig sabihin? Ide-date mo ako sa live na laro ng Championship?" umaasang tanong niya.

Tumawa nang marahan si Anthony. "Hardly. Ngayon na ang championship at next year pa ang susunod na league."

Napasimangot siya at bumagsak ang mga balikat.

"But you can watch my practice game with my team on Sunday."

"Talaga?"

"Well, it's not as good as the play of Azkals and such but you can—"

"Wow! Thank you talaga! Isa itong karangalan!!" bulalas na niya at hindi na pinakinggan ang sinabi ni Anthony. "Ang saya-saya ko. Sa wakas makakanood na ako ng laro ng isang Anthony de Dios."

"Ni Anthony de Dios na lang. Mas okay 'yon," pagtatama ni Anthony.

"Oh, whatever!"

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now