CHAPTER THIRTY

5.5K 94 15
                                    

NAPANGITI si Sam nang bumaba siya mula sa sinakyang tricycle at nakatingin sa gate ng subdivision kung saan nakatira si Anthony. Wala itong trabaho nang araw na iyon, alam niya dahil niyaya siya ng binata kahapon na manood ng FIFA sa bahay nito ngayon. Tumanggi siya dahil gusto niyang supresahin ang binata. Matagal na kasi niyang naiisip na gawan ng specialty niyang graham cake si Anthony at ngayon lang ang naiisip niyang araw na bigyan ito. Ngayon na rin niya balak sagutin ang binata at opisyal itong maging boyfriend niya.

Kanina ay tinext niya si Anthony at nakumpirmang nasa bahay nga lang nito ang binata at walang lakad.

Isang linggo na kasi niyang napapansin si Anthony na parang laging malalim ang iniisip. Hindi na niya nakikita ang kuwelang side nito kapag magkasama sila. Palagi itong tumitingin sa paligid na tila pakiramdam nito ay may nagmamanman sa kanila o anuman. Kapag naman tatanungin niya ang binata kung ano ang problema ay palaging "wala" ang isinasagot nito.

Mas naging protective din si Anthony sa kanya. Hindi siya nito hinahayaang umuwi nang mag-isa at madalas nitong sinasabi na mas maganda kung doon na lang muna siya titira sa bahay nito. Kapag tinatanong niya ang binata kung bakit, sinasabi nitong gusto lang nitong masiguro na ligtas siya. Siniguro niya sa binata na walang mangyayaring masama sa kanya pero mukhang hindi pa rin kumbinsido si Anthony.

Mukhang may inaalala ito at ayaw lang sabihin sa kanya.

Nagsimulang magkaganoon si Anthony mula nang makipag-usap ito sa ex-girlfriend na si Sheena. Gusto niyang tanungin si Anthony kung ano ang pinag-usapan ng dalawa pero ayaw naman niyang isipin nito na nakikialam siya sa personal nitong buhay.

Kaya sa halip na alalahanin pa iyon, bibigyan na lang niya ng sorpresa ang binata. Aalisin niya ang pag-aalala nito.

Huminga nang malalim si Sam at naglakad na papasok ng subdivision. Kilala na siya ng guwardiya roon dahil sa gate na iyon siya dumadaan kapag pinupuntahan niya si Anthony kaya hindi na siya nahirapang makapasok.

Malapit na siya sa bahay ni Anthony nang mapansin niya ang dalawang lalaking mukhang kaduda-duda at tila nagmamanman sa bahay ng binata.

Nang dalawang bahay na lang ang layo niya sa bahay ni Anthony ay nakita niya ang isang lalaki na nagtatago sa tabi ng pine tree ng kapitbahay ni Anthony habang ang isa naman ay dumudungaw sa gate ng binata.

At dahil likas siyang pakialamera, sinita niya ang mga ito. "Huy, ano'ng ginagawa n'yo riyan, ha? Alam n'yo bang bawal 'yan!"

Bumaling sa kanya ang dalawang lalaki. Nagkatinginan ang mga ito bago nagtanguan. Sinalakay siya ng kaba nang maglakad palapit sa kanya ang mga lalaki. Handa na siyang tumakbo palayo pero may itim na van na huminto sa tapat niya. Pagkatapos ay bumukas ang pinto n'on. Sa isang iglap ay nasa harap na niya ang dalawang lalaki at sisigaw sana siya pero tinapalan ng lalaki ng panyo ang bibig niya.

Pagkatapos ay nagdilim na ang lahat.



A/N:

Nasabi ko na bang ang inspirasyon ko sa nobelang ito ay walang iba kundi si Paolo Bediones? 

Hindi ko sana masira ang interes nyo sa nobelang ito. Pero first time kong mag-fangirling at kay Paolo B. yun.

Naalala ko noon, sobrang stalk ako sa IG ni Paolo B. nun. Lahat ng pics niya sa IG, dinownload ko. Sinave sa CP at laptop. Ginawa ko pang wallpaper. Tuwing magsusulat ako, tinititigan ko picture niya para ma-inspire. At kapag tinatamad akong magsulat, nagma-marathon ako ng lahat ng shows niya sa TV5. Sobrang stalk ko sa kanya  na kinabisado mga post niya sa IG, pati tweets niya sa Twitter para makuha ko voice niya at mai-apply sa nobela ko. 

Tuwing lunch namin ng boyfriend ko noon (na asawa ko na ngayon), ikinukwento ko sa kanya si Paolo B. Siguro, nanawa na siya sa kakakwento ko, sinabi niya sa kin, masyado na daw akong OA. 

Kaya, isinama ko na lang siya sa nobelang 'to. 

Sa tingin nyo, sino sa mga characters dito ang asawa ko? :) :) 

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now